Kabanata 45
Keyon Maxx HunterBinuklat ko ang libro sa pahinang gusto nilang makita.
"Ito 'yon," sabi ko at nilapag ang libro sa lamesa. Lahat kami ay nakatayo na. Pinagsisihan ko lang na natakot pa akong sabihin ito at pinatagal ko pa.
Binasa nila iyon at sa tingin ko ay naintindihan naman nila dahil may english translation.
Nilipat nila sa sunod na pahina.
"Ginawa namin ang lahat ng nakasulat diyan. Ang akala ko ay iyon na ang pinakasolusyon sa lahat pero hindi pala."
Humawak ako sa tiyan ko. Sa tuwing nalulungkot ako ay hahawakan ko iyon at napapangiti nalang ako.
"Nakuha na namin. Parang... iyon na ang lahat ng nakasulat," sabi ni Trixie at pinaubaya kay Kenna ang libro.
Masyado nga siguro akong emosyonal. Nasabi lang ni Trixie na iyon na nga ang lahat ng nakasulat ay naiiyak na naman ako.
"Okay lang 'yon Aviana. Hahanap tayo ng paraan," pagpapakalma ni Beatrix sa akin. Tahimik akong tumango at pinaupo niya muna ako para raw hindi ako mangalay. Pinagmasdan ko sila na halata na malalim ang mga iniisip.
Naisip ko na naman si Kalila. Bakit parang may alam na siya pero hindi niya pa nilinaw sa akin? Bakit hindi niya ako tulungan?
"Sa tingin ko hindi masasabi ng gano'n iyong si Kalila kung wala namang mapapala sa libro na 'to," nakakunot noong sabi ni Hendrix.
Iyon din nga ang nasa isip ko. Bakit siya magpapakita para lang doon? I know there's something about this book.
"Hindi kaya may problema ang libro?" tanong ko at hindi mapakali sa pagkakaupo kaya muli akong tumayo ay lumapit sa kanilang apat.
"Pahiram nga muna." Kinuha ni Trixie ang libro at nilipat niya iyon iba't ibang pahina.
"Sa tingin ko dapat ka munang magpahinga, Aviana." Umiling ako sa sinabi ni Hendrix. Gusto kong tumulong sa ginagawa nila.
"Oo nga, kahit mahiga ka nalang muna riyan sa sofa. Kami na muna ang bahala rito. Marami pang oras bakla. Magagawan natin ito ng paraan." Umiling man ako pero wlaa na akong nagawa nang si Kenna na ang pumilit sa akin na pagpahingahin ako sa sofa hindi kalayuan sa kanila.
Patagilid akong humiga. Mas naiisip ko lang siya kapag ganitong oras. Sumikip ang dibdib ko nang maisip na mukhang imposible na bumalik pa siya. Buwan na ang lumipas at saan naman siya mapupunta kung buhay pa nga siya? Paano kung... wala na talaga siya?
Tahimik akong umiyak sa naisip. Mabuti nalang at hindi nila ako kita dahil pagsasabihan lang nila ako na ini-stress ko ang sarili ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng tuluyan sa sofa. Nagising nalang ako na umaga na at si Kenna nalang ang nasa bahay. Nakasandal siya sa sofa at nakadantay ang ulo sa binti ko. Doon yata natulog para hindi mahulog.
Umupo ako at nagising siya dahil sa paggalaw ko.
"Nasaan sila?"
Humikab muna siya bago sumagot. "Umuwi muna para maligo at magpalit. Babalik sila."
Sinilip ko ang mukha niya at tinawanan nang makita na maitim ang ilalim ng mata niya. Anong oras na ba sila natulog?
"Ateng huwag mo akong tawanan. Lalo na nga akong pumangit," nakanguso niyang sinabi at hinila ko naman ang nakanguso nitong labi.
"Aray naman! Ang sakit, ah. Kung hilahin ko kaya 'yang tiyan mo ha!"
Humalukipkip ako. As if naman mahihila niya, e bilog na bilog na nga.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasyFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...