CHAPTER 4: WELCOME TO LAUFEJARSON'S LAIR!

2.3K 117 258
                                    

"Ito ang club room ng Art-Lovers Club," nagtatakang sambit ni Rosilie habang nakatingin sa isang pinto na puno iba't-ibang kulay ng pinturang magulo ang pagkakapinta at hindi magkakasundo ang kulay. Nakapaskil pa sa pinto ang isang karatula na nakasaad ang Welcome To Laufejarson's Lair.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" pagtataka ni Hunter habang nakasilip sila sa isang bintana at nakatanaw sa pintuang nakakairita ang kulay. Hindi naman siya mahilig sa art. Wala nga siyang alam sa art ngunit naiirita siya sa kulay ng pinto na pinaghalo ang neon orange at purple. Ang sakit sa mata lalo na nang nasinagan ito ng araw.

"Yan ang secret hideout ng mga delinquents," paliwanag ng lalaki na nakilala nilang si James. Nagbayad din sila upang malaman ang pangalan nito.

"Nag-i-skip sila sa klase nila para lang tumambay diyan? Ano ginagawa nila? Painting? Drawing? Sculpting?" sunod-sunod na tanong ni Rosilie habang nakatingin sa pintuang ng Art-lovers club. Maging siya ay naiirita sa kulay ng pintuan.

"Kayo mismo ang tumingin, pagkatok niyo sa pinto, isang lalaki ang sasalubong sa inyo. May hihingiin siyang password para makapasok kayo. Ang passwo...-"

Hindi na natapos ni James ang sasabihin dahil hinila siya agad ni Rosilie at Hunter sa magkabila niyang kamay.

-*-*-

"Password?" tanong ng isang kalbong lalaki na may malaking katawan. Mukhang ito ang tagapagbantay ng pinto. Mukha itong bouncer sa club.

Napatingin sina Hunter at Rosilie kay James. Alam nilang alam nito ang password.

"Laufejarson."

Napataas ng kilay si Rosilie nang mapag-alaman na ang password ay nakapaskil naman pala sa pinto. Ano bang klaseng trick iyon?

Agad binuksan ng lalaki ang pinto upang makapasok sila. "Welcome to the Laufejarson's Lair!" masiglang bati nito sa kanila. May kasama pang pose na tila kasali siya sa isang cheerdance competition.

Tahimik ang paligid. Katamtaman lamang ang laki ng silid at may dalawang bahagi. Isang pinto ang namamagitan sa dalawang bahagi.

Sa pagpasok nila, tumambad sa kanila ang ilang mga miyembro ng club na nagpe-painting.

Lumapit si James sa isang lalaking nagpe-painting. Nakasuot ito ng kakaibang sumbrero at puting polo na mahaba ang manggas. Mukhang naalarma naman ang lalaki sa paglapit niya kaya itinutok sa kanya ng lalaki ang hawak na paintbrush. "Subukan mong lumapit, kukulayan ko ang mukha mo ng kulay pink na pintura!" banta ng lalaki. Mukhang nagulat rin ang lalaki nang makita si Hunter. "I-Ikaw? Layas! Binabalaan kita, pink 'to!" sigaw niya pa habang nakatutok ang hawak na paintbrush kay Hunter.

Dahil sa ingay, naagaw nila ang mga atensyon ng mga taong kasama sa silid.

Nainis si Hunter sa kabastusan ng lalaki ngunit natawa naman si James sa inasal ng lalaki. Gano'n ba talaga magbanta ang mga artist? Lalaban sila gamit ang pintura?

"Relax, Leonard," sambit ni James na nakapeace-sign. "Andito ako para magsama ng recruits. Tawagin mo na si Kaizer."

Sinamaan ng tingin ng lalaking tinawag na Leonard si James at Hunter. Tila nagbabanta at sinasabing 'hindi kayo welcome dito.'

"Ah, excuse me, ano'ng nangyayari dito?" inosenteng tanong ni Rosilie na hindi nakatulong upang mapahupa ang tensyon sa pagitan ng tatlong kalalakihan.

"Pa'no kung under surveillance kayo?" madiing tanong ni Leonard na hindi pinansin si Rosilie. Hindi niya inaalis ang matalas na tingin ay James.

Napangisi si James na nakikipagpaligsahan din ng titigan kay Leonard. "Wala. Hindi ako nalagyan ng surveillance spell ni Clark."

Bakas sa mukha nila Hunter at Rosilie ang pagtataka ngunit nawala ang lahat ng pag-iisip nang lumabas mula sa isang silid ang isang lalaking may itim na buhok at kulay tsokolateng mga mata perpekto ang light tan nitong kutis, matangkad at hindi maikakailang may itsura.

Napangiti si Rosilie. Pakiramdam niya ang swerte niya. Sa isang araw lamang ilang naggwagwapuhang kalalakihan ang nakilala niya, mula kay Hunter na kasama niya buong araw, ang student council president na si Clark, ang utak-pera na si James at ngayon naman ay ang lalaking nakangiti sa kanya.

"Hello," bati sa kanila ng lalaki.

"Hi," pacute na sagot ni Rosilie.

"Yow, Kaizer!" bati ni James.

"Hello, James," balik-bati ni Kaizer na hindi inaalis ang tingin kay Rosilie. "Nagsama ka ng bisita?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Hunter. Hindi niya gusto ang aura ni Kaizer. Kung ang aura ni Clark ay authoritative at malamig na tulad sa mga kontrabida sa action movies, ang aura naman ni Kaizer ay may itinatagong kadiliman sa likod ng mabuting kalooban na ipinapakita nito. Ang mga ideal na kontrabida sa mga anime.

"Gumawa tayo ng kasunduan."

"Para saan?" naghihinalang tanong ni Hunter.

"Para maging official member ng Art-Lovers Club, nagbibigay kami ng mga initiation games."

"Tulad ng?" tanong ni Rosilie na hindi inaalis ang tingin at ngiti kay Kaizer.

"Gumawa ng trick para painitin ang ulo at asarin si Clark!" napangisi mag-isa si Kaizer na parang isang serial killer nang maimagine ang mga tricks na maaari niyang gawin upang painitin ang ulo ng Student Council president.

Bahagyang naturn-off si Rosilie sa ipinakitang 'killer-smile' ni Kaizer. Isang ngiti ng isang literal na killer.

Inirapan siya ni James. "Kai, wag mo siya masyadong isipin, baka pumunta siya dito." Alam ni James na tuwing nagiging ganoon ang ngiti ni Kaizer ay si Clark ang naiisip nito.

Bumalik sa mala-anghel na anyo si Kaizer at nilingon ulit si Rosilie. Ayaw niya talagang pansinin si Hunter. "Dahil gusto kita," lumapit siya at Rosilie at inangat ng bahagya ang baba nito upang magtitigan sila, mata sa mata. "Isa ka nang official member sa club ko."

Namula si Rosilie sa sinabi ni Kaizer sa kanya. Ngayon lamang may lalaking nagsabi na gusto siya nito.

Pumagitan si Hunter at itinulak ng bahagya si Kaizer papalayo kay Rosilie. "Awat na, may hinahanap lang kami dito."

Natawa naman si Kaizer sa ginawa ni Hunter. "Hindi ka parin nagbabago."

"Wag kang magsalita na parang kilala mo 'ko."

Binalewala ni Kaizer ang sinabi ni Hunter at sumenyas sa dalawa na sundan siya papasok sa isang pintuan.

Nang mabuksan ang pintuan ay bakas sa mukha ng dalawa ang pagkagulat. Hindi ito isang art room kundi isang gambling room! Andun nga ang karamihan ng mga delinkwente. Nakita din ni Hunter sina Doney na abala sa pakikipag-tong-its.

Maraming pera sa paligid at puno ng usok na nagmumula sa mga sigarilyo. Sa isang sulok, may lalaki at babae pa na gumagawa ng himala. Agad napatakip ng mga mata si Rosilie nang masaksihan iyon.

"Alam niyo ba na isang art ang concealing?" isang trivia na sinabi ni Kaizer habang nakatingin kina Rosilie na mukhang nagimbal pa rin.

"Nope," napatingin sila sa nagsalita sa likuran nila. "Isa iyong survival mechanism para makaligtas. I won't consider that as an art."

Nanlaki ang mga mata ni Kaizer nang matagpuan ang pares ng kulay gintong mata na nakatitig sa mga kulay tsokolate niyang mata.

"Clark!" natatarantang sigaw ni Kaizer.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon