Kabanata 22

187 7 1
                                    

Kabanata 22
Sena

Napabalikwas ako nang magising. Tahip-tahip ang kabang nararamdaman ko nang pagmasdan ang anino ko. Nilukob ng lungkot at sakit ang puso ko. It was his last day yesterday... Isang hikbi ang kumawala sa akin. Patuloy ang pagdaloy ng luha ko habang nakaupo sa sulok ng kuwarto.

He's sick. Ano nalang ang nangyari sa kaniya? I'm so worried... He's really gone. Bumalik na ang anino ko sa normal, wala na akong napapansin na kakaiba roon.

Pagod at namumula ang mata ko habang papasok sa loob ng banyo. Masikip pa rin ang pakiramdam ko. Isang banggit lang siguro ng pangalan niya ay maiiyak na naman ako.

Kailangan ko pang pumasok sa karinderya. Nangako siyang babalik at iyon ang kakapitan ko.

Pinasadahan ako ng tingin ni Aling Meng nang makita niyang papasok ako sa loob ng karinderya. Alam kong nahalata niya ang namumula at maga kong mata pero hindi niya na iyon pinansin. Nagtanong lang siya kung ayos lang ako na tinanguhan ko nalang.

Ano ba ang kaya kong maitulong? What if there's a solution? There should be. Lahat naman ng problema ay may solusyon. Kailangan ko lang kumilos. Kailangan kong kausapin si Kalila pero paano? Maaring makatulong siya sa akin.

I need time to think... Ang problemang ito ay nakakawala sa katinuan. That day I decided to stop working. Isang Linggo lang ako titigil dahil may mga dapat akong gawin, mahalagang gagawin.

Maaga akong gumising kinabukasan. Hahanapin ko si Kalila.

Hinanda ko na ang bag ko kung sakali mang kung saan ako mapadpad kakahanap sa diwatang 'yon. Halos tanda ko pa ang itsura niya. Kung makikita ko siya ay malalaman ko kaagad na siya nga iyon.

Sinimulan ko ang paghahanap sa loob ng bahay ko. Isang beses siyang nagpakita rito kaya hindi imposible na marinig niya ako.

"Kalila! Magpakita ka sakin!" sigaw ko.

Tahimik lamang ang buong paligid. Nakakahiya sa kapit bahay na siguradong natutulog pa. Alas-kwatro pa lamang ng umaga. Kailangan ko itong gawin ng ganitong oras. Hindi ko gustong magsayang ng oras. Time is very important now.

"Kalila! Kalila, nasaan ka?!" halos mapaos na ako sa kakasigaw ng mahigit kalahating oras.

Mukhang hindi magpapakita si Kalila sa bahay ko. Naupo muna ako sa kama, iniisip kung saan pa ako puwedeng pumunta.

Sa lumang bahay nina Keyon... Hinablot ko ang bag, dinagdagan ang laman ng flashlight, damit, mga tali at kung ano pang mga maaaring kailanganin ko bago ko isukbit sa likuran.

Lumabas ako ng naka rubber shoes para kung sakali mang mapunta ako sa sitwasyon na kailangan kong tumakbo ay handa ako. Pantalon at simpleng shirt na pinatungan ko ng jacket ang suot ko.

It was quiet. Malakas ang hangin at ninilipad ang buhok ko. Ang mga tuyong dahon na nalaglag mula sa puno ay malutong na tumutunog sa tuwing naapakan ko.

Kapit ko ang laylayan ng jacket ko na hindi nakasara ang zipper. Inilabas ko ang flashlight sa bag at itinutok ito sa dinaraanan ko. Madilim pa rin. Nakakatok. Halos mga mukhang luma ang bahay.

Ang ibang dahon ay nagliliparan at naggagalawan pa. Maririnig mo ang ilang huni ng ibon at ibang insekto.

Pagdating ko sa lumang mansyon ay dahan-dahan kong binuksan ang saradong gate. Kinakabahan ako pero hindi na ito ang tamang oras para matakot.

Tumunog ang gate ng itulak ko iyon.

"Meow!" napamura ako nang magulat sa pusang bigla na lamang lumitaw at tila may sira pa sa ulo.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon