Chapter Twenty-Seven
"Urkkkk!" kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya at nahihilo, pabalik-balik na rin siya sa banyo upang magsuka pero wala naman siyang maisuka. Nalilito na siya sa kanyang nararamdaman.
"Anong nangyari sa iyo?" natatawang tanong ni Monique ng makita ang hitsura niya pagkabalik niya mula sa banyo.
"May nakain lang akong kakaiba." Kunot-noong nakatingin lang ito sa kanya. "Magpractice na tayo sa paglalakad mo, kaya mon a bang tumayo ng ikaw lang?" agad itong umiling, kasalukuyan silang nag-eensayo sa pagtayo nito. Sabi ng doctor kailangan lang e-exercise ang mga paa nito upang makalakad na ito ng maayos. "Let me help you." Umiling din ito kaagad sa kanya.
"Huwag muna gusto ko ako lang."
"Ikaw ang bahala." Umupo siya sa upuan na nasa tabi nito, she needs it dahil nanghihina at nahihilo na rin siya. Tinatanaw niya ang pagtayo nito ng bigla itong magsalita.
"Kumusta na ang pinsan mo?"
"Okay na si Oz, hindi naman Malala ang tama ng bala sa kanya. Nakauwi na siya pero on guard pa rin ang mga tauhan ni lolo sa kanya."
"Naku iyang uncle Hiro mo hindi niya alam na anak niya ang sinasaktan niya."
"Wala namang puso iyon kahit sino basta nakakasagabal sa tagumpay niya ay kakantiin niya."
"Kaya ikaw mag-ingat ka—aww!" natutop niya ang kanyang dibdib ng muntik na itong maupo sa sahig, mabuti nalang at nakahawak agad ito sa railings. "Sorry." Anito. "Balik tayo sa topic, mag-ingat ka sa uncle mo. Sigurado akong kayong tatlo ng lolo moa ng habol niya."
"Kaya nga ang daming bodyguards na nakapalibot sa akin ngayon kahit na hindi ko gusto, tama sina Oz I need them."
"Si Hexel?"
"Iba ang laban niya at iba ang laban ko."
"Ang mga kapatid mo?"
Agad siyang napangiti ng maalala ang mga kapatid niya. "Magkikita kami ngayon excited na nga akong Makita silang lahat, kasama ko si Norman—ay Lyle na pala."
"Iyang si Norman natulog lang ako ng ilang lingo tapos naging lalaki na ano ang nakatrigger ng pagbabago niya?"
Nagkibit-balikat siya, "I don't know." She lied dahil mukhang alam niya kung bakit biglang nagbago ang kapatid niya hindi lang siya sigurado.
"Kukunin mo pa rin ba sila?" malungkot na ngumiti siya.
"I wanted to, ginawa ko ang lahat ng ito dahil sa kanila pero nagbago ang pakay ko. Hindi ko sila pwedeng hilahin sa mundong kinagagalawan ko and besides alam kong masaya na sila kasama ang tunay nilang pamilya. I was wrong naging selfish ako ng isipin na magiging masaya sila kapag ako ang nakasama nila kagaya ng dati, masayang kasama ang mga taong mahal mo pero walang makakapantay sa saya kapag kasama moa ng tunay mong pamilya."
Gulat na napatingin si Monique sa kanya. "Wow, bakit parang nagbago ka Monica? You changed."
Tumawa siya sa sinabi nito. "People changes when they learned what life means, at hindi mo malalaman kung ano talaga ang buhay kung hindi mo mararanasan iyon. Masyado akong nakulong sa sarili kong pantasya tungkol sa totoong pamilya, minsan kung anong gusto mong mangyari ay hindi nangyayari dahil iba pala ang nakatadhana sa iyo. I will forever treasure my memories I had with my siblings, blood related or not we are always a family." Umupo si Monique sa wheel chair nito habang nakatingin sa kanya.
"Naging soft ka na nga."
"I am not ganito lang talaga ako natuto lang."
Umiling ito. "No Monica nagging soft ka na, don't change." Biglang nagging matigas ang boses nito. "Ayokong magbago ka be that Monica who doesn't care about the world." Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
RomancePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...