Chapter Nineteen

60.4K 1.4K 81
                                    


Chapter Nineteen


"AY! May gwapo!' Nahinto siya sa pagdidiscuss ng biglang may sumigaw na isang student niya sa kalagitnaan, sinundan niya ang tingin ng mga estudyante niyang hindi magkamayaw sa kilig at agad na nakilala ang 'gwapo' na tinutukoy ng mga ito. Xancho is leaning on the door's frame sexily, gusto niyang mapasimangot ng bigla itong ngumiti. Lately bigla siyang nagiging possessive pagdating dito, ayaw niyang ngumingiti nalang ito bigla sa kung kani-kanino. Hindi naman ito flirt much to her relief pero hindi pa rin niya maiwasan, hindi naman kasi pangit ang lalaking pinili niyang mahalin. Tinanggal nito ang suot nitong shades and smile at her making her heart beats faster—as usual. Sino pa ba ang pwedeng magbigay sa kanya ng sakit sa puso kundi ito lang?

"Boyfriend iyan ni ma'am." May narinig siyang bulong ng mga estudyante niya.

"Ay taken na? Pero okay lang wala din naman tayong panama kay ma'am." Xancho pointed out his watch, tiningnan rin niya ang relo niya late na pala. Masyado siyang engrossed sa pagtuturo niya at hindi niya namalayan na uwian na pala.

"Class, it's already time. Study your notes nalang in advance and we are going to continue with our lessons tomorrow."

"Yes, Miss Garcia." Sabay-sabay na sagot ng mga ito at mabilis na nagsipag-ayos. Kinuha naman niya ang gamit niya at nauna ng lumabas pagkatapos magpaalam sa mga ito.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya wala naman kasi silang usapan na may lakas sila o ano ngayon.

"Surprise." Bati lang nito sa kanya at hahalikan sana siya pero tinapik lang niya sa noo, nasa school sila at ayaw niyang may makakita sa kanyang mga estudyante sa ganoong akto. "Oh, sorry- later then." Pilyong saad nito.

"Bakit ka nga nandito?"

"Yayayain sana kitang magdate."

"May lakad ako ngayon."

"Sasamahan na kita."

Tiningnan lang niya ito. "Hindi naman kailangan at saka teacher duties baka hindi mo magustuhan ang pupuntahan natin." Nag-aalalang wika niya dito.

"Basta sasama ako." Alam naman niyang hindi niya ito mapipigilan.

"Bahala ka." sumunod ito sa kanya sa faculty room, nandoon pa ang ibang mga kasamahan niya na halos kilala na ito dahil kung makasulpot ito doon ay wagas. Minsan nga ay ito ang tambay sa table niya at nakikirecord ng mga activities na hindi pa niya nairerecord. Biro pa ng mga kasamahan niya may assistant daw siyang hot at gwapo, she just rolled her eyes and snort. They wouldn't know how hot this man if he wants to be really... really hot.

"Nandiyan na naman pala ang assistant mo Miss Garcia, hindi kami magsasawa na nandito ang boyfriend mo." Xancho knew better than entertain her co-teachers who are obviously flirting with him. Madalas talaga siyang magselos, iyon ang kinakatakot niya hindi niya alam kung saan na side niya namana ang pagiging possessive niya. The more her feelings grow for him the more her jealousy towards everything that relates to him grow as well.

"Magdedate ba kayo?"

"Yes." Magiliw na sagot ni Xancho sa mga ito kaya umani na naman sila ng tukso, sanay na siya. Kung nasanay siya dati na tinatanong kung kailan siya magkakaboyfriend ngayon ay nasanay na siyang tuksuhin kung kailan siya magpapakasal and everything they asked Xancho, palagi lang nitong sinasabi na siya na lang ang hinihintay nito.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon