Kabanata 38

160 7 0
                                    

Kabanata 38
Can't Stop

Hindi niya manlang ako pinansin. Ano bang problema ng lalaking 'yon?  ng pumatak. Parang bata pa rin akong umiiyak.

Ang layo pa naman ng bahay ko sa venue'ng 'to. Tinawag ako nina Beatrix kanina pero hindi ko naman sila pinansin.

Naglalakad na ako sa labas at puro mga puno lang ang madadanan. Medyo nasa tagong lugar ang venue. Hindi naman nakakatakot, 'di katulad ng daan papunta sa creepy'ng mansion ng lolo ni Keyon! Ang lalaking 'yon! Sumama pa yata kay Love na malaki nag puwet at dede! Ganoon siguro ang gusto!

"Hi Miss," dahan-dahan akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Hello..." Nakanguso ako ng harapin siya. Ang laki ng katawan niya! Omg, sobrang laki pero pagdating sa itsura... Ewan ko, hindi ko gaanong maaninag, blurred nga paningin ko, e.

Akin nalang siya! Pumalakpak ako sa naisip.

"Tara ganda, sama ka sa 'kin?" aya niya.

"Hala? Talaga?" Saan kaya kami pupunta?

"Oo naman," nakangiting wika ni Kuya.

"Totoo 'yan ha. Sinabi mo 'yan, wala ng bawian! Lilibre mo ba ako?"

Hindi ito sumagot at nagulat nalang ako nang hablutin ako niya ako at hipuin ang hinaharap ko. Natulala ako at hindi makapag-isip ng maayos. Tinabig ko ang kamay niya pero mahinang tabig lang ang kinalabasan no'n.

Napapikit ako at napahawak sa lalaki nang muntik matumba. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Halos masubsob ako dahil nauna pang natumba si Kuya. Hala... Ano ng nangyayari? Sumakit ang sikmura ko at umiikot ang tiyan ko.

Hindi ko napigilan at napasuka ako sa gilid. Nakapikit ako at pinapakiramdaman ang sarili.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo pero napasandal nalang ako sa punong nasa likod ko. Umiikot pa rin naman ang paningin ko.  Nagsusuntukan parin ba sila? Sino 'yong dumating?

"Tsk, umuwi na tayo," huling narinig ko bago matumba.

Bahagyang nagising ang diwa ko nang maramdaman kong lumulundo ang kama ko dahil sa paghiga ng kung sino mang kalapit ko. Tumagilid ako at pupungas pungas na sinilip kung sino iyon. Ahh... Ang boyfriend ko lang pala.

Nasaan na ba kami? Ang init ng pakiramdam ko. Epekto ba 'to ng alak? Napasobra 'ata ako.

Nahihilo parin ako. Hindi ko alam kung nasaan kami at hindi ko na binalak pang alamin. Tinatamad na akong magmulat ng mata. Hindi ko na naamoy ang suka sa mukha ko. May naghilamos na ba sa akin?

Napasimangot at napakunot ako ng noo dahil hindi ako mapakali sa pagkakahiga ko. Nagpabalik-balik ako sa iba't ibang posisyon. Hindi ako komportable!

Naramdaman ko ang pagkakatanggal ng sapatos ko. Nasa bahay na ba kami? Binabanas ako! Hindi bukas ang bintana dahil kadarating lang 'ata namin.

Pumasok yata si Keyon sa banyo. Nakapikit akong umupo at naiinis na tinanggal ang suot kong dress kung kaya't tanging bra, panty at cycling ang natitira kong saplot.  Sobrang init. Hindi bukas ang electric fan at pati yata ang ilaw ay hindi pa bukas.

Kahit tanggal na ang damit ko ay mainit pa rin ang pakiramdam ko.

Gumalaw ako nang maramdaman ang telang bumalot sa  katawan ko.

"Hhm..."  daing ko at hinawi iyon.

"Dammit, Iana! Magkumot ka."

Ayaw ko magkumot... Pilit niyang nilalagyan ng takip ang katawan ko at sa inis ko ay minulat ko ang mata ko.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon