Kabanata 28

173 8 1
                                    

Kabanata 28
Alone

Bumaba na kami ng eroplano. Napatingin ako sa relo ko na kabibili ko lang noong bago kami umalis. Alas-nueve na ng umaga at kasama ko ngayon si Sena na nagdadabog.

"Where is Keyon?!" bulyaw niyang tanong sakin. Umiling lang ako para ipahiwatig na hindi ko alam kahit na alam kong anino na siya ngayon.

Kaninang umaga kasi habang nasa eroplano pa ay ginising ako ni Sena at tinatanong kung nasaan si Keyon. Wala naman akong maisagot sa kaniya.

"No'ng gabi habang natutulog ang malanding babae sa kaniya ay nandoon pa siya pero paggising ko... Si Aviana nalang ang kalapit ko. Ano ba talagang meron?" bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang marinig ko ang mahina niyang bulong. Mukhang may kakaiba na siyang nararamdaman sa ikinikilos ni Keyon.

"'Wag kang mag-alala Sena. Paniguradong pupuntahan tayo no'n mamaya. Tara na muna at magcheck in para sa tutuluyan natin ng panandalian."

Hinila ko ang bagahe at iniwan siya pero smunod din naman ito. Havang hindi pa namin alam ang pupuntahan dahil wala pa si Keyon ay pansamantala muna kaming tutuloy sa isang hotel.

"Good morning po Ma'am," bati sa amin ng isang babae.

Tinanong niya kami kung anong klaseng kuwarto raw ba ang kailangan namin, ilang kuwarto ang kailangan, at kung magkano ang budget namin.

Ang naisip ko ay isang kwarto na lang at dalawang kama. For 2 days lang siguro kami. Binigyan din ako ni Kalila ng pera dahil alam niyang kakailanganin ko. Hindi sumama si Kalila pero sabi niya naririnig naman daw niya kami kung kailanganin man namin siya.

Halos 3,500 rin ang nabayad namin. Gusto ko mang maghiwalay kami ng kuwarto pero dagdag gastusin lang iyon. Kaya ko namang magtiis ng dalawang araw na kasama siya sa iisang kuwarto.

Nagpahinga lang kami sa. Nakahiga lang ako sa malambot na kama habang siya ay naglalaptop sa kabilang kama.

Maganda ang kuwarto, pang mayaman ang itsura at sakto lang para samin. Teka... dapat pala ay tatlong kama na ang sinabi namin. Paano si Keyon? Sa sahig? No. Hindi ko pala hahayaan na makakasama namin si Keyon. Sena was here, that won't be good.

Pinikit ko na lang muna ang mata ko at ipinatong ang braso sa ibabaw ng mata.

Narinig ko ang pagsara ng laptop ni Sena. Mayamaya pa ay narinig ko rin ang pagbukas at sara ng pintuan. Napatingin ako sa kinauupuan niya kanina. Mabuti naman at hindi niya dala ang iba niyang gamit. Baka mamaya ay lumayas pa ang isang 'yon. Mag-isa na naman ako. Magkasama silang dalawa ng hindi alam ni Sena.

Naboboringan na ako pero ayaw ko namang lumabas dahil paniguradong maliligaw ako.

Magdamag lang akong nakatambay sa loob at wala akong nagawa kung hindi ang intayin ang pagbalik ni Sena. Mukhang mahihirapan kami sa paghahanap ng solusyon. Tuwing gabi lang nagiging tao si Keyon kaya't ako lang ang maaaring kumilos sa umaga. Kung sasabihin ko naman ito kay Sena ay baka magsumbong lang siya kung kanino.

Anong oras na rin nang dumating si Sena. Sa labas na yata siya kumain ng tanghalian. Naggala na rin siguro ito dahil bitbit niya ang limang paper bag ng pinamili niya.

Hindi kami nagpapansinan dahil baka kung saan lang humantong ang pag-uusap namin.

Napatingin ako sa orasan nang makitang mag-aala-siete na. Nasan na ba si Keyon? Siguradong kanina pa siya naging tao pero hindi pa rin siya nagpapakita. Baka gumala pa ang mokong na 'yon. 'Di man lang nag-aya.

Napatayo ako nang may kumatok. Baka si Keyon...

Ako na ang nagbukas ng pintuan pero hindi naman pala si Keyon. Akala ko siya na.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon