Kabanata 39
Libro
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Nang tuluyang magising ay doon ko lang naramdaman ang sakit ng ulo ko. I am also sore down there. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ang nangyari sa amin kagabi.Gosh... Pareho kaming hindi nakuntento at ilang beses na ginawa iyon. Kaya siguro masakit na halos ang buong katawan ko.
Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Suot ko ang malaking damit ni Keyon pero bukod doon, alam kong wala na akong suot.
"Drink this," napaangat ako ng tingin at umayos ng upo nang makita sa harapan ko ang lalaking kinabaliwan ko kagabi. Anak ng fishball. Alam kong hindi lang ako kahapon nabaliw sa kaniya. I am crazily in love with him.
May dala siyang gamot at isang baso ng tubig. Inangat ko ang kumot na bumaba dahil alam kong bakat ang hinaharap ko sa suot ko ngayong damit.
Tumawa lang siya ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Here," aniya at umupo sa kama. Kinuha ko naman ang gamot sa kaniya. Wala siyang pang-itaas na damit. Nanlaki ang mata ko ng makitang may pula sa may dibdib niya. Teka-chikinini 'yon?! Mabilis ko siyang pinalo.
"Kanino galing 'yan?!" tanong ko at tinitigan ang pula nito.
Tumawa muna siya bago sumagot, "It's because of you. You made it."
Nanlaki ang mata ko. What? Sakin?! Ganiyan ba ako ka wild kagabi? Tinakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. Ahh!
"Look." Pinakita niya sa akin iyon at ang mas nakakagulat ay hindi lang ito isa! Kung hindi tatlo! May roon siyang isa sa leeg at ang isa pa ay sa may balita.
"You have more hickeys than I have..." nakangisi niyang sabi at mabilis akong hinalikan sa labi.
Sinilip ko ang loob ng damit at napagtantong bampira ang kasama ko rito! May mga pula sa malapit sa gilid ng dibdib ko!
"Take a bath now so you can see your neck. Atsaka amoy alak ka pa rin." pang-iinis niya pa. Inikutan ko lang siya ng mata at nagmadaling kunin ang tuwalya ko saka pumasok sa banyo. Tinawanan pa ako nito dahil kung saan-saan ako humahawak pang suporta habang naglalakad.
Habang sinasabon ko ang braso ko ay napatili ako. Isang katok naman sa pintuan ng banyo ang ginawa ni Keyon para tanungin kung ayos lang ako.
"Bakit ang dami no'ng sa akin?! Sa iyo naman tatlo lang ah?!" sigaw ko habang sinusuri ang mga iniwan niyang bakas. Ang lalaking 'yon! Mayroon din sa hita! Kinuha ko ang salamin para tingnan kung mayro'n nga. I knew it! Meron nga sa leeg at pati sa malapit sa collar bone ko. Halata ito at matagal mawala panigurado!
Narinig ko na naman ang tawa niya sa labas.
"Then you can add some hickeys to me, later."
"Bahala ka sa buhay mo! Magdagdag ka mag-isa mo!" sigaw ko at pinagpatuloy ang pagsasabon.
Sa loob na rin ako ng C.R. nagbihis at paglabas ay nakahiga lang siya sa kama at nakapatong ang kamay niya sa mata.
Sa inis ko ay tumalon ako at dinaganan siya. Narinig ko ang mahina niyang pagdaing. Tama lang 'yan sa kaniya! Paano ko itatago ang mga ito? Mamaya ay mapansin ito nina Kenna at interview-hin pa ako.
"Kainis ka!" sabi ko at patuloy sa pagdagan sa kaniya. Mas natuwa lang ito at tumawa.
Katulad ng sinabi ni Keyon ay nakahanap siya ng trabaho. Mabuti nalang at nabigyan siya ng malaking pagkakataon na makapagtrabaho sa kumpanya ng mga delatang pagkain. It was just the start. Alam kong hindi magtatagal ay may makukuha siyang mas magandang trabaho at nasa mas mataas na posisyon.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasíaFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...