Naglalakad si Hunter kasama ang babae na nakilala niya bilang si Rosilie.
"Alum mo buh kong buket suh stuwent counshil pweshident tayow pumowntuh imbesh na suh gaydansh opish o pwinshipal'sh opish?" tanong ni Rosilie na may benda ang ilong kaya hirap magsalita.
Napataas ang isang kilay ni Hunter. Hindi dahil nahihirapan siyang intindihin ang sinasabi ni Rosilie, kundi dahil nagtataka siya kung bakit naiintindihan niya ito. "Bakit nga ba?"
"Kashi mash mugoling dow mogdishiplina ong pweshident. Nokokotukot dow sha."
Napaisip saglit si Hunter at napangiti. "Mukhang siya ang perfect example ng kontrabida na sa movies at anime lang makikita."
"Sha ung kowntwabiduh, ikow ong biduh?"
Ngumisi si Hunter at tumingin kay Rosilie. "Oo. Ako ang superhero sa palabas na ito."
"Kowl!" sigaw ni Rosilie na nagniningning ang mga mata habang nakatingin kay Hunter. "Akow ung lideng lide mo!"
"L-leading lady?"
Tumango lamang si Rosilie habang nakangiti.
Napatigil lamang sila nang makarating sa tapat ng isang pinto na may nakadikit na litrato ng isang bungo na laminated pa at may nakasulat na 'PREPARE TO DIE!'
"Yan ong stuwent's counshel opish!"
Nakaramdam si Hunter ng kakaibang aura na nagmumula mula sa loob ng silid na iyon. Malamig. Nakakakilabot. Nakakatindig-balahibo.
Napalunok silang dalawa habang nakatitig sa pinto.
"Ikow ong supewiwow dibuh? Bukshan mo nuh!" utos ni Rosilie na nagtatago sa likuran ni Hunter.
Nanginginig man ay naglakas parin ng loob si Hunter na pihitin ang seradura ng pinto upang buksan ito.
Nang mabuksan ang pinto ay isang lalaking nakaupo sa isang swivel chair ang sumalubong sa kanila at background music ng awiting The Memory Remains na inaawit ng bandang Metallica. Maliwanag ang silid kaya malinaw ang imahe ng lalaking nangangalumbaba na nakatingin sa kanila.
Maputi ito na mukhang walang dugo. Mali. Maputla pala ang tamang salita. Sobrang mapusyaw ang kulay ng mga mata nito ngunit matalas tumingin. Singkit ang mga mata nito at walang emosyon.
"Welcome," malamig na bati ng lalaki. Maging ang boses nito ay malamig.
"I-ikaw po ba ang president?" tanong ni Rosilie na nanginginig.
Nanlaki ang mga mata ni Hunter na napatingin kay Rosilie. "Diretso ka na magsalita?!"
"O-oo nga no? Dahil siguro sa takot o kaba?"
Umayos ng upo ang lalaki at tiningnan sila. "Ako si Clark Sentinel, student council president."
Napatahimik si Hunter at Rosilie habang nakikipagtitigan kay Clark, ang student council president. Kapwa hind makapagsalita dahil sa kakaibang aura na nagmumula dito.
Patuloy parin sa pagtugtog ang metal rock song na The Memory Remains.
May kinuhang remote si Clark at itinapat iyon sa isang DVD player. Tumigil ang ingay ng awitin at namayani ang katahimikan.
Tumayo si Clark mula sa pagkakaupo at lumapit ito sa isang malaking bintana na yari sa clear glass. Binuksan niya ito at nanatili sa tabi nito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Hunter sa pagtataka. Malakas at maganda ang takbo ng air-conditioner sa silid, bakit kailangan pang buksan ang bintana? Sayang lamang ang lamig na inilalabas ng air-conditioner kung nakabukas ang bintana. Ngunit mas pinili na lamang ni Hunter na manahimik.
"Sir?" nahihiyang sambit ni Rosilie.
"No need to be formal, wag niyo na ako tawaging sir. Boss nalang, o kaya Mr. President, o Master."
Lalong napataas ang kilay ni Hunter sa sinabi ni Clark. No need to be formal?
"Master Clark?"
Napangisi si Clark nang marinig ang itinawag sa kanya ni Rosilie. "Yes?"
Napansin ni Hunter ang matulis na pangil nito na kumikislap sa liwanag na nagmumula sa binatana. Mukha itong modern-day vampire na kontrabida sa mga movies.
"Fan ba kayo ng Twilight Series? You know," inosenteng tanong ni Rosilie na itinuro pa ang sariling mga mata, "the gold contact lenses, pale skin and," itinuro naman niya ang bibig at ibinuka ng kaunti upang ipakita ang maliit na pangil niya na hindi matulis.
Nawala ang ngiti ni Clark at napataas ang kanang kilay sa mga sinabi ni Rosilie. Hindi siya mahilig sa vampires at hindi siya mahilig sa romance!
"O baka naman po Otaku kayo? or...-" hindi itinuloy ni Rosilie ang sasabihin nang maisip ang isa pang dahilan. Napatakip na lamang siya sa kanyang bibig, "don't tell me, beki kayo kaya naglalagay kayo ng contact lenses and whitening lotion? Sayang gwapo pa naman sana kayo!"
Nagkibit-balikat na lamang si Clark. Hindi niya naman alam ang ibig sabihin ng beki.
"Mr. Brimstone, first day mo dito sa school as transferee, napasama ka na agad sa away. Kasama mo pa ang isa sa mga scholar ng school na 'to."
"Pa-paano mo nalaman na napa-away kami?" pagtataka ni Hunter.
"Surveillance."
Surveillance? Inikot ni Hunter ang mga mata sa buong office. Wala siyang matagpuang monitor. Ano ang tinutukoy nitong surveillance?
Nilingon naman ni Clark si Rosilie, "Miss Valdez, alam mo ba na may chance na mawala ang 75% scholarship mo at isa pang possibility na hindi ma-approve ang request mo na mabuo ang Paranormal Mystery Solvers Club?" panimula ni Clark na nakacross-arms habang nakasandal sa dingding sa tabi ng bintana.
Namutla si Rosilie sa mga narinig. "Pa-pakiusap po, kelangan ko ang scholarship ko."
"Hunter Brimstone, hindi pa tapos ang requirements mo for enrolment, pero pwede ka nang mapaalis sa school right now."
"Hi-hindi! Madidisappoint si auntie!"
"Ayaw niyo naman mangyari ang mga bagay na iyon diba? Pero hindi pwedeng palampasin ang mga nangyari."
"Wala kaming kasalanan!" depensa ni Hunter, "tinulungan ko lang si Rosilie sa mga nambully sa kanya!"
Tumango naman si Rosilie upang ipaalam na totoo ang mga sinasabi ni Hunter.
"Alam ko. Pero hindi maniniwala si Ms. Ortega na nakakita sa inyo na binubugbog ang mga bully na tinutukoy niyo kung sasabihin kong wala kayong kasalanan. That's why, I'm giving you a challenge."
Naningkit ang mga mata ni Hunter na nakatitig kay Clark. Ang kaba at takot na nararamdaman niya kanina ay bigla na lamang naglaho at napalitan ng pagka-inis sa taong kausap. Alam nito na wala silang kasalanan, ngunit bakit ayaw pa silang paalisin nito? Para saan at ano ang silbi ng tinutukoy nitong challenge?
"A-ano pong challenge?" tanong ni Rosilie.
"Hanapin niyo ang mga bully na 'yun at iharap sa akin. You only have three days. If you can't comply with that challenge, then get ready for your punishments," sagot ni Clark na walang ekspresyon ang mukha habang diretsong nakatitig sa dalawa.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
خيال (فانتازيا)The sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.