Kabanata 44

47 5 0
                                    

Kabanata 44
Tiwala

Kahit nasa counter na para magbayad ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Hinimas ko ang tiyan dahil pakiramdam ko ay nakakalma ako kapag ginagawa ko 'yon.

Sumakay na ako ng tricycle pauwi para hindi mapagod. Pagkarating sa loob ng bahay ay uminom kaagad ako ng tubig at naupo.

Ang libro na tinutukoy niya ay nasa akin pa rin. Hindi ko na iyon binuklat pa pero gusto ko sanang ibaon noon. Hindi ko lang nagawa dahil nakalimutan ko na iyon.

Sunod-sunod na katok sa pintuan ko ang nagpatayo sa akin.

"Aviana!" bungad ng isang malagong na boses sa labas.

"Hendrix!" Isang yakap na mahigpit ang sinalubong ko sa kaniya at gano'n din kina Beatrix at Trixie. I miss them too! Ilang linggo na ang nakalipas nang huli silang bumisita sa akin.

"Akala ko ba hapon pa? Napaaga kayo." Tumawa si Trixie at hinawakan ang tiyan ko bago pumasok sa loob.

"Namiss ka ng friend mo," biro ni Beatrix na nakataas ang kilay. Tumawa ako dahil doon. Hilig nilang sabihin na na-miss ako ni Hendrix. Pakiramdam daw nila ay mas ka-close ko na ang kapatid nila kaysa sa kanila. Sa tingin ko naman ay hindi iyon totoo dahil pantay-pantay ang turing ng pakikipagkaibigan ko sa kanila. It's just that kaibigan na nga rin ang naging turing ko kay Hendrix dahil sa palagian niyang pagbisita sa akin noon.

"Nag-alala lang ako kaya sabi ko agahan namin," pagpapaliwanag ni Hendrix at kinurot ang pisngi ko na nireklamo ko. Ang sakit kaya. Parang gigil lagi sa pisngi ko porke't chubby raw.

"Tss, nag-aalala? Mahal mo ba 'ko?" biro ko.

"Hindi." Tumawa ako sa pilyo niyang sagot. Kung itong biruan na hindi na awkward ang basehan ng dalawa para sabihing mas close na ko kay Hendrix, baka nga. Pumupunta siya rito na may dalang fishball at iba't iba pang pagkain.

Nauna na sina Beatrix pumasok sa loob at naiwan kami ni Hendrix sa may pintuan.

"I'm glad your fine."

"Yep, ako rin. Masaya ako na nakakaya ko kahit mahirap," hindi umabot sa mata ang ngiti ko.

"I'm thankful to you, Aviana. Salamat sa pagpaparealize sa akin na hindi ko dapat pinipilit ang isang bagay na hindi para akin dahil mas magiging masaya ako kung nakatadhana sa akin ang matatanggap ko."

"Ano ka ba! Huwag mo nga akong dramahan!" Ngumisi siya dahil sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko pero tinigil iyon nang mag-ring ang cellphone niya sa bulsa.

"Pasok ka na sa loob. Sasagutin ko lang ang tawag ni Heyl—"

"Go! Sagutin mo na! Miss ka na ng girlfriend mo!" pagputol ko sa sasabihin niya at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.

"Yah, I know. Miss her too kaya pumasok ka na nga." Tumawa pa ako ng isang beses bago mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

Masaya ako na tinanggihan ko siya noong una palang dahil alam kong may mas makakabuting tao para sa kaniya na mamahalin din siya. Alam kong mahal na mahal niya si Heylin. She's kind and pretty. Sa katunayan ay binibisita niya rin ako sa bahay at kasama siya ni Hendrix sa pagbisita sa akin. Naging isa rin siya sa mga kaibigan ko. Alam niya na na umamin sa akin noon si Hendrix at tinatawanan nalang namin iyon. Walang awkwardness sa pagitan namin and that's good.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon