"Ngayon, Thor, gawin mo ang tama, ibalik mo siya sa nagmamay-ari sa kanya, si Hel," utos ni Cherry.
Nagdadalawang-isip si Hunter na tumayo at hawakan ang tuta. Ngunit ang tuta na mismo ang nagkusang tumalon patungo sa kanya. "Ibalik mo ako sa aking kamahalan," utos ng aso.
"Sandali," pagpigil ni Cherry bago lumabas ng bahay si Hunter. "May sulat na dumating kanina, para sa'yo." May inilabas siyang kulay pink na envelope at iniabot iyon kay Hunter.
Inilapag muna ni Hunter ang tuta sa sahig at kinuha ang sulat. Ang nakakahilong amoy muli ng scented paper ang tumambad sa kanya pagkabukas niya sa sobre. "Love letter na naman?" reklamo niya.
"Aba, ang yabang mo, dapat nga magpasalamat ka dahil nakakatanggap ka ng ganyan. 'Yung iba ngang umaasa wala eh," saway ni Cherry sa kanyang pagrereklamo.
"Sulatan mo kasi si Tyr," pang-aasar ni Hunter habang binubuksan ang sulat.
Inirapan lamang siya ng kanyang tiyahin.
Napakunot na lamang ang noo ni Hunter sa pagkadismaya nang makita ang pangit na penmanship ng nagsulat. Nawalan siya ng ganang basahin iyon lalo na nang mabasa niya ang lagda ng nagpadala na nagpakilalang Goldilocks.
"Mamaya ko na po babasahin," sambit ni Hunter habang ibinabalik ang papel sa sobre.
"Kung ako sa'yo, 'wag mong balewalain 'yan."
"May phobia na 'ko sa Goldilocks na 'yan," pagrarason ni Hunter na hindi parin nalilimutan ang mga nangyari kanina sa rooftop.
Bago lumabas si Hunter ay tinawag siyang muli ni Cherry. "Ikaw ang bahala kung babalewalain mo ang sulat na 'yan. Pero binigyan kita ng sarili kong opinyon ah."
-*-*-
"Bwiset! Nalimutan kong tanungin kung taga-saan si Raven!" reklamo ni Hunter. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan si Clark upang magtanong.
Matapos ang tatlong ring ay sinagot din ito, ngunit boses ni Christian ang kanyang narinig.
"Bakit, Hunter?"
"Tanong ko lang, saan ang apartment ni Raven?"
"Di ko alam eh, wait ask ko si Clark," paalam ni Christian na ibinaba muna ang tawag.
Matapos ang ilang segundo ay tumawag si Clark sa kanya upang sagutin ang kanyang katanungan.
"Walking distance lang mula sa apartment niyo," maikling paliwanag ni Clark.
Napaupo si Hunter sa tapat ng gate ng isang maliit na bahay sa nasa tapat ng isang chapel. Habang ang tuta ay nasa kanyang balikat. "Saan nga dito. Maraming bahay dito sa subdivision."
"Isang one-storey house na may puting gate, sa tapat ng chapel."
Napatingin si Hunter sa chapel at sa puting gate na kanyang sinasandalan. Napakamot na lamang siya sa kanyang magulong buhok. "Nahanap ko na pala."
"Wow, you're really a hunter," papuri ni Clark na inaasar si Hunter. "Alam mo bang matagal mo na siyang kapitbahay?"
"Hindi."
Hindi na sumagot si Clark, pinutol na lamang nito ang tawag. Napa-iling naman si Hunter habang binubulsa ang kanyang cellphone.
Pinindot ni Hunter ang doorbell ng ilang beses ngunit walang lumalabas na Raven.
Isang may edad na babae ang lumabas mula sa katabing bahay, nagpakilala ito kay Hunter bilang caretaker ng apartment at nagtanong kung ano ang kailangan niya.
"Yung nakatira po dito?" tanong ni Hunter.
"Hijo, dalawang taon nang bakante ang apartment na 'yan," paliwanag ng caretaker.
"Nararamdaman ko na wala nga siya diyan," dagdag ni Garm.
"S-Sige po, salamat," nagtatakang pagpapaalam ni Hunter.
-*-*-
Marahang kinatok ng isang matandang butler ang malaking pintuan ng silid ng kanyang amo. "Master, you have a visitor," pag-imporma butler.
"Let her in."
Sinenyasan ng butler ang babaeng pumasok sa loob ng silid.
Pagbukas ng pinto, isang malawak na silid ang tumambad sa bisita. Sa gitna nito, nakatayo ang isang binatang nakangiti sa kanya na tila ba kanina pa hinihintay ang kanyang pagdating. Kulay tsokolate ang buhok nito na medyo mahaba at bahagyang kulot. Ang mga mata naman nito ay kulay abo.
"It's been two years since the last time we saw each other, and you haven't changed a bit...Raven," panimula ng lalaki.
Hindi magawang ngumiti ni Raven dahil sa nararamdamang kaba dahil kaharap niyang muli ang lalaking naging parte ng kanyang nakaraan.
"I missed you," malambing na sambit ng lalaki na unti-unting lumapit sa kanya.
"You didn't told me about your engagement," seryosong sambit ni Raven na nagtatampo.
Ngumisi si Ashton at hindi natinag na lumapit kay Raven. "Are you jealous?" Hinawi pa niya ang bangs ni Raven. "Kumusta ang plano natin?"
"Oo, nagawa ko ang pinagagawa mo. Nakuha ko ang mga tiwala nila," prangkang sambit ni Raven na hindi makatingin ng maayos kay Ashton.
Ngumiti muli si Ashton at niyakap si Raven. "Thank you for not failing me."
Nanibago si Raven sa kanyang pakiramdam. Dati ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso tuwing niyayakap siya ni Ashton. Ngayon ay wala siyang maramdaman na kahit ano. Marahan niyang itinulak si Ashton. "Vidar, pagod ako, gusto ko muna magpahinga."
Humiwalay si Ashton sa pagyakap na hindi ginantihan ni Raven. "Magpapahanda sana ako ng dinner date para sa ating dalawa, pero sige, ika-cancel ko nalang. May pinahanda akong kwarto na tutuluyan mo dito. May mga gamit na doon para sa'yo."
Isang kasambahay ang naghatid kay Raven papunta sa kwartong sinasabi ni Ashton. Pagpasok niya sa loob ay napaupo siya sa sahig at ibinuhos niya ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
"Sorry, Heimdall," bulong niya sa kanyang sarili.
Ngayon ay naiipit siya sa isang sitwasyon kung saan kailangan niyang mamili sa pagitan ng kanyang nakaraan at kasalukuyan.
Hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng guilt at pagkalito. Ngunit sa sitwasyong ito ay wala siyang magagawa kundi sumunod sa mga magaganap.
-*-*-
"Tinanong mo ba kung may white lady 'dun sa apartment?" tanong ni James na kasama ni Hunter na naglalakad patungo sa cafeteria. "Kasi kung may white lady nga, posibleng si Raven na 'yun."
Umiling si Hunter. "Hindi ko na tinanong. Ang dami nating problemang dumarating eh. Kahapon, akala ko pati si Sif dumating."
"Si Sif?" pagtataka ni James.
"Oo, kahapon may sulat akong natanggap na...-"
Hindi na natapos ni Hunter ang kanyang nais sabihin dahil mayroon siyang nakabanggaan.
"Sorry," tumulong pa siya sa pagpulot ng mga nahulog nitong mga aklat.
"Oy, Rosilie!" bati ni James sa nakabanggaan ni Hunter.
"H-Hi James," nahihiyang bati ni Rosilie na hindi makatingin sa kanila ng maayos. Tumulong na lamang siya sa pagpulot ng kanyang mga aklat at agad ding tumakbo palayo.
"Iniiwasan ba niya tayo?" nagtatakang tanong ni Hunter.
"Ewan, pero mukhang mayroong hindi tama."
Napatingin si Hunter sa lupa at napansin niyang may naiwan pa si Rosilie na isang pulang sobre. Pinulot iyon ni James at binuksan.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasíaThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.