SimulaThe light inside my room was still open. It should be, so that I can see him later.
Para makita ko kung gaano siya kaganda sa kabila ng pagiging magkaiba namin.
"Malapit na... " bulalas ko at hinawakan ang kamay niya.
Ang malaki kong ngiti kanina ay unti-unting napapalitan ng pag-aalala at pagkalungkot.
"Ito ang ayaw ko sa lahat. Hindi ko na mahahawakan ang kamay mo," bumalik ang ngiti sa aking labi. His simple words can make my heart happy, it can melt me. Kahit ano sigurong sabihin niya, kahit hindi nakakakilig ay sumasaya pa rin ako.
"Ngayong umaga lang naman! Mamaya ay... pwede naman tayong mag-date?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya.
Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon sa akin at doon ay sabay naming hinintay ang pagpatak ng madaling araw. Exactly 12 a.m.
Hindi pa rin talaga ako makukuntento sa ilang oras naming magkasama. I mean, oo nga at araw-araw ko siyang kasama pero masyadong mahirap ang sitwasyon namin. Mahirap ipaliwanag at kahit kailan hindi maiintindihan ng iba. Gusto ko mang hawakan ang kamay niya pero may pagkakataon na hindi ko kaya.
Para kaming pinaparusahan sa ganitong sitwasyon.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang unti-unting pagkakaluwag ng hawak niya sa aking kamay. To the point that I can't even feel it... Kung ito ang unang beses ay magpapanic ako pero hindi naman ito ang una kaya sanay na akong makita siya na parang usok na biglang naglalaho.
Humarap ako sa kaniya. You won't understand it. No one will ever understand our situation. Iisipin nilang nababaliw ako.
Napakunot na lang ang noo ko sa bigla niyang paggalaw.
"Bukas mo na lang sabihin. Hindi kita maintindihan," nakahalukipkip kong sabi at pinipilit siyang intindihin pero hindi ko talaga ma-gets ang gusto niyang iparating.
Imbis na makinig ito sa akin ay kiniliti niya ang paa ko na hindi ko alam kung paano niya nagagawa. Ang lalaking 'to! How can he do that to me?!
"A-ano nga kasi 'yon?" tumatawa kong tanong at nagpapadyak.
Umayos ito ng tindig at doon ko lang naintindihan ang tinuturo at gusto niyang ipahiwatig.
"Kiss?!" eksaherada kong tanong sa kaniya.
Dahan-dahang tumango ang ulo nito.
"Nahihibang ka na ba? I can't do that," patuloy ang tawa ko sa mga ideya niyang binibigay. Alam kong na-eenjoy niya ang mga gusto niyang ipagawa sa akin! Hindi ko man makita ang ekspresyon ng mukha niya pero alam kong tumatawa ang lokong ito!
Ayaw talaga niyang magpaawat at kiniliti akong muli sa paa. Napahalakhak ako at sinipa ang katapat kong pader.
"Loko! O, sige na! Tigilan mo na 'yan!"
Ang pagsabi ko niyon ay tuluyang nakapagpatigil sa kaniya. Wala akong nagawa kung hindi idikit ang mukha sa pader kung saan naroon ang walang hiya kong boyfriend.
I can't believed it. Na gagawin ko ang ganitong bagay. Ngayon ko lang naranasan ang humalik sa pader! Mukha akong tanga. Buti na lang at nandito ako sa loob ng bahay.
"Okay na? Tutulog muna ako at papasok pa ako mamaya sa karinderya," wika ko at tuluyan ng humiga sa kama.
Patagilid na natulog at hinayaan ang sariling sumiksik sa malamig na pader na kalapit ng aking kama. Ang totoo ay hindi ko maramdaman ang lamig. It's warm and comfortable beside him...
"Matulog ka na rin!" pagsusungit ko at umirap.
Pinatay ko na ang ilaw kanina pero ang liwanag mula sa labas at sa buwan na tumatagos sa bintana ng kuwarto ko ang nagtatanglaw sa aming dalawa. Nakahiga na rin siya na katulad ng posisyon ko. This is definitely crazy though it makes me happy...
Pumikit ako at hinayaan ang sariling mag-isip.
Nagtratrabaho ako sa karinderya ni Aling Meng. Mabait siya pero minsan ay nagmamaldita.
Si Papa ay nabaril, napagkamalan kasi siyang kriminal pero hindi naman pala si Papa 'yon at nagkataon lang na nagkatulad sila ng suot ng araw na 'yon. Si Mama naman ay inatake sa puso after 2 years nang mamatay si Papa.
Kaya ako na lang mag-isa rito sa bahay namin. Wala rin naman akong kapatid pero pinangarap kong magkaroon. It's just too impossible now.
May kuriyente man sa bahay pero tinitipid ko ang sarili. Hindi ko na binubuksan masyado ang ilaw at electric fan, palaging bukas nalang ang bintana ko para magkaliwanag at hangin.
Hindi ko alam kung matatawag ang buhay kong masaya. But one thing's for sure, I am glad to have him in my life.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasyFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...