A/N: I merged two chapters babies and adjusted the other chapters as well. Iyong update kanina na chapter 28 ay nasa twenty seven na siya. :-)
Chapter Twenty-Eight
"MONICA, kausapin mo na ako please." Habol ni Xancho sa kanya. "Alam kong may nagawa akong kasalanan sa iyo kung anuman iyon pwede mong sabihin sa akin at magawan ko ng paraan. Ayokong iniiwasan mo ako."
Agad niyang hinarap si Xancho habang naghahabol ito sa kanya, she hates it when he follows her like a lost puppy. Simula noong magpakilala ito sa lolo niya ay palagi nalang itong nasa bahay nila, hindi niya alam kung matutuwa siya o ano dahil kung titingnan mong mabuti ay parang nanliligaw lang uli ito sa kanya sa mga simpleng moves nito. He always brought her flowers and chocolates, ang rason nito ay dapat bigyang respeto ang reyna ng pamamahay nila. Ang lolo naman niya ay sobrang manhid hindi napapansin ang ginagawa nito but she made sure they will never have any contact, kapag nasa bahay ito ay nasa loob lang siya ng kanyang silid at natutulog. Natutulog naman talaga siya, takaw tulog siya sa mga panahon ngayon at natatakot siya, bigla kasing naalala niya ang posibilidad nab aka may ibang dahilan kung bakit palagi siyang pagod at gutom nitong mga nakaraang mga araw. Gusto niyang alamin ang totoo kaso natatakot din siya nab aka tama ang hinala niya.
"Ano ba Xancho nasa pamamahay ka ng asawa ko kaya irespeto mo siya."
"Masama bang makipagkaibigan sa iyo?"
"Ayokong makipagkaibigan sa iyo." Iyon lang at agad niya itong iniwanan gusto niyang makausap ang mga kaibigan niya. Nakausap na niya si Hexel tungkol sa plano ni Hiro, hindi niya kaya ng siya lang kailangan niya ng tulong. Doon niya napatunayan na kahit na wala na ang Zalpha Bri ay nandoon pa rin ang kanyang mga kaibigan at handing umintindi at tumulong sa kanya. Sinabi ng mga ito na hindi siya dapat mamili dahil hindi sila mapapahamak but still knowing how her uncle thinks and works hindi pa rin siya panatak sa possibleng mangyari. Kinausap na rin niya ang mga magulang ng kanyang mga kapatid, si Norman ay kasama ni Oz. Pinilit niyang sumama ito sa pinsan niya upang makapagtago at ang iba pa niyang mga kapatid ay may sariling bantay na rin.
"Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako."
Marahas niyang hinarap ito upang ipagtabuyan uli pero tumanim sa isip niya ang sinabi nito, gagawin nito ang lahat para mapatawad lang niya ito.
"Gagawin Mo ang lahat?"
"Yes." He said hopefully.
"Umalis ka muna Xancho, pumunta ka sa headquarters mo." Kumunot ang noo nito. "Huwag mo muna akong kausapin at lapitan, kaya mo bang gawin iyon?" please say yes, this is the only way to protect him, kapag umalis ito ay makakalaban siya ng walang ibang iniisip.
"Why?" nagdaramdam na tanong nito. "Paano ako makakabawi sa iyo kung paalisin mo ako sa tabi mo?"
"Xancho I am a married woman."
"And I am offering my friendship to you."
"Tatanggapin ko ang friendship mo at ang sorry mo kung papayag ka sa gusto ko." She is really desperate now.
"The last time you asked me to leave you married someone else and now you asked me again to leave your side."
She sighed. "Wala ka ng mapapala sa akin Xancho, sinaktan na kita hindi ba? I married someone else for revenge dahil gusto kong ipakita sa iyo na kaya din kitang saktan gaya ng ginawa mo dati. And I am pregnant with my husband." Pain crossed his eyes when she said those words, hindi pa man sigurado pero Malaki ang chance na buntis nga siya dahil may nangyari sa kanila mahigit isang buwan na ang nakakaraan.
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
RomancePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...