Diretso ang tingin ni Rosilie kay Raven habang nakaupo ito sa isang monoblock chair.
"Kasi, kanina lang, nakita kong sira ang locker ko, nag-alala ako kasi baka nanakawan ako pero pagbukas ko ng locker ko, nagulat ako kasi may nakalagay na teddy bear at mga bulaklak," kwento ni Raven na diretso din ang tingin kay Rosilie at pilit umiiwas na tingnan si Clark.
"Wala bang notes na may cheesy na pick-up lines?" tanong ni Rosilie. Naaalala niya tuloy ang kanyang secret admirer na hindi niya nakikilala dahil sa kasong ito.
"Hindi cheesy. Creepy. Noong una, sulat lang naman ang mga iniiwan sa locker ko. Ngayon sinira na ang locker ko. Gagastos pa tuloy ako para sa bagong lock," napanguso na lamang si Raven dahil sa nararamdamang inis. Kuripot pa naman siya. Nais niyang makatipid hangga't maaari.
Nakaramdam sina Rosilie at Hunter ng madilim na aura sa paligid. Hindi nila kayang balewalain dahil nakakakilabot nga iyon.
"Kailan pa?" matigas na tanong ni Clark na matalas ang pagkakatitig kay Raven.
Nanlamig si Raven mula sa kinauupuan at napalunok. "La-last week," nauutal niyang sagot.
"Ano'ng mga sinasabi?"
"Hindi ka naman member ng club ah? Bakit ikaw ang nag-i-interrogate?" sabat ni Kaizer na itinigil saglit ang pagpipintira upang tingnan si Clark na mukhang mas apektado sa kasong idinulog.
-*-*-
Mula sa bintana ng PMS Club na nasa 2nd floor ng isa sa mga school building, nagulat ang mga estudyante nang bumagsak sa lupa si Kaizer. Una mukha.
Isinara ni Clark ang kurtina dahil nga basag ang bintana ay hindi ito maisasara. Ipinagpag muna niya ang mga kamay bago bumalik sa inuupuan.
Napanganga naman si Rosilie matapos masaksihan ang paghulog ni Clark kay Kaizer. "Uy, baka mamatay siya!" nag-aalala niyang sigaw. Alam niyang malupit ang council president ngunit hindi niya alam na ganoon kalupit na walang alinlangan kung magtapon ng isang tao mula sa bintana.
Tumawa naman ng malakas si Hunter at pinaupo si Rosilie. "Okay lang siya, sigurado. Masamang damo yun, nung isang linggo lang, nahulog siya sa acacia buhay pa. Imagine-in mo kung gaano kataas ang punong 'yun," paliwanag pa ni Hunter.
"Ituloy mo," utos ni Clark kay Raven. "Ano ang mga sinasabi sa'yo."
May kinuha si Raven mula sa kanyang bag. Isang resealable plastic bag na naglalaman ng mga greeting cards at mga litrato.
Kinuha iyon ni Clark at tiningnan isa-isa. Ganoon din ang ginawa ni Hunter at Rosilie.
Kinuha ni Clark ang isang litrato ni Raven na nasa garden habang nagbabasa ng isang aklat. Sa likod noon, may nakasulat...-
Miss Raven, you're beautiful as ever. Kahit ano'ng angle mo ay hindi ako magsasawang kuhanan ka ng litrato.
-Mr. E
Inilapag yun ni Clark at kumuha ng isa pang litrato, isang litrato ni Raven habang nasa classroom ito at nakasilip sa bintana. Tulad ng nauna, may nakasulat din sa likuran nito.
Miss Raven, smile for me please.
Mr. E
"Ang sweet!" komento ni Rosilie habang binabasa ang mga cards.
Pinunit ni Clark ang huling litrato na kinuha. "It's not sweet! Raven, hindi ka ba nag-aalala? Hanggang sa classroom mo, nasusundan ka ng stalker mo! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" sigaw niya na may kasamang dabog sa lamesa.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasíaThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.