Kabanata 2

467 15 2
                                    

Kabanata 2
Uulan


"Hoy! Aviana! Tambay ka muna rito," sigaw ng isa sa mga kaibigan kong tambay na si Trixie.

Nagsasarado na kasi kami ni Aling Meng dahil gabi na rin at itong mga kaibigan ko ay nakatambay pa rin sa tapat ng karinderya. Doon sa may tapat ng karinderyang posteng may ilaw na ngayon. Iyon ang palagi nilang tinatambayan tuwing hinihintay ako.

"Sige, sandali lang!" sigaw ko pabalik.

Pagkatapos naming isarado ang karinderya ay dumiretso na ako sa mga kaibigan ko. Naabutan ko silang nagkukulitan sa mga walang kuwenta pero nakakatawang bagay.

"Ikaw ba Beatrix kaya mo ba 'to?" pagmamalaki ng kapatid niyang si Trixie habang itinatapat ang mga kamay sa liwanag ng ilaw kaya may nabuong kunehong anino.

"Tsk, tsk, tsk, napakadali. Tingnan mo 'to," sabay pakita naman ni Trixie sa ate niya ng isang ibon.

Not bad.

"Ikaw Kenna kaya mo ba?" panghahamon ko sa kaibigan kong bakla. I can't remember when did I started to become the friend. Matagal na tagal na rin kasi. Medyo bata pa kami ay kilala ko na sila.

"Of course!" ani Kenna at ipinakita ang anino ng kamay niyang gagamba.

"Astig, Kenneth," bulalas ko kaya nagtawanan sila. He doesn't want to be called Kenneth, his real name! Nandidiri siya tuwing naririnig dahil hindi raw bagay sa ganda niya.

"Ikaw?" tanong sa akin ni Trixie.

"Sige wait lang."

Lumapit pa ako sa posteng at confident na ginawang aso ang mga kamay ko pero napakunot lang ang noo ko.

"Sandali bakit walang aninong nalabas?"

Lumipat ako sa iba't ibang posisyon para tingnan kung may anino. Sumilip sa likod dahil baka nandoon, sa side at maging sa harap. Talagang wala! Bakit sila mayro'n? Nakatapat din naman ako sa ilaw, a?

Nakita kong namangha ang mga kaibigan ko. Tatlo lang naman sila.

Hindi ako namamangha! Nagtataka ako at nanatakot! Hindi naman siguro ako abnormal.

Tumakbo ako papunta sa kabilang poste na tatlong metro ang layo sa amin. Pinapanood ako ng mga kaibigan ko at nagmumukha akong tanga sa kanila.

Bakit wala talaga? Where is it?!

"Hi."

"Puchanggala!" napahawak ako sa dibdib at muntik ng mahimatay sa pagsulpot ng lalaki.

Sinong hindi magugulat kung may susulpot sa likod ng poste na isang lalaking gwapo?

OMG! Erase! May gf na 'yan!

Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-faded blue na pants at kulay dark blue na pang-itaas. Maayos ang buhok at... mabango siya...

"B-bakit ka ba litaw ng litaw tuwing gabi?" nalunok ko pa ang sariling laway at gusto kong kurutin ang sarili sa pagkakabulol.

"Sinusundan ka."

"Ano? Ako susundan? Stalker ka ba?!"

"Ibig kong sabihin ay nakita kasi kita kaya lumabas ako rito. Kanina pa ako sa likod ng poste. Ano bang problema?" tanong niya, magkasalubong ang kilay.

"Hinahanap ko ang anino ko," akala ko ay tatawa siya dahil sa sinabi ko pero seryoso pa rin naman ito at tumango-tango lang.

"Huwag mo na 'yong problemahin. May mga ganoon talagang tao. 'Yong walang anino," paliwanag niya at itinuro sa akin ang sahig kung saan wala rin ang kaniya.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon