Pagpasok nila sa loob ng kubo ay namangha sila sa kalinisan at kagandahan ng pagkakadisenyo sa loob.
Tiningnan ni Helle si Ellery na abala ang mga mata sa pagtingin sa paligid. "Ano'ng itatawag ko sa'yo, Ellery o Gerda?" inosente niyang tanong.
"K-kahit ano, pero gusto kong bumawi bilang si Gerda. Ako, bilang kasintahan ni Freyr."
"Oh? Nawalan siya ng siyota?" tanong ni Crimson kay Christian. "Nawalan ba o iniwanan siya?"
"Ano ba ang siyota?" inisenteng tanong ni Christian.
"Boyfriend o girlfriend. Kahit ano d'on. Alam mo, kaugali mo 'yung best friend kong si Ezzy, feeling inosente na berde ang utak. Sigurado magkakasundo kayo."
"Crimson, please lumabas ka nga!" sigaw ni Helle na ikinagulat ng lahat.
"Okay, fine!" sambit ni Crimson na nakataas ang mga kamay sa ere na tila sumusuko sa mga pulis. "Basta tandaan mo, nagbake si Percy ng cookies, hindi kita bibigyan!" sabi nito bago lumabas at tumakbo palayo.
-*-*-
"Gaano karaming dugo ang kailangan?" tanong ni Ellery habang umaakyat sila ni Helle sa ikalawang palapag ng kubo.
Tiningnan siya ni Helle at nginitian. "Ilang patak lang. Kailangan lang natin ng koneksyon na magdudugtong sa inyo."
Pagdating nila sa ikalawang palapag ay nagtaka si Ellery dahil mukha lamang ordinaryong sala ang pagkaka-ayos ng lugar. "Akala ko ay magic room ito?"
Umiling si Helle at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay upang akayin siya papunta sa isang sofa. "Isa itong meditation room. Maganda ang tahimik na ambiance para sa mas focus na concentration."
"Okay, pa'no tayo magsisimula?"
"Hintayin natin si Lady Raven."
-*-*-
Alas-tres ng hapon nang inihinto ni Hunter ang kotse sa tapat ng isang bungalow na nakatayo malapit sa isang dagat.
Naunang bumaba si Freya sa kotse at nagmadaling tumakbo palapit sa pintuan ng bungalow.
Lumabas din si Hunter sa kotse upang pagmasdan ang paligid. "Ang ganda ng napiling lugar ni Njord," papuri ni Hunter na napahanga sa lugar.
"Walang duda, para sa diyos ng alon at hangin, mas pipiliin niya talagang manirahan malapit sa dagat," sambit ni Mang Enteng na namamangha din sa tanawin.
"Hoy! Tandang Njord! Buksan mo 'to!" sigaw ni Freya habang tinatadtad ng suntok at sipa ang pintuan ng bahay ng kanyang ama.
Napakamot na lamang si Kaizer sa kanyang buhok habang tinitingnan si Freya. "Babaeng version mo, Thor."
Napaismid naman si Hunter sa sinabi ni Kaizer. "More likely kay Heim, mas destructive siya 'pag galit."
"Dikit kasi ng dikit sa inyo. 'Yan tuloy, naging barumbado na."
"M-mga kasama?" sambit ni Mang Enteng na kinakalabit si Hunter na malapit lamang sa kanya. Ang putol niyang kamay ay may itinuturo sa dagat.
Sinundan ni Hunter ng tingin ang itinuturo ni Mang Enteng. Ganoon din si Kaizer na nakakunot ang noo.
"Tyr, ano'ng tinuturo mo, wala kang daliri na pwede namin sundan," kunot-noong tanong ni Kaizer na pinipinit ang sarili na maaninag ang itinuturo ni Mang Enteng.
"A-ayun," sambit ni Hunter na itinuturo ang nakikita niya sa dagat.
Isang lalaki ang tumatakbo patungo sa direksyon nila. Katulad ng mga effects na inilalapat sa mga pelikula, dahan-dahan ang pagtakbo nito upang ipakita ang katawan nito na malaki, at may perpektong abs. Habang ang mahabang buhok nito na hanggang baba ay tinatangay ng hangin upang makadagdag sa malakas nitong appeal. May hawak itong surfboard na may nakatatak na 'Ride the Waves.' Mabagal ang kanyang pagtakbo at sumasabay pa ang kantang pinatutugtog ng mga kabataan malapit sa kanila. Nagmukha tuloy background music niya ang kantang Sugar ni Flo Rida.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantezieThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.