Kabanata 26

179 9 0
                                    

Kabanata 26
Plan

Nakatingin ako sa lahat ng bagahe namin. Nandito na rin si Sena. Kasama ko siya papunta sa Canada dahil kapag hindi siya kasama ay mapapabalik si Keyon sa Pilipinas.

Kasama ko si Keyon sa loob ng kwarto ko. Nakahiga lang kami sa kama katulad ng nakagawian namin.

Nakatingin ako ako kisame habang siya ay yakap ako.

"Teka! 'Di ba kapag umaga ay nagiging anino ka ni Sena. Paano kung nasa Canada na tayo? Babalik ka sa Pilipinas dahil nasa Pilipinas si Sena?" Napabalikwas ako dahil sa naisip.

"Oh, dammit, I forgot." Hinilot niya ang sintido.

"Anong gagawin natin?"

"We need to bring Sena with us."

Napasimangot ako sa ideyang 'yon pero wala naman kaming magagawa. Mahirap mapapayag si Sena lalo na at hindi niya pa alam ang tunay na nangyayari sa kaniya ngayon.

"Tara na! I'm so excited to be with Keyon!" ani Sena na sinusuklay ang buhok gamit ang kamay. Tumingin lang ako sa anino ni Sena na si Keyon at sinamaan ito ng tingin.

Tss, naiinis ako at nagseselos tuwing iisipin ko kung paano namin napapayag na sumama si Sena sa Canada.

"Keyon, kinausap ko na si Sena pero hindi siya pumayag..." nanlulumo kong sabi.

Kailangan na kailangan namin na isama si Sena at hindi namin alam kung paano gayong bukas na ang alis namin.

"Ako ang kakausap sa kaniya," aniya.

Tumango ako bilang pagpayag. Siguro naman ay kapag si Keyon na ang kumausap ay sumama na siya.

Pumasok si Keyon sa isang restaurant kung saan na roon parin si Sena na kanina ay kausap ko sa loob.

Nasa labas lang ako at nakasilip sa kanila. Kitang-kita ko sila dahil gawa sa salamin ang buong restaurant.

Sena was shocked as he saw him walking towards her direction. Mabilis siyang tumayo at niyakap si Keyon.

Gusto kong pumasok at hilahin si Sena pero kinalma ko muna ang sarili ko. I should be thankful to Sena because Keyon was still here. Iyon nalang ang itinatak ko sa isip ko.

Paglabas ni Keyon ay nakakapit na si Sena sa braso ni Keyon. Kahit pa sabihin na pumapayag siyang magpakapit sa braso para mapapayag si Seña ay nakakakulo pa rin ng dugo.

Tumingin sakin si Keyon at pasimpleng ngumiti na inirapan ko.

Nalaman ko nalang na papayag na sumama si Sena kapalit ng pagdedate nila ng gabing 'yon at pagdedate nila sa Canada. That night, umuusok ang ilong kong umuwi dahil nag-date sila. Sumisikip pa ang dibdib ko kapag naiimagine ko pa kung ano kaya ang puwede nilang gawin.

"Nasaan ba si Keyon? Napakatagal naman niya."

Palakad-lakad siya sa labas ng bahay ko at inip na sa paghihintay sa wala.

"Susunod nalang si Keyon. Tara na sa airport," mahinahon kong sabi pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Tsk, nagsisimula na naman akong mainis sa kaniya.

"Hindi ako sasama hangga't wala pa si Keyon. Baka mamaya niloloko niyo lang ako at hindi siya sumunod." Napatampal na lang ako sa noo sa sobrang pagkainis.

"Susunod nga si Keyon, okay? Paano mo siya makikita kung umaga ngayon?" inis kong sabi hindi na napigilan ang sariling bunganga. Ang kulit naman kasi!

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon