Kabanata 27
Mad
Ayaw ko naman na paalisin si Keyon dahil paniguradong magagalit si Sena at uuwi siya ng Pilipinas kapag hindi niya nakuha ang gusto niya.Nang magtagal sa banyo at kinatok na sa loob ng kung sino ay lumabas na ako. Nakakunot at nagtataka ang pumalit sa akin doon. Kanina pa siguro naghihintay na lumabas ako. Sinandal ko nalang ang sarili, malapit pa rin doon.
"Hi," napatuwid ako ng tayo nang May isang lalaki ang nag-approach sa akin. Matangkad, kayumanggi at chinito. Mukha siyang may lahing half chinese or japanese.
"Uhm, hello..." tanging sagot ko at tipid na binalik ang ngiti niyang binigay.
"I hope okay lang sa'yo na dito muna ako. Well, kanina pa kita nakikitang mag-isa rito sa may bandang c.r. May hinihintay ka ba?" Nagpalinga-linga pa siya para hanapin kung may hinihintay nga ba ako.
"Wala naman. Wala lang akong ganang bumalik sa upuan ko."
"Yeah haha, masakit sa katawan na nakaupo lang doon ng magdamag. Nakakangalay." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Mahaba pa naman ang byahe.
"Masakit sa pwet," dagdag ko na ikinatawa niya.
"I'm Jean Zamora." Inilahad niya ang kamay matapos banggitin ang kaniyang pangalan. Ilang segundo pa bago ko iyon tinanggap at nagpakilala rin.
"Aviana Navarro."
"Nice name. Taga Canada ka talaga? Like nag-i-stay or bakasyon?"
Mabilis akong umiling "Parang bakasyon... May bibisitahin lang."
Tama lang naman na magsinungaling ako. My reason were unbelievable. Kung ang mga taong malapit nga sa akin ay hindi naniwala, siya pa kaya? Binawi ko ang kamay ko nang mapagtantong hindi niya pa pala iyon binibitawan. This is kinda awkward.
"Oh, same. Bibisitahin ko rin ang lolo't lola ko and for vacation too," aniya.
"Sinong kasama mo?"
"Boyfriend ko pati classmate ko dati." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko. Hindi ko alam kung bakit interesado siya sa buhay ko. Ang dami niya kasing tanong at kahit na patapos ang mga sagot ko lagi ay pilit niyang binubuhay ang usapan.
"May boyfriend ka na pala. Nasan siya?" natatawa at Makiling niyang sinabi.
Napabusangot naman ang mukha ko ng maalalang kasama niya ngayon si Sena.
"Nakaupo siya roon," nginuso ko ang upuan sa direksyon nila Keyon.
Medyo kita namin sila sa pwesto namin ngayon.
"Sino 'yong babaeng nakakapit sa kaniya?" napakunot ang noo niya ng makita si Sena na nakakapit at nakalagay ang ulo sa balikat ni Keyon. Mapait akong ngumiti at tumawa. Naging peke naman ang kinalabasan ng lintik kong pagtawa.
"Kaklase ko..."
"Pumapayag ka na gan'yan ang pakikitungo nila—"
"'Wag na natin silang pag-usapan," pagputol ko sa gusto niyang itanong at ang mukha ko ay ibalik nalang sa pagiging seryoso.
Napatango lang siya at nag-iba ng topic. Hindi niya na muling ibinalik ang usapan kanina at patungkol sa kung anong walang kuwenta nalang ang napagkukuwentuhan namin. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nag-uusap. Nagngangalay na ang paa ko dahil sa tagal naming nakatayo.
"So friends?" biglaang tanong nito.
Ngumiti lang ako at tinanguan siya. Isang pekeng tikhim ang narinig namin kaya naman parehong nalipat ang atensyon namin.
"Keyon," tanging nasabi ko nang makita siya sa harapan namin. Masama ang tingin sa aming dalawa ni Jean. Bakit siya ganiyan tumingin? Wala naman kaming ginagawang masama.
"Nag-alala lang ako kaya pinuntahan kita. Akala ko kasi kung ano na'ng nangyari sa'yo. But I think you're fine... Mukhang komportable ka naman sa kasama mo."
Galit ba siya? Anak ng fishball. Galit nga yata. Sila nga itong dikit na dikit ni Sena!
"Babalik muna ako sa upuan ko. Mukhang galit na ang boyfriend mo" tumawa siya at tinuro na kung saan siya nakaupo.
Gusto ko rin namang umupo pero saan? Hindi manlang inisip ni Keyon na wala akong uupuan! Ang lalaking 'yon!
Nangangalay na talaga ko kaya bumalik ako sa loob ng banyo. Ni-locked ang pinto, sinaraduhan ang inidoro at umupo roon. Napapikit nalang ako habang nakapangalumbaba.
Hindi man ako nag-eexpect na magiging masaya ang pagpunta namin doon pero 'di ko rin naman ine-expect na ganito pala ang mangyayari. Na kailangan kong dumistansya kay Keyon dahil magagalit si Sena.
Ramdam ko ang pagod ko at halos makatulog na ako. Napahikab nalang ako... Napapitlag ako dahil sa isang katok.
"May tao ba diyan? Kanina ka pa kasi 'ata sa loob. Magsi-c.r. ang anak ko." rinig kong wika ng isang babae sa labas. Mukhang may nagpapaalis na naman sa akin. I'm so tired. Isipin mo gumagalaw ang eroplano tapos kanina pa ako nakatayo. First time ko pa ito at hindi manlang ako naeenjoy.
Tumayo ako, namumungay pa ang mata. Mabilis na binuksan ko ang banyo at nagsalubong ang kilay dahil hindi lang ang mag-ina ang nakita ko sa labas, naroon din si Keyon sa likod nila at katulad kanina ay nakapamulsa lang siya. Nakatingin sa akin ng masama.
Iniwas ko lang ang tingin ko. Napasimangot na lang akong bumalik sa isang gilid at sumandal lang ako sa kaninang puwesto.
Napamulat ako ng maramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa kamay ko.
"Anong ginagawa mo? Saan mo 'ko dadalhin?" tanong ko nang hilahin niya ako at nagsimulang maglakad.
"Tsk, uupo," tipid niyang sagot, bakas pa rin ang inis sa boses.
"Wala na akong uupuan kaya ayos na ako rito." Nagbingibingihan ito. Hindi ko magawang hilahin ang kamay ko at magreklamo dahil baka pagtinginan kami ng mga tao. Medyo madilim naman na sa loob ng eroplano at tulog ang karamihan.
"Keyon, kala ko nagbanyo ka lang, ba't kasama mo si Aviana?" nakataas kilay na tanong ni Sena. Sinamaan niya ako ng tingin pero binalik ko rin sa kaniya ang tingin na ibinibigay niya.
"Si Iana na lang ang uupo riyan," Ania Keyon at pinaupo ako sa upuan ko kanina.
"No, just stay here Keyon. Hayaan mo na siya or else babalik na agad ako sa oras na makapunta na tayo sa Canada."
Nagtitimpi ako na hindi siya sagutin. Kanina ko pa talaga pinipigilan ito.
Iniintay ko ang pagtanggi ni Keyon at ipagpilitan na rito nalang ako pero hindi siya umimik. Ni isang salita ay wala siyang sinasabi. Papaalisin niya na ba ako ulit at uupo na siya?
"Stand up, Iana. Labas."
Ngumiti si Sena dahil sa sinabi ni Keyon. Napaawang lang ang labi ko. Hindi ako makagalaw.
"Kilos na, Iana," utos nito na parang nawawalan na ng pasensya.
Tumawa ako ng mahina habang nakatungo. Tumayo ako at umalis sa pagkakaupo. Tatakbo na sana ako pabalik ng banyo para magkulong pero naramdaman ko ang hawak ni Keyon sa palapulsuhan ko habang papaupo siya. Anong gagawin niya? Hahawakan ang kamay ko habang nakatayo ako at nakaupo siya?
"Now sit," tiim bagang nitong sabi na ikinalaki ko ng mata. Sa inip niya ay hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya. Nakaupo ako sa kaniya!
Narinig ko ang pagmulumur ni Sena na galit na galit sa nakita. Hindi lang makasigaw dahil tahimik ang paligid.
Nanatili akong nakayuko pero naramdaman ko ang kamay ni Keyon na lumapat sa noo ko at isinandal ito sa dibdib niya. Kung kanina ay hindi ko mawari ang nararamdaman ko, ngayon naman halos sumabog na ito sa sobrang saya.
"Go to sleep..."
Ramdam ko ang init ng hininga niya nang ibulong niya iyon sa akin. Seryoso at mukhang galit pa rin ang boses pero nanatili namang mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasíaFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...