Kabanata 37
AkinSa akin na naman napunta ang atensyon nila. Si Love naman daw ang magtatanong sa akin. Hindi maganda ang matapat kay Love. Ramdam ko na may tinatago ang babaeng 'to sa ugali niya. Sabihin niyo ng judgemental ako pero iyon ang nararamdaman ko.
"Ilan na ang naging boyfriend ko?" Halos mapamura ako nang mahina sa tanong niya. Ang hirap! Paano ko mahuhulaan kung ilan na ang naging boyfriend niya? Ang daming pwedeng maging sagot.
Matagal akong napatigil at nag-isip.
"Huy! Ano na?" ani Trixie, naiinip sa sagot ko.
"Wait..."
Katulad ng sabi ko, maganda at sexy si Love. Maaring marami na itong naging boyfriend. Maybe, 6-10?
"6-10?" hindi sigurado kong sagot.
"Bawal ang 6-10. It should be the exact number," pagrereklamo ni Love. Paano ko malalaman? That's impossible!
Napapikit nalang ako at sinabi kung anong unang pumasok na numero sa isip ko.
"Eight."
"Sa wakas!"
"Sa wakas ay makakatanggap ka na ng punishment," she said smirking.
Tinawanan ako nina bakla. Ang epic siguro ng naging reaksiyon ko. Sinong hindi magiging ganito ang reaksiyon kung consequences na agad ang nasa isip ko.
"It's 21," pag-amin ni Love. Ipinagmamalaki pa sa mga kasama namin.
"Heard it? Twenty-one guys and I think I just found my number twenty-two." Tumatawa ito pero hindi ko nagawang makisabay sa tawanan niya at ng iba pang kaibigan. Kaibigan pa ito ni Beatrix o nakikisama lang sila rito?
"Anong gusto mong punishment? Pili ka na!" excited na sabi ni Lally.
Hindi ko gustong uminom at hindi ko rin gusto na humalik ng iba pero kung papipiliin man ako, kiss na lang sa cheek. Hindi naman siguro makikita ni Keyon dahil kung hindi ay magagalit siya sa akin. I'm sure of it. Magagalit ang isang 'yon. Siguro ay ipapaliwanag ko nalang kay Keyon mamaya kung bakit hindi pag-inom ang pinili ko, kung malaman man niya. Gosh, nakakakonsensya ito! Sasabihin ko nalang mamaya ang mga pinaggagawa ko.
Inikot ko muna ang tingin sa paligid. Oh my gosh! Ngayon ko lang napansin na ang mga kalalakihan ay nagtipon na pala sa table nina Keyon. Imposible na hindi niya ako makita! Kaya pala doon pumunta si bakla dahil nandoon lamang ang mga kalalakihan.
Wala ng waiter dahil tapos na ang kainan. Inuman nalang ang meron at kakaunti nalang kami rito.
"Ano?" naiinip nilang tanong.
Hindi ako pwedeng humalik sa ibang lalaki sa harap ni Keyon! Iinom nalang nga ako. Bahala na si Darna!
"Iinumin ko nalang iyan," naghiyawan sila sa narinig.
Inabot na sa akin ni Beatrix ang baso. Hindi kalakihan, kung susumahin ay kasinglaki ito ng lagayan ng tiglilimang pisong taho.
Nanginginig at kinakabahan kong kinuha ang baso. Nakakainis. Pinuno pa talaga nila. Imbes na dahan-dahanin ko ang pag-inom ay binilisan ko para hindi ko gaanong malasahan. Sunud-sunod ang naging paglunok ko. Ang pait! Gusto kong isulat iyon pero ramdam ko na ang pagdaan niyon sa lalamunan ko pababa sa tiyan. Mainit sa pakiramdam.
Noong una ay hindi ko pa nararamdaman ang tama ng alak pero habang tumatagal ay medyo nahihilo na ako. Hindi pa naman ako sanay uminom. Mababa ang alcohol tolerance ko at hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasíaFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...