Kabanata 9

266 18 1
                                    

Kabanata 9
Taliwas

Tahimik lang ako simula ng paghalik sa akin ni Keyon. Bakit ba big deal sa'kin iyon?

Ampocha! That's my first kiss!

Naku po, bakit ngayon ko kang naalala?

"Dahil nakakasawa na ang laro natin ay lagyan natin ng twist!" anunsyo ni Sena na mukhang mas na-excite pa.

"Paano?"

"Lights off! Mas madilim mas masaya!" ani Sena at tumayo. Dumiretso siya sa loob ng bahay nila at pagbalik niya ay may dala na siyang isang remote. Remote control ng high-tech nilang ilaw. Nasa likod ng bahay ang pool nila kaya hindi naiilawan ng poste sa labas.

Isang pindot niya lang sa remote ay namatay ang lahat ng dim na ilaw sa paligid ng swimming pool. Making the whole the place, dark. Sobrang dilim at halos wala na akong makita. Buwan nalang ang nagbibigay ng liwanag pero bukod doon ay wala na. Kung kanina ay may kaunti pang liwanag ngayon ay walang-wala na talaga.

Para akong bulag na nangangapa sa dilim. Seriously? Wala akong makita. Ang alam ko lang ay nasa pool ako at hindi ko alam kung nasan na sila.

"Ako ang taya!" dinig kong sigaw ni Sena. First time niyang mag-volunteer at patay pa ang ilaw. Is she up to something? Paanong ang lakas ng loob niyang mag-volunteer?

Narinig ko ang lagaslas ng tubig kaya paniguradong bumaba na siya sa pool. Paikot-ikot lang ako sa pool para hindi niya ako mahanap. Kapa ako ng kapa at wala naman sila sa paligid ko.

Tanging ang paglangoy lang ang naririnig ko. Tuwing pakiramdam ko ay malapit ang lagaslas ng tubig ay lumalayo ako. Si Sena siguro 'yon dahil siya ang naghahanap.

Kalahating oras na pero hindi pa rin nagsasalita ang kahit sino. Hindi ko lang sigurado kung nahanap na ni Sena si Keyon.

Bored na ako at gusto ko ng umalis sa pool. Naisipan ko ng umahon na nang unti-unting bumukas ang ilaw. Nanlaki ang mata ko ng makita sa gilid ng pool ang dalawa na naghahalikan.

Shit!

Biglang tinulak ni Keyon si Sena habang ako ay natigilan lang. Hindi ko magalaw ang katawan ko.

He's a damn playboy!

Matapos akong halikan kanina ngayon naman si Sena? Wow lang!

"Akala ko kung sinong matino at inosente," wika ko habang nakatingin kay Keyon na papunta na ngayon sa direksyon ko. Anong gagawin niya? Magpapaliwanag? I don't need explanation. Para saan pa 'yon?

Mabilis kong kinuha ang damit ko at nagbihis na kahit basa pa ako.

Hindi ko siya pinansin at mabilis na lumabas ng bahay nina Sena para umuwi na.

Pagkarating ay ni-lock ko ang buong bahay. That guy! Ang kapal ng mukha niya. Ahh! Why am I affected? Mababaliw na ako kaiisip! Ilang linggo palang naman kami magkakilala pero bakit naging ganito na ang epekto niya sa akin? Ginayuma siguro ako ng topak na 'yon!

Akala ko ay susunod siya sa akin pero hindi naman pala. Masyado na pala kaming ginabi kin Sena. It's already past 12.

Ang bilis ng oras parang kanina lang nakina bakla ako at no'ng nagising ako sa kanila ay mag-a-alas shete na tapos umuwi pa ako sa bahay at niyaya kami ni Sena sa bahay nila. Naglaro sa pool, talagang aabutin nga kami ng alas dose. Ilang oras ba naman kami kung mahanap kada laro.

Bahala siya sa buhay niya. Sabi ko pa naman din sa kaniya na samahan niya ako dahil baka multuhin ako.
Lecheng Multo!

Dali-dali akong nagtakip ng kumot at hindi na muling nagbalak na taggalin ito.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon