Kabanata 34
Pagbabalik
Nakatitig lang ako sa kalapit na mahimbing ang tulog. Ang tangos ng ilong at ang kinis ng balat. Nakakahiyang madapuan ng lamok.Nasa Pilipinas na kami. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nalagpasan namin ang lahat.
Keyon should spend more time with his family. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari para sa kaniya pero ipinagtataka ko na hinayaan at sinunod nila ang desisyon ni Keyon na bumalik agad at sumama sa amin sa Pilipinas.
Maiintindihan ko naman kung hindi pero maging ang magulang niya ay sumang-ayon na rin. Hindi ko pa rin makalimutan ang pag-iyak ng mga magulang niya, mahigpit ang yakap sa kaniya at parang ayaw na siyang bitawan. Paanong pumayag sila pero parang kabaliktaran ang nakita ko noon?
Bumangon at nagsimula ng mag-ayos. Papasok na ba ulit ako kina Aling Meng? Paano kaya kung ituloy ko nalang ang pag-aaral ko? Pero paano 'yon kung wala akong pera? Baka magpart time job nalang ako.
Bibili muna ako ng pagkain namin. Tiningnan kong muli si Keyon bago umalis. Naglalakad ako sa grocery store nang hindi inaasahang may pamilyar na tao akong nakita.
"Beatrix?!" tawag ko. Napalingon siya sa gawi ko at nang makumpirma kong siya nga iyon ay mabilis akong tumakbo at niyakap siya.
"Namiss kita! Hindi mo alam kung gaano ako nalungkot ng umalis kayo!"
"'Di ako makahinga," natatawa nitong sabi. Kinalas ko namang ang mahigpit kong yakap at nakitawa.
"Kasama mo si Trixie?"
Tumango siya. Luminga-linga ako para hanapin ang kapatid niya.
"Nasaan?" excited kong tanong.
"Baka nandoon sa kabila. Tara."
Binuhat ko ang basket na dala ko at sumunod sa kaniya.
"Kailan pa kayo bumalik?" tanong ko.
"Kanina lang. Masyado ngang na-excite ang kapatid ko kaya napaaga. Miss ka na 'ata."
I miss them too!
"Namiss ko rin naman si Trixie. Miss ko na kayo." Tinampal ako ni Beatrix sa balikat.
"No. Hindi si Trixie ang—Oh, ayan na pala sila," nalipat ang atensyon ko sa dumating.
"Trixie!" sigaw ko yumakap din sa kaniya. Gulat ang mukha nito at nakiyakap din ng mas mahigpit.
"Namiss kita..." bulong ko.
"Same. Namiss din kita." Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo nga, sinabi ng ate mo namiss mo na ako kaya napaaga kayo."
Tinikom nito ang bibig at nagpigil ng tawa.
"Ano naman ang mga pinagsasabi mo dito ate Beatrix?" ani Trixie.
"Hindi si Trixie 'yon Aviana. It's my brother!"
Napatingin ako kay Hendrix na kasama rin nila. Ngumiti lang ako at tumango. Kahit naman bago palang kamao magkakilala ni Hendrix ay naging kaibigan ko na rin naman ito and I won't deny that I miss him too. Hindi nga lang magandang pakinggan kung sasabihin ko dahil sa pag-amin niya noon.
"Hi," bati niya, muli akong tumango.
"Tara, samahan niyo akon. Babayaran ko na 'to," basag ko sa katahimikan nina Beatrix at Trixie.
"Sige," pagpayag ni Trixie at nauna ng maglakad papunta sa counter.
Binayaran ko na ang mga pinamili ko at nagbayad na rin sila ng kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Anino
FantasyFantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging independent na tao, sinubukang mamuhay mag-isa at nagtrabaho sa karinderya upang maiahon ang sarili...