Kabanata 13
Tela
Nagpahinga lang sila ng kaunti at nag-ikot-ikot kami bago ulit mag-swimming. This time I joined them.Hindi ko na tinanggal ang shorts ko at t-shirt kahit na pinipilit nila ako. Kami-kami lang naman daw kaya walang hiyaan pero ayaw ko lang talaga.
Lumangoy kami ng ilang oras at sa pagod ay nagpunta ako sa gilid ng batis para pagmasdan nalang sila. Nakita ni Hendrix ang paglipat ko ng puwesto. Lumapit siya sa akin at pumuwesto sa katabi ko. Wala siyang suot na pang-itaas, sabagay ay may maipagmamalaki naman siya. Parehong nakasandal ang likod namin sa malaking bato at hanggang bewang nalang ang tubig sa puwesto namin.
"Okay ka lang?" tanong niya na nakangiti kong tinanguhan.
"Siya nga pala, happy birthday ulit. Sana magustuhan mo 'yong gift ko... At uhm... May itatanong lang ako sa'yo."
Pakiramdam ko ay seryoso ang sasabihin niya dahil sa biglaan niyang pagseseryso.
"Ano 'yon?"
Pinasadahan niya ng kamay ang basang buhok. Nakatingin ito sa malayo at nagpakawala ng isang buntong hininga bago humarap sa akin. Ang mata niya ay diretso ang titig at hindi ko maiwasang mailang.
"Kung manliligaw ba ako sa'yo ay ayos lang?" Nanlaki ang mata ko sa hindi inaasahang tanong niya. Hindi ako nag-assume sa panunukso ng kapatid niya pero heto siya at nagtatanong kung pwedeng manligaw.
I am speechless... Hindi ko alam kung papayag ako o hindi pero malinaw sa akin na wala akong gusto sa kaniya.
"Gusto kita... Matagal na."
Pag-amin niya na mas lalong nagparamdaman sa akin ng ilang. Ang mga iilang umaamin sa akin noon ay mabilis kong tinatanggihan. But Hendrix is different, he's the brother of my friends and because of that I also see him as a friend too.
Pareho kaming tahimik at pati yata ang mga ingay ng mga kulisap na panggabi lang lumalabas
ay naririnig ko na.Nakatingin siya sa akin, naghihintay ng sagot nang mapansin ko ang unti-unti niyang palapit. Pasimple akong lumayo dahil sa ginawa niya pero palapit pa rin siya ng palapit.
Nang ang mukha niya ay halos ilang pulgada nalang ang layo ay gulat at kaba ang nararamdaman ko dahil sa biglaan niyang paglubog.
"Hedrix!" sigaw ko kaya napatingin sina Kenna sa direksyon ko.
Hindi normal na paglubog ang ginawa niya! Kahit siya ay gulat na gulat din ang mukha!
Pasisid na rin ako pero umahon na di Hendrix mula sa pagkakalubog.
"Ayos ka lang?" may pag-aalala kong tanong.
"May humila sa paa ko."
Tiningnan ko siya at namumutla ang mukha niya. Nagpanic kaming lahat kaya naisipan na naming umahon.
Alas kuwatro pa lamang ng hapon. Nagpahinga lang kami ng konti sa loob ng bahay ng lolo nina Trixie. Ayaw ko ng ituloy ito. Dahil sa nangyari ay hindi ko na gustong bumalik doon. Hindi ko gugustuhing makita na may mangyari sa kanilang masama dahil sa akin kaya naman ala singko palang ay umuwi na kami.
Nagtalukbong ako ng kumot nakahiga sa kama. Kung tatanungin ako kung nag-enjoy ako... Maybe... Masaya pero hindi sobrang saya.
Maya-maya pa'y may kumatok sa labas. Walang gana akong tumayo at binuksan ang pintuan.
Fire spread inside my chest. Masama ang tingin at tiim bagang akong humarap sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito?" blanko ang mukha ko ng itanong ko iyon.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasyFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...