"Class, please welcome, the exchange student from McClendon University and their guidance counselor," sambit ng babaeng guro na may maiksi at itim na buhok.
Tahimik ang mga estudyante habang nakatitig kay Raven. Ang iba ay nakanganga, ang iba naman ay natulala. Mas maayos na ang istilo ni Raven ngayon kumpara noon. Kung noon ay magulo at buhaghag ang kanyang mahabang buhok na halos tumakip sa kanyang mukha, ngayon ay pinagupitan niya na ito nang lampas balikat at ang mahaba niyang side bangs ay full bangs na ngayon.
"My name is Raven Hayle. 17 and...-"
Nagtaas ng kamay ang isa sa mga estudyante. Mataba ito at maitim na lalaki. "Are you single or taken?"
Napatahimik din ang ibang mga estudyanteng lalaki at hinintay ang kanyang tugon.
Namula siya at agad pumasok si Clark sa kanyang isipan. Hindi naman sila. Ngunit alam niya na gusto nila ang isa't-isa.
Ngumiti siya sa nagtanong. "I'm single but I have a special person whom I have a connection called mutual understanding."
Napa-awww ang ilan sa mga lalaki dahil sa panghihinayang. Ang ilang babae naman ay kinilig.
Isang estudyante ang muling nagtaas ng kamay. "Bakit pula ang mga eyes mo?"
Ngumiti na lamang si Raven dahil hindi niya aldm kung paano sasagutin ang tanong na iyon.
Umubo si Maple upang iklaro ang kanyang lalamunan at iparamdam na may nais siyang sabihin.
"So nandito ako para pumili ng magiging exchange student mula sa inyo," paliwanag ni Maple na iginagala ang mga mata sa mga estudyante upang mahanap ang karapat-dapat na mapili.
"Kailangan din po ba namin mag-exam?" tanong ng isang babaeng estudyante.
Umiling si Maple at ngumiti. "Nope. We'll choose via pinpointing or eenie-meenie!"
Natahimik ang mga estudyante dahil sa kakaibang pamamaraan nila ng pagpili. Lahat ay nais masubukan ang isang buwang karanasan sa isa sa pinakaprestihiyosong paaralan sa buong bansa, ang McClendon Academy. Ngunit ang pag-asang iyon ay maidadaan lamang pala sa mano-manong pagpili.
-*-*-
Nasa pangatlong silid-aralan na sina Maple at Raven. Magulo ang pagkaka-ayos ng mga silid kaya nagkalito-lito silang dalawa. Bagay nga dito ang pangalan nitong Chaos Academy.
"Sana nandito na siya," bulong ni Maple kay Raven bago sila pumasok.
Ngumiti naman si Raven upang subukang bawasan ang nararamdamang panlulumo ni Maple.
Pagbukas ni Maple ng pintuan ay nawala ang kanilang mga ngiti at napalitan ng panlulumo nang masaksihan ang magugulong upuan, mga dingding na puno ng vandals at mga estudyanteng nagwawala na tila mga nakawalang orangutan sa isang zoo.
Sa isang sulok ng silid ay may isang babae at lalaking tahimik na nag-uusap. Sila lang ang mukhang pinakamatino sa silid na iyon.
Napatigil ang mga estudyante at napatingin sa kanilang dalawa.
Nagtangkang humakbang si Maple upang makapasok sa silid ngunit may isang lalaking mestizo at magulo ang kulay tsokolateng buhok ang pumigil sa kanya.
"Miss, 'wag po kayong...-" babala ng lalaking kinakabahan.
Ngunit huli na dahil nakahakbang na si Maple at isang tabo ng palaka ang nahulog sa kanyang ulunan.
Nagsisigaw si Maple at patakbong lumabas ng silid na iyon habang may dalawang palaka na nakasabit sa kanyang ulunan.
"M-miss Maple," bulong ni Raven na hindi na nagawa pang makatakbo at makahabol sa binibini dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Napatingin siya sa silid na puno ng mga nagtatawanang estudyante. Lahat ay nagtatawanan maliban sa dalawang nag-uusap sa sulok ng silid at ang lalaking pumigil kay Maple.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasyThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.