Kabanata 35
Party
Tiningnan ko muli ang sarili ko sa salamin. Maliit lamang ang salamin na meron ako kaya mukha lamang ang nakikita ko.Maayos naman. Naglagay ako ng kaunting liptint at BB cream na binigay sa akin ni Beatrix noong isang araw. Mas nabuhay ang itsura ko.
Nakasuot ako ng kulay puting sunday dress. May tela ring puti sa leeg na nagmukhang kwintas nito. Sina Beatrix ang pumili dahil iyon daw ang bagay sa akin. Hindi naman ako nagreklamo dahil bukod sa maayos ngang tingnan sa akin ay hindi ko rin naman alam kung ano nga ba ang magandang isuot. Pang-ilang beses ko pa lang na makapagsuot ng ganito simula nang mamatay ang magulang ko.
Ang suot ay pinartneran ko ng doll shoes. Hindi ko na binalak pa na magtakong dahil hindi na rin ako masyadong sanay.
Pagbaba ay naabutan ko si Keyon na nakaupo at nakadekwatro. Naka-long sleeve siyang polo na nakatupi hanggang sa kaniyang siko, pinaresan ng isang itim na slacks. My handsome boyfriend! Take note, hindi lang pala siya magaling mag-filipino pero matalino siya! Naalala ko na ang dami niyang lengguwaheng alam. Nakakahiya ang mga pinagsasabi ko noon dahil narinig ko lang din ang mga salitang iyon sa mga teenager na suki ko. Mga korean words at kung anu-ano pa. Napatawa ako ng maalala ko rin ang pagtatanong niya kung uulan ang tawag sa ula—
"Done checking me?"
Medyo iniling ko ang ulo para mabalik sa reyalidad. Nakatitig pala ako sa kaniya habang binabalikan ang mga nangyari noon. Nagmukha sigurong minamanyak ko siya ng dahil sa titig ko.
"Tara?" tanong niya at tumayo. Mas nauna niyang binaliwala ang pang-iinis sa akin.
"Y-yep, tara na."
Pagdating sa mismong venue ay hindi muna kami pumasok. Mukhang ang dami ng tao.
Umabrisiete ako sa kaniya pero tinanggal niya iyon. "I want to hold your hand. Huwag mong ilagay sa braso ko."
I pouted. Akala ko tuloy ay ayaw niya na kumapit ako sa kaniya.
Pumasok na kami ng mag kahawak kamay. Hindi sa bahay nina Hendrix gaganapin ang birthday party niya kung hindi sa mas malaking lugar na kakasya ang halos isang daang bisita.
Kahapon ay pumunta si Hendrix sa bahay dahil bumili sila ng susuotin ni Keyon. Nagtataka man sa ikinikilos ng dalawa ay hinayaan ko na sila kung ano ang gusto nilang gawin. Mukhang close na sila. Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw ay magiging magkaibigan sila.
Maraming nakatingin nang pumasok kami. Nakakahakot ng mga mata ang malakanong itsura ni Keyon. Ni katiting ng dugong pinoy ay wala si Keyon kaya halata ang pagiging may lahi. Noong una ko siyang nakita maayos naman ang pagsasalita niya habang nag-aaya ng fishball kaya hindi ko naisip na hindi siya rito lumaki.
Kumaway ako kina Beatrix nang makita ko sila.
"Oh, nasaan na ang birthday boy?" tanong ko sa kanila.
"Kasama mga barkada niya," sagot ni Trixie. Hindi pala kami nakabili ng pangregalo. Sa susunod ko nalang ipapaabot ang gift ko.
"Upo muna kayo. Magsisimula na."
Pinaupo ako kami ni Beatrix sa lamesa nilang dalawa. Mara
"Papa Keyon!" nagulat kami ng may sumigaw mula pa sa malayo.
Whaa! Kenna?!
Namiss ko ang baklang 'to.
Lumapit siya sa amin. Naka-dress siya... Leche ang seksi ng bakla! May pag-asa pa kaya siyang maging lalaki?
Umupo siya sa kalapit ni Beatrix.
"Kamusta na bakla?" tanong ni Kenna sa akin.
"Okay naman. Ikaw? Ang tagal kitang hindi nakita at hindi ka man lang bumisita sa amin," pagtatampo ko at humalukipkip.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasyFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...