Chapter Fifteen
NAGISING siya sa hindi pamilyar na lugar, agad siyang kinabahan at handa na siyang magsisigaw kaya lang naisip niyang kapag ginawa niya iyon siguradong siya lang ang mapapagod at kung nasa masamang mga kamay siya kailangan niyang ipunin ang lahat ng lakas niya para makatakas.
Inilibot niya ang buong paningin sa marangyang silid na iyon, kumabog ng husto ang puso niya ng mapagtantong hindi simpleng silid lang iyon. Kung pagbabasehan ang mga Japanese characters na nakasulat sa dingding, sa mga paintings, sa mga nakasabit sa kung saan-saan isa lang ang sigurado niya may kinalaman sa kanya ang may-ari ng bahay na iyon.
Ayaw niyang mag-assume pero hindi naman siya tanga at ayaw niyang magpakatanga sa isang bagay na sobrang obvious na. kinalma niya ang sarili at tumayo ng maayos ng mahagip ng kanyang mga mata ang pintuan ay agad niya itong tinungo at lumabas. Kung gaano karangya ang silid na pinanggalingan niya ay halos hindi iyon nangalahati sa rangya na nasilayan niya sa buong bahay—hindi pa nga buo sala pa lang ang nakita niya pero alam niyang kung ano ang nasa ibang panig ng lugar na iyon ay pareho lang.
"Oujo-sama." Kumunot ang kanyang noo ng may lalaking nakasuot ng black suit na gaya ng mga kumuha sa kanya ang tumawag sa kanya ng kung ano. "Mabuti naman po at gising na kayo." Magaling na ani nito.
"Sino ka?"
"Tauhan po ako ng iyong oji-sama." Sa kung anong dahilan ay naiintindihan niya ang mga ginagamit ng salita ng kausap niya, o baka pamilyar lang sa kanya. Minsan sa buhay niya ay nahilig siya sa panonood ng mga Japanese drama at mga anime kaya pamilyar siya sa mga salitang ginagamit nito.
"Lolo?" pagtatama niya sa kanya narinig. Gusto niyang mapakunot ng noo para kasing sa pagkakaalam niya ay dalawa na lang silang magkadugo ni Hexel sa mundong ibabaw at ngayon sasabihin nitong tauhan ito ng lolo niya.
"Matagal ka na niyang pinaghahanap." Isang bagong mukha ang nakita niyang biglang sumingit sa usapan nila. Napatitig siya sa lalaking kaharap, mas matangkad ito sa kanya, hindi rin maipagkakailang tulad niya ay may ibang dugo din na nananalaytay sa dugo nito. At hindi lang iyon hindi ito iyong tipong Hapones na sobrang payat tingnan, kahit na loose longsleeve polo at maong pants lang ang suot nito mapagkakamalan mo itong modelong biglang lumabas sa mga magazines. "Dapat magpasalamat ka dahil hinanap ka pa niya."
"Sino ka?" tanong niya sa lalaking may hangin sa katawan.
"We shared the same blood."
Ano raw? "Kamag-anak kita? Wala na akong kamag-anak-." The guy smirks at shake his head as if she comes from a planet where brains didn't exist.
"Your mom and my dad were siblings and that makes us cousins."
Pinsan? Pinsan niya talaga ito?
"Anong kailangan niyo sa akin?"
"Let that old man explain everything ayokong magpaliwanag nakakapagod." Nagkibit-balikat lang ito at bumaling sa naunang kausap niya.
"Gusto ko ng umuwi."
"Monica." Madiin na tawag ng pinsan niya sa pangalan niya. "I'm Forrester- call me Forrest Avancena."
"Hindi ka Tadashi?" tukoy niya sa apelyido ng mama niya.
"Lets just say isa ako sa sawing-palad na naging anak sa labas ng tatay ko kaya huwag kang mag-alala hindi lang ikaw ang nahanap mas nauna akong nahanap ni tanda keysa sa iyo. At kahit na gusto kong umalis ay hindi ko ginawa sayang din ang perang makukuha ko bilang pamana ng matandang iyon." Base sa paraan ng pagkakabigkas nito sa bawat salitang binibitawan nito hindi ito lumaki sa isang mayaman o maayos na pamilya. Sa pakiwari niya ay isang sanggano ito kung hindi lang ito nakabihis ng desente sa mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
Lãng mạnPaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...