Kabanata 24

171 8 4
                                    

Kabanata 24
Canada


"Bakit ngayon mo lang ako binisita?" tanong ko habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada.

Nakaakbay ang kanang braso niya sa akin.

"Hindi kita napuntahan dahil nagpahinga muna ako. I got sick because of you," panunukso niya at tumawa pa.

"Aba, bakit ako? Ikaw 'tong hindi tumanggi sa pagsakay sa rides." natatawa ko ring sabi.

"Wala na ba talagang solusyon 'yan?"

Tumango lang siya bilang sagot.

"Hindi ako naniniwala! Lahat may solusyon..."

Humarap ako sa kaniya. "Gusto kong makausap si Kalila."

"Para saan?" magkasalubong na kilay niyang tanong.

"May gusto akong itanong sa kaniya."

"Then I'll ask Kalila. Let's enjoy this day first," aniya at hinila na ako papunta sa kung saan.

Mayamaya pa ay tumigil kami sa isang restaurant.

"Tara," aya niya.

"Ha? Dito? Sa karinderya na lang kaya tayo."

Ang alam ko ay mahal ang pagkain dito! May pera ba siya? Pinakamura na siguro ang isang daan nila.

"Why? You don't like it here?"

Lumapit ako sa tenga niya at bumulong, "Ang mahal dito."

Tumawa siya sa sinabi ko.

"So? I don't care."

Napangiti ako ng lihim. May pera nga siguro ang loko. Nacurious tuloy ako kung saan nanggagaling ang pera niya.

Nagsimula na kaming umorder ng mga pagkain. Siya na ang pinapili ko dahil ang mahal talaga at nahihiya akong magturo ng mahal.

"Kaya ba nating ubusin 'yon?" tanong ko nang marinig kung gaano karami ang pagkaing inorder niya.

"Yep, dapat na ubusin natin kahit malaki na ang tiyan natin."

"Just used the word busog. Ang pangit pakinggan ng malaki na ang tiyan. Naiimagine kong para tayong buntis."

Nakakatawang maisip na malaki ang tiyan ni Keyon. He's physically fit. Walang pintas ang katawan kaya nakakapanibago kung malaki ang tiyan niya.

"Busog?" nakakunot niyang tanong.

"Busog meaning puno na ang laman ng tiyan," paliwanag ko na tinanguhan niya.

"Kapag ako tumaba ng dahil sa kagagawan mo."

"I like chubby people," aniya at ngumiti sa akin habang nakataas ang dalawang kilay.

"Edi hindi mo na ako gusto kasi hindi ako chubby?" I asked raising my eyebrow.

"Of course, I don't like you..." magpoprotesta na sana ako nang dugtungan niya agad iyon, "It's more than that Iana. I love you."

Pinamulahan ako ng mukha at kusang napangiti sa harapan niya.

Dumating na ang order namin at hindi mawala ang ngiti ko. Parang kailan lang ay iyak ako ng iyak at ngayon naman ay nasa harapan ko na ulit siya.

"Let's eat."

Habang kumakain ako napapatingin ako sa kaniya dahil naririnig ko ang mahina niyang pagmumura.

"Shit, how to open this crab?" Palihim akong tumawa sa narinig.

"Ako na nga ang magbubukas. Ikaw pumili nito tapos 'di mo naman pala kayang buksan," bulalas ko.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon