Kabanata 11
Mas lamang ako"Nothing," sagot ni Hendrix.
"Girls! Sa room ko tayo. Boys, usap muna kayo diyan," ani Beatrix at hinila na nila ako ni Trixie.
Naiwan na nga sina Keyon at Hendrix sa baba at nasa taas kami kasi nandito 'yong mga kwarto nila.
"About sa birthday mo, ngayon na natin pag-usapan," sabi ni Trixie at naupo kami sa kama nila.
"Katulad nga nang suggestion ni Trixie, picnic na lang. Wala na akong budget."
"Huwag kang mag-alala girl. Mag-aambagan tayo at isasama na rin natin si Kenna," wika naman ni Beatrix habang may kinakalikot sa cellphone nito. Nang silipin ko ay tinitingnan lang pala nito kung anong araw papatak ang birthday ko.
"Saan tayo magpi-picnic?" tanong ni Trixie. Kahit ako rin ay walang alam na lugar.
Sandaling nag-isip ang dalawa at ilang saglit pa ay excited na sumigaw si Beatrix, "Sa may likod ng bahay ng lolo namin! May malinis na batis do'n na pwedeng pagliguan atsaka maraming puno kaya malilim!"
"Oo nga! Pwede tayo doon!" pagsang-ayon ni Trixie at inalog-alof pa ang balikat ko. Napangiti ako at mabilis na tumango.
"Sige doon na lang tayo. Sa sabado mga anong oras kaya?" tanong ko sa dalawa.
"Maganda umaga sa picnic. Para maaraw habang nagsi-swimming tayo o kaya paggagala tayo," suhestiyon ni Beatrix.
Sumang-ayon naman kami ni Trixie kaya ayos na ang plano sa sabado at napag-usapan na 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon.
Pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanila na uuwi na rin kami.
Pagbaba naming tatlo nakita naming nagche-chess 'yong dalawa. Focus na focus at hindi manlang magawang alisin ang tingin sa chessboard kaya hinintay ko muna silang matapos sa paglalaro. Nakay hindi naman pala umalis si Hendrix. Nakapangbahay na nga ulit siya, e.
Sina Beatrix at Trixie naman ay hindi magkamayaw sa pagchi-cheer sa kanilang kuya. Kawawa naman si Keyon walang taga cheer. Mai-cheer nga. Tumawa ako sa isipan dahil sa naisip na ideya.
"Go Keyon! Talunin mo 'yan," tuluyan na nga akong natawa, ginagaya ko pa ang pagtaas ng kamay ng magkapatid.
Nakita ko ang maliit na pagngiti ni Keyon nang tumingin ako sa kaniya.
"Stop cheering for us girls. Hindi kami makapag-concentrate," ani Hendrix na seryosong nakatingin sa nilalaro nila.
Napahalukipkip naman kami dahil sa biglang pagsusungit nito. Meanwhile Keyon just chuckled.
Bakit kaya natatawa 'yon? Halos kalahating minuto pa nga ang tinagal nila bago magkaroon ng panalo.
Syempre panalo ang pambato ko! Si Keyon!
"Hay, natapos din sa wakas. Akala ko hindi na kami makakauwi," pagbibiro ko at nag-inat inat pa ng katawan. Tumayo na ako hinila na rin si Keyon dahil uuwi na kami.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami pauwi.
"Basta, sa Friday ko nalang sasabihin tutal sa Sabado pa naman 'yon," sabi ko. Tungkol sa gaganaping birthday ko lang naman ang napag-usapan namin bukod doon ay ang pagkakaroon ng crush ni Beatrix.
"Alin ang sa Sabado?" pang-uusisa niya sa akin.
"Ang tanong mo naman," wika ko na ginaya ang lagi niyang linya tuwing tanong kami ng tanong sa kaniya. Well, it's pay back time.
"Bilisan na natin at may ibibigay ako sa'yo," wika ko at hinawakan na ang braso niya para makapaglakad kami ng mabilis. Ang bagal kasi niyang maglakad.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasyFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...