Kabanata 17
PartHe lips parted, shocked of what I've said.
Sa huli ay ngumisi ito sa akin dahil nadala ako ng isa niyang biro.
Tinampal ko ang braso niya at tinabunan ng unan ang namumulang mukha. Walang hiyang lalaki 'to!
"Let me asks you something."
Nanatili siyang nakaupo at hindi nawala ang ngisi nito sa mukha.
"Napilitan ka ba na ligawan kita? I forced you to say yes, didn't I?
Natanggal ko na nang tuluyan ang takip sa mukha dahil sa mga sinasabi niya.
Mabilis akong umiling. Yes, medyo napilitan ako na pumayag agad pero alam ko namang kapag pinag-isipan ko iyon ng matagal ay papayag pa rin ako.
"Kung anu-anong nasa-isip mo. Hindi ako napilitan, okay?" nakangiti kong sabi pilit na pinauunawa na hindi nga ako napilitan.
Tumayo ako at hinila siya para mapatayo rin.
"May pupuntahan tayo," sabi ko.
"Magaling ka na ba?" Hinawakan niya ang noo ko.
"Medyo. Uh... wait lang pala."
Pumasok ako sa banyo, naghilamos at nagsipilyo. Nagpalit din ako ng damit na maayos.
Ito ang unang beses na gagala kami ng sikat pa ang araw. I'm not sure if this will be the last so I want to make this memorable.
Sumakay kami ng jeep tapos mga ilang minuto lang ay bumaba na kami.
We're here!
"Chanan!" wika ko at excited na tinuro ang mall gamit ang dalawang kamay.
Wala kasi talaga akong maisip na pupuntahan pero 'di naman kami mamimili o kaya magwi-window shopping. Hinila ko siya papunta sa second floor kung saan naroon ang World of fun. Maglalaro kami!
"Anong gagawin natin diyan?" aniya, inikot ang mata sa kabuuan ng World of Fun. Hindi ako sigurado kung ito ba ang unang beses niyang makapunta rito pero kung oo, I am more than happy to be with him in his first time.
"Maglalaro!" masaya kong bulalas at pumasok na kami sa loob.
Nagpapalit ako ng token ng halagang one hundred pesos. Nakakaiyak man dahil ang hirap kitain ng isang daan ay kailangan ko itong gawin para mag-enjoy kami.
Tigsampung token kami ni Keyon.
"Tara na!" inaya ko siyang maglaro doon sa basketball.
Magkahiwalay kami pero sabay naming hinulog ang token.
Ang daya! Bakit laging shoot 'yong kaniya sa ring? Tina-try ko namang galingan kahit mukhang hinahagis ko lang.
Tawa siya ng tawa habang ako focus lang sa paghagis.
"Kung sinong matalo, pipitikan sa noo," ani Keyon na patuloy rin sa paghagis ng bola.
"Ayoko nga! Ang daya mo, magaling ka lang kaya hindi kita mapipitikan!"
Ang ingay kaya hindi kami masyadong magkaintindihan pero isama na rin 'yong pagkainis kaya ako nasigaw.
Natapos na ang oras at ang score ko ay wala pang ikaapat na bahagi ng kaniyang score.
Tumakbo ako pagkatapos na pagkatapos kasi paniguradong pitik ang abot ko.
"Excuse po!" sigaw ko sa mga nakaharang sa daraanan ko.
Maya-maya pa'y napatigil ako sa pagtakbo nang mapagtanto na walang nakasunod sa'kin. Mukhang hindi ako naabutan. Tumakbo ulit ako pabalik sa pinaglaruan namin kanina at nakita ko siyang may kausap na dalawang babae.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasyFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...