Kabanata 36

148 7 0
                                    

Kabanata 36
Game


May isang case ng maliliit na alak. Hindi pamilyar ang tatak nito. Ano kayang lasa ng mga 'yon? Nakatikim nga ako pero matagal na. Hindi ko na maalala ang lasa. Tuwing pupunta naman ng bar ay softdrinks lang ang iniinom ko katulad noon.

Malamig ang beer na dala ng mga ito. Sinimulan na nilang buksan at inabot nila ito sa amin. Isang tao isang beer.

"Ahh... Hindi ako umiinom," sabi ko at ibinalik ang alak sa kanila.

"No KJ! For tonight lang naman 'to," sabi ni Kenna. Hindi nila alam ang rason kung bakit ayaw ko ng uminom.
Hindi naman kasi sila nagtatanong din sa akin tungkol doon at ngayon lang nila ako pinilit.

"Kahit ibang drinks nalang huwag lang alak."

Umiling lang silang lahat. Miski sina Beatrix at Trixie ay umiling.

"Ngayon lang ito Aviana. Kahit isang beer lang tutal maliit lang naman iyan," sabi ni Beatrix na tinanguhan ako upang tanggapin ang inaabot nila.

Wala akong nagawa at kinuha iyon. Hindi ko nalang siguro uubusin. Nagsimula na silang uminom habang nagkukwentuhan. Ako naman ay sumisimsim lang ng paunti-unti.

"Alam niyo ba, dati kaming mga achievers noong highschool but nagbago iyon noong college," pagkukwento ni Jakyll.

"Bakit?" tanong ni Trixie na katulad ko ay konti lang kung uminom.

"Naging bulakbol kami," natatawa pang sabi ni Rein. Hula ko ay silang dalawa ni Jakyll ang pinakamagka-close dito.

"Sayang naman. Buti nga kayo nakapag-aral kaya lang sinayang ni'yo. Samantalang kami ni Bakla, gusto namin pero hindi kami makapag-aral, 'di ba Aviana?" sabi ni Kenna at tumingin sa akin.

Tumango ako. Sayang nga talaga. Noong elementary at nag-aaral pa ako ay lagi akong nasa-top. Araw-araw ba naman kasi na lulutuan at paghahandaan ako ng nanay ko ng pangbaon, inaayusan niya ako, tinuturuan at hinahatid naman ako ng tatay ko, hindi pa ba iyon dahilan para magkaroon ako ng inspirasyon at mag-aral ng mabuti? Kaya lang wala na sila, wala ng umasikaso at nagpaaral sa akin. Wala na akong naging inspirasyon sa buhay... Kung saan na napadpad ang buhay ko hanggang sa nakilala ko si Aling Meng at ang mga kaibigan ko.

Madami pa kaming napag-usapan. Sa kahabaan ng usapan ay isa sa kanila ang pumuna sa akin. "Aviana, ano 'yan? Mukhang hindi nababawasan 'yang beer mo," napatingin naman ako sa nagsalita, si Rhian.

Napansin na nila na hindi masyadong nababawasan ang alak ko habang ang sa kanila ay paubos na.

"Hayaan niyo. Mauubos ko rin ito mamaya," palusot ko pero wala talaga akong balak na ubusin ito dahil paniguradong may hindi magandang mangyayari.

"Para maganda, laro na lang tayo! Whoo!" sigaw ni Love at itinaas ang boteng hawak niya. Lasing na ba ang isang 'to? Paubos na ang alak niya pero mukhang ayos pa naman siya magsalita. Sanay na 'ata sa inuman.

"Sige ba! Anong laro?" curious na tanong ni Lally, excited din nang marinig ang salitang laro.

"Guessing Game!" wika ni Love at may kasama pa itong pagtaas ng kilay.

"Anong klaseng laro 'yon?"

Medyo naiintriga na rin akong malaman kung anong mayron doon.

"Simple lang. You need to guess kung ano man ang sagot sa itatanong niya. Madali lang ang tanong, you can asked, what is my age? My second name? Color of my shoes? Like that. Syempre walang dayaan, bawal sumilip sa ilalim kung shoes man."

Medyo napapasang-ayon naman ako sa gusto niyang laruin. Pangpatanggal ng atensyon sa alak at matuon na sa laro.

"Sinong game?" masaya niyang tanong. Tumaas naman kaming lahat ng kamay.

"Yieee! I know you'll join! May twist syempre! Kapag hindi nahulaan you need to take a shot of this." Naglabas siya ng maliit na baso. Ginagamit yata iyon sa inuman din. Sinalinan niya ito ng ala—What?! Alak?! Hindi pwede!

"Hindi na ako sasali," mabilis kong pagbawi.

"No way! There's no turning back. At isa pa pumayag ka na kanina right?" naiinis na sabi ni Love.

"Chill Love. Baka may dahilan naman ang friend ko, " paliwanag ni Trixie.

Thank God. Trixie save me from the danger.

"Dahilan? Anong dahilan?" tanong ni Lally at humarap sa akin.

Ayaw kong sabihin. Nakakahiya at nakakatawa. Nakokontrol ng alak ang katawan ko. Shit. Really shit. Hindi ko naman pwedeng aminin na nagiging possessive ako sa kahit sino kapag nakakainom. That is my reason.
Kahit hindi ko kilala ay nagiging possesive ako rito. Parang nawawala ako sa tamang katinuan. Kaya ko naman kapag kaunti lang ang nainom ko. Katulad ng pagsimsim lang kanina pero once na isang baso na iyan. Mabilis akong malasing at maapektuhan ng pagiging possesive.

Naalala ko noon, May family celebration kamk. Kaka high school ko lang at buhay pa ang magulang ko. Since sa bahay naman at pamipamilya lang, ang loko loko kong tito, inabutan ako ng isang maliit na baso at sinabing juice raw. Nilagok ko naman agad kaya ayon doon ko nalaman na may kakaibang epekto ang alak sa akin. Hindi ko nilubayan ang Mama ko kahit hanggang pagtulog. Ang higpit ng kapit ko at ayaw siyang pakilusin.

"Hindi pa ako nakakainom. This is my first time kaya hindi ako sanay. Ayaw ko," pagsisinungaling ko.

"Com'on, this is your first time at magiging masaya iyon kung ieenjoy mo. So, pumayag ka na,"  pamimilit ni Jekyll.

"Ganito nalang, paghindi nalang nahulaan. Either drink alcohol or kiss someone na hindi mo kilala. Mukhang masaya, right?" malaking ngiting wika ni Love.

"No, may boyfriend na si Aviana," sabi ni Beatrix. Tama, hindi ko gusto ang ideya niya. Dapat pala ay hindi na ako nagpahila rito at nag-stay nalang sa upuan ko.

"No KJ na please... Atsaka smack lang naman or kiss sa pisnge? Yan, okay na? Malay mo mas gwapo pala iyong makikiss mo," sabi ni Love, kinindatan pa ako. I doubt it kung may may gagwapo pa sa paningin ko bukod kay Keyon.

"S-sige na nga," naghiyawan sila ng mapilit ako.

"Paikot nalang para lahat matawag at makalaro. Una kay Aviana," suhestiyon ni Rhian. Aba't sa akin pa talaga nagsimula.

"Ang magtatanong ay ako," dagdag pa nito

"Aviana, anong kulay ng pendant ng necklace ko?" tanong niya at mabilis na tinakpan ang kwintas niyang may pendant. Holycow... Ano nga 'yon? Pilit kong inaalala at pina-flashback ang mga nangyari kanina. Nakasuot siya ng kwintas na... Boyish siya—Yah!

"Bungo na kulay black with blue!" confident kong sagot. Sumimangot siya.

"Yes, you got it," halos pumalakpak at magsisigaw ako sa tuwa. Buti at alam ko! Kung hindi ay ayaw ko namang uminom at kung hahalik naman sa pisngi ay magagalit sa akin si Keyon or puwedeng sa kaniya ako humalik? Magkunwari na hindi ko siya kilala.  Humagikgik ako sa naisip.

Sumunod naman si Kenna.

"Kenna, what is the color of my panty?" natawa kami sa tanong ni Love.

"Oh my gosh ateng. Pasilip naman oh?" natatawa niyang sabi.

"Color pink nalang," sagot ni Kenna at sumimagot. That was hard!

"Duh, I hate pink. It's green," aniya at sinilip ang panty para siguraduhin nga. Hindi ba siya nahihiya? Nakadress siya at walang short or cycling. Mukhang sanay na sa tao.

"Kikiss nalang ako ng boys," sabi ni Kenna at tumayo. Hays, mukhang pabor naman sa kaniya ang consequences.

Lumapit siya sa grupo nina Keyon at walandiyo! Si Keyon pa talaga ang hinalikan nito sa pisnge! Madaya, hindi nga raw kilala, e! Hindi naman nag-react ang magkapatid.

Pagbalik nito ay pinalo ko siya sa balikat.

"Loko," sabi ko. Mabuti at hindi nagalit si Keyon. Nagulat lang ito at binigyan ng masamang tingin si Kenna.

"Hot," napatingin kami kay Love nang magkomento.

"Mainit ba?" tanong ni Lally na natatawa. Ako naman ay nagsalubong ang kilay.

"Yeah," sagot nito at nakitawa.

Nakaikot na at bumalik na naman sa akin ang pagtatanong. Hindi ko akalain na ang isang laro ay maaaring makapagparamdam sa'yo ng kaba at takot. I hate this game!

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon