Kabanata 21

191 11 3
                                    

Kabanata 21
Perya

"Tatlong araw at mawawala ka na..." bulong ko, nakapatong ang ulo ko sa balikat niya. I am letting myself do what my heart wants because I'm not sure if I will be able to do these again.

Nandito kami sa labas ng bahay ko kung saan nakaupo kami sa bangko na nilabas namin. Masayang panoorin ang mga bituin kasama ang mahalagang tao para sa'yo. Sana tumigil ang oras. Iyon ang hiling ko.

"Kung may magagawa lang ako para mawala 'yang sumpa na sinasabi mong permanente."

Nagtagal lang kami ng nasa ganoong posisyon.

"Gusto kong makausap si Kali—" naputol ako sa pagsasalita nang maramdaman kong inangat niya ang ulo ko para hindi ako matumba dahil unti-unti na siyang naglaho.

Alas dose na pala, lagi naming hinihintay na pumatak ang alas dose. Katulad ng sabi ko ay tatlong araw ko na lang siyang makakasama.

Pumasok na ako sa loob at humarap kung nasaan siya. Nakita kong may sinesenyas siya na hindi ko maintindihan.

"Ano 'yon? Hindi mo kasi sinabi kanina, ayan tuloy huhulaan ko pa."

Nilagay ko ang kamay sa bewang at nakasimangot siyang pinanood. That dream gave me the idea about what he wants.

Lagi siyang nagnanakaw ng halik sa akin bago siya maglaho pero ngayon ay nakaligtaan niya iyon.

"Kiss?" pagkumpirma ko sa naiisip. Nakita ko ang pagtango nito ng ulo.

"Tsk, mukha akong tanga nito. Gusto mong halikan kita, so para ko naring hinalikan ang pader ko," reklamo ko at inikot ang mata.

Yumuko siya at inabot ang paa ko. Hindi niya man ito mahawakan pero parang may humahaplos dito at hindi ko mapigilan ang makiliti. Totoo ngang kaya niya akong kilitiin!

"Anak ng fishball kang lalaki ka!"

Tinigilan niya na at umayos ng tayo.

"Pikit ka!" sigaw ko kahit hindi ko alam kung nakapikit ba siya o hindi at hindi ko rin alam kung saan banda ang labi niya. Am I really gonna do this?

Bahala na nga!

Hinalikan ko siya kung saan sa tingin ko ang labi niya pero mukhang hindi labi ang nahalikan ko dahil ang paa niya ay nagdadabog kahit na wala namang ingay na nalilikha iyon.

"Ikaw ang may kasalanan, nilimutan mo tapos magrereklamo ka!" sabi ko at humiga sa kama. Tinulugan ko ang loko.

***

"Happy fiesta!" Sigaw ko sa mga bumibili sa karinderya in Aling Meng. Mukha lang akong masaya pero ang totoo niyan ay pinipigilan ko ang umiyak noong mga nakaraang araw pa. Bukas na siya aalis o sa madaling salita mamayang alas dose.

Wala pang ala-sais kaya hindi pa siya nagiging tao pero kalapit ko siya ngayon.

"Perya tayo mamaya."

Tumango siya sa sinabi ko.

"Alam mo ba 'yong perya?" tanong ko sa kaniya na ikinailing naman niya.

"Hula ko first time mo lang kapag pumunta tayo. Mamaya malalaman mo. Sure ako na masaya 'yon. Maraming rides. Marami tayong puwedeng gawin."

"Aviana," napatingin ako sa harap ng karinderya nang may magsalita.

"Ano na namang pakay mo?" nakakunot noo kong tanong kay Kenna. Kagagaling niya lang kanina rito.

"Pupunta kami ng mga beklush kong kapatid sa perya mamaya. Aayain kitang sumama. Ano sasama ka ba?"

"Baka 'di ako makasama. May ibang lakad kasi ako mamaya," pagdadahilan ko. Ayaw ko naman na sabihin sa kanila na magpeperya rin ako kasama si Keyon. Mamaya sumama pa sila sa amin. Gosh, nagiging selfish na yata ako. Alam ko namang may karapatan din silang makapagpaalam kay Kevin pero hindi nila mauunawaan ang lahat.

Ang Boyfriend kong AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon