Kabanata 23

166 7 0
                                    

Kabanata 23
Love

"What is your problem huh? Nagpakilala kang si Keyon para lang labasin kita at ngayon ay iiyak-iyak ka riyan?" pagsusungit niya pero tinanggap ko lahat ng iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit na ikinatigil nito at tinulak ako.

"The heck, Aviana," nakataas kilay nitong sabi. Hindi ako makaramdam ng inis ngayon sa kaniya dahil nagpapasalamat ako na nasa kaniya ngayon si Keyon! I am so happy!

"Bibisitahin lang kita," nakangiti kong sabi kahit na kung tutuusin ay hindi ko siya bibisitahin kung hindi lang dahil sa sinabi ni Kenna. I'm glad Kenna told me about this. Halos hindi ako makapag-isip ng maayos kakaisip kung nasaan si Keyon and here he is, in front of me!

"Tss, pasok ka. Ang sama ko naman siguro kung di kita papapasukin."

I judge her. She isn't bad after all. Siguro ay nagsusungit lang dahil sa pagkakagusto kay Keyon.

Pagpasok ko ay nakatingin lang ako magdamag sa anino ni Sena. Sinusuri ko kung totoong nagalaw iyon ng taliwas pero mukhang hindi na naman.

Malaking katawan...

"Pst! Anong tinitingin tingin mo diyan sa anino ko?" I was taken abacked with Sena's irritated voice.

"Totoo bang gumagalaw ang anino mo ng taliwas sa'yo?"

Umupo siya sa kama at nanatili naman akong nakatayo. Namutla ang mukha niya sa tinanong ko.

"'Wag mo ngang itanong 'yan! Nakakatakot kaya!"

"So, totoo nga?"

"O-oo. No'ng una! Pero di na ngayon, tingnan mo oh!" ano Sena at tumayo para gumalaw. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong una kong napansin ang anino ko. I would crazily dance or move just to make sure I am not hallucinating.

Pinanood ko siya at pareho nga sila ng galaw. Malakas ang pakiramdam ko na si Keyon 'yon.

"Keyon," banggit ko sa pangalan niya. I know he can hear us. Ayaw niya lang gumalaw ng taliwas. Alam kong nakikita niya ako.

"Alam mo kanina ka pa banggit ng banggit ng Keyon! Asan ba kasi siya?" inis niyang tanong.

Tumingin lang ako sa anino ni Sena habang si Sena ay walang humpay sa pagtatanong. Sinusubukan kong ilihis ang atensyon niya para mawala sa anino.

Gumalaw ka please... I just want a confirmation. My heart was shaking. Isang ngiti ang kumawala sa akin nang makita ang pasimple nitong pagkaway.

"I hate you!" Muli na namang namuo ang luha ko. Ang lalaking ito lagi nalang ako pinapaiyak!

"Aviana! Baliw ka na ba?!" ani Sena natatakot na sa ikinikilos ko.

"Sorry..." paghingi ko ng paumanhin at nakanguso nang muling ibinalik ang atensyon kay Keyon.

"Letche ka, pinag-alala mo 'ko. Magaling ka na ba?" bulong ko.

"Oh my Aviana! Lumabas ka na nga! You're creepy! Mas lalo akong natatakot sa kinikilos mo."

Masama ang tingin niya sa akin at pinagtulakan ako hanggang sa tuluyang makalabas ng kuwarto niya.

Nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. At least alam ko ngayon na maayos siya pero bakit hindi siya nagpakita sa akin kung narito pa rin pala siya?

Kailangan kong makausap si Keyon.

Umuwi ako ng bahay at nahiga muna sa kama ko. Paniguradong galit sa'kin si Kenna matapos ko siyang iwan kanina.

Inayos kong muli ang bag dahil may balak ulit akong gawin mamaya. Hindi ako titigil hanggat 'di natatapos ang problemang 'to. Hindi ko hahayaan na pagkatapos ng anim na buwan niya kay Sena ay mawawala na naman siya at sa mas malayong lugar na mapunta.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon