Kabanata 30

173 9 2
                                    

Kabanata 30
Meige


"Are you ready guys?" tanong ni Mr. Keean, dad ni Keyon.

Ala-siete na ng gabi at papunta kami ngayon sa dating tinutuluyan ng pamilyang sumumpa sa mga Hunter.

Dala ko na ang maleta ko dahil hindi kami sigurado kung hanggang kailan kami magtatagal doon.

"Keyon, bilisan mo!" sigaw ko rito dahil siya nalang ang hinihintay naming lahat. Tutulong din ang pamilya ni Keyon.

Noong isang gabi ay nauna akong natulog sa kanila dahil nag-usap-usap pa sila. Ine-enjoy nila ang pagbabalik ni Keyon. Bilib din ako sa kanila na hindi sila nawalan ng pag-asa na hanapin ang anak nila kahit na imposible.

"Keyon!"

Ang bagal naman kumilos ng isang 'yon. Baka anong oras na kami makarating dahil sa kaniya. Nanatili akong nakatayo sa damuhan hinihintay siyang lumabas. Ang mga kasama namin ay nasa sasakyan na.

Pagkakita ko ay pinagalitan ko kaagad siya.

"Ang ta—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mabilis itong nagnakaw ng halik at tumakbo papunta sa sasakyan.

"Keyon!" kunwari ay naiinis kong sigaw kahit na ang totoo ay  pumunta lahat ng dugo ko sa mukha. Lecheng lalaking 'yon! Palibhasa alam na naaapektuhan ang galit ko ng ka-sweetan niya.

Pagdating sa kotse ay magkalapit kami ni Keyon sa likurang bahagi. Si Mr. Keean ang nagda-drive at kalapit niya si Mrs. Moria. Si Meige naman ay kalapit ni Sena sa likuran ng magulang nila, meaning nasa unahan namin sina Sena.

"You should sleep first. I'm sure that we will be having a long ride," ani Keyon at hinawakan ang ulo ko upang isandal sa balikat niya.

Pumikit nalang ako dahil siguradong mahaba nga ang byahe namin. Ang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko, pinaglalaruan iyon.

Nagising ako na nasa loob parin kami ng kotse at tulog na rin ang kalapit ko. Mukhang ang sarap ng tulog niya at nakayakap pa sa akin. Pinagmasdan ko ang daliri niya. Ang linis! Daig pa ang kuko ng babae.

Napatingin ako kina Sena at nakitang tulog rin ito habang nakasandal ang ulo kay Meige. Napangiti ako nang maisip na bagay sila. Tigilan na sana ni Sena si Keyon dahil kung hindi... Ewan ko lang kung anong magagawa ko sa kaniya.

Dumako naman ang tingin ko kay Keyon. Hindi ako manyak pero pagdating sa kaniya ay namamanyak na ang utak ko. His perfect ng jaw line, pointed nose, long lashes, thick brows, and thin red lips.

I want to kiss him...

Tulog naman silang lahat maliban kay Mr. Keean na nagda-drive. Hindi niya naman siguro makikita kung nanakawan ko ng halik si Keyon. Gosh, my dirty mind.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at binigyan ng mabilis na halik si Keyon. Goodness! Ang lambot talaga ng labi niya.

"Alam mo bang pwede kitang ipakulong sa ginawa mo?"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang magsalita ang gising palang mokong!

"G-gising ka?" Nanatiling pikit qng kaniyang mata. Nakakahiya at nalaman niya pang pinagnasahan ko ang labi niya habang akala ko ay tulog siya.

"Yep, pwede kitang ipakulong..." aniya at tumawa.

"At bakit naman?" pabalang kong tanong.

"Nagnakaw ka. You stole a kiss from me." Parang makahiya naman akong napasiksik sa gilid niya dahil sa kapulahan.

"Because of that I'll give you a punishment later."

Natahimik ako. Kainis, gising pala siya. Kala ko naman...

Pagbaba namin ay kaniya-kaniya kaming buhat ng dalahin pero mapilit si Keyon dahil siya parin ang nagdala ng gamit ko. Nag-stay muna kami sa isang hotel. Tatlong kuwarto ang inupahan namin. Gustuhin ko mang makasama si Keyon ngunit si Sena ang makakasama ko, habang si Meige ang kasama ni Keyon. Magkasama naman sa isa pang kwarto ang mag-asawa.

Hindi parin maiwasan na iniisnaban ako ni Sena tuwing magtatagpo ang mata namin. Medyo close pa naman kami no'ng classmate ko pa siya pero ngayon hindi na kami gano'n ka okay sa isa't isa.

Magkalapit kami ni Sena sa iisang malaking kama. Nilagyan ko ng unan ang pagitan namin dahil baka kung ano pang masabi ng babaeng ito kapag napadikit ang balat ko sa kaniya.

Nakapikit na ako ng sa wakas ay siya ang unang nagsalita.

"You know what? I like Keyon." Hindi ako umimik sa sinabi niya dahil alam ko naman iyon. It was obvious. Sa pagsama niya palang dahil pumayag si Keyon sa date alam ko ng may tipo ito kay Keyon.

"Kaya aagawin ko siya sa'yo—"
Napamulat ako ng dahil doon. Kumulo ng dugo ko at gustong tape-an ang bibig nito.

"Subukan mo lang, mauubos lahat ng buhok mo," pagbabanta ko.

"Tsk, I'm not yet done. Aagawin ko siya sa'yo, that was my idea before."

"Tapos? Anong balak mo ngayon?"

Pareho na kaming nakaharap sa kisame. Kinakalma ko ang sarili ko. She better say nice things kung hindi ay hindi ako makakapagpigil.

"No'ng nalaman kong anino siya, ayoko na pala," aniya at mahinang tumawa.

"Kung mahal mo tatanggapin mo..." nasabi ko nalamang bigla.

"Like what you did... You love him..." Tumango ako. Nalaman ko man noon na anino siya ay hindi ko pa rin magawang lumayo. Natakot lang ako noong una pero hanggang doon nalang 'yon. I can accept him, whatever creature he is.

"Hindi ko na siya aagawin kasi mukhang wala naman akong pag-asa,"  tumatawa niyang sabi na nagpangiti sa akin.

Masama ba kung magiging masaya ako dahil naramdaman ng isang tao na wala na siyang pag-asa sa mahal niya? Hindi naman siguro. May nakatakda rin namang tao sa kanila at normal na masaktan sila kapag mali ang taong pinagtuunan nila ng pansin.

"Alam mo ang bait ni Meige. Ang gwapo pa! Kaya si Meige nalang ang target ko," kinikilig nitong sabi at pinadyak-padyak pa ang paa sa kama. Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya. Sabi na nga ba! Ang babaeng ito! Akala mo kung sinong heart broken, gwapo lang naman ang gusto.

"Bagay kayo..." wika ko at ngumiti sa kaniya.

"Yeah, I know naman," sagot niya at nagpapadyak ulit ng paa.

Pumikit na akong muli. I think the next days will be fine. Mukhang maayos na kami ni Sena. Ang mga sinasabi niya ngayon ay nangangahulugang pagtanggap niya na wala na siyang pag-asa.

Nagising ako kinabukasan dahil sa kung sinong tumatapik sa balikat ko.

"Gumising ka na raw Aviana sabi nitong anino ko."

Napabalikwas ako nang marinig ang salitang anino. Inayos ko ang sarili at ang buhok bago bumati.

"Good morning."

"Naku-naku inuna pang batiin ang anino kaysa sa taong kalapit niya," pang-aasar pa ni Sena. Nagsusungit pa rin pero may improvement man.

Mukhang magiging maayos na ang pakikitungo namin sa isa't isa na pinoproblema ko lang kahapon.

"Sayo rin, good morning," natatawa kong sabi kay Sena.

"Hindi pa good ang morning ko. Hindi ko pa nakikita ang prince charming ko," ani Sena at inirapan ako.

Pupunta kami ngayon sa sinasabing tinirahan noon ng mag-asawang sumumpa sa pamilya nila at medyo malapit na iyon dito.

Tapos na akong maligo nang si Sena naman ang papasok ng c.r.

"Siguraduhin mong pipikit ka Keyon," pagbabanta ko, masamang masama ang tingin dito.

Muli itong tumango.

"Talaga lang ha," narinig ko ang halakhak ni Sena.

"Aakitin ko si Keyon habang naliligo ako para tumingin siya," aniya pa.

Nalipat sa kaniya ang masama kong tingin at ngumisi lang ito habang papasok sa banyo. Tss, ito ang ayaw ko sa lahat. Nagseselos ako dahil lang sa simpleng bagay. Siguraduhin niya lang talaga na hindi siya maninilip!

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon