Kumalat sa social networking sites ang mga litrato ni Josh Marty, isang kilalang pervert sa buong McClendon University.
Sa mga kumakalat na litrato, bugbog sarado ito at may nakasabit na placard sa leeg nito na hindi makita:
Sorry for the girls I've perverted. Please forgive me.
"Sino kaya nag-upload ng pictures nito?" tanong ng isang estudyanteng babae habang nagbabasa ng newsfeed niya sa Facebook gamit ang kanyang phone.
"Mukhang malaki ang atraso ni Marty sa nambugbog at nag-upload nito. Sa wakas, natuto din siya ng lesson!" sagot naman ng isa pang estudyante.
Napangiti na lamang si Raven ng palihim habang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga kaklase.
Si Clark ang nambugbog at kumuha ng mga litratong iyon. Naaalala niya tuloy ang simple ngunit epektibong plano na naisip ni Clark upang makilala nila ang kanyang stalker.
Posibleng maglagay muli ng card o litrato ng stolen shot ni Raven ang stalker kaya naglagay sila sa locker niya ng isang card na para sa stalker. Pinapunta nila ang stalker sa rooftop sa oras na alas-singko.
Pagkatapos ng klase, agad siyang pumunta sa Paranormal Mystery Solvers Club upang magpasalamat.
"Kay Clark ka magpasalamat," sambit ni Rosilie.
"Oo nga, binugbog talaga niya stalker mo para lang sa'yo," sagot naman ni Hunter.
"Pupunta rin naman ako sa kanya, pero kasi...medyo nahihiya ako sa kanya," nakayukong sambit ni Raven.
"Bakit?" pagtataka ni Hunter.
"Wala lang," nahihiya niyang sambit. "Hindi ko kasi alam kung ano ang mga dapat kong sabihin sa kanya."
Lumapit sa kanya si Rosilie at inakbayan siya. "Miss Raven, napansin namin na ikaw ang weakness ni Clark. Kung kaya niyang mambugbog ng ibang tao dahil sa'yo. Kaya mo din siyang suyuin sa simpleng paraan lang," paliwanag nito.
Tumango naman si Hunter. "Oo, tama siya. Yayain mo magmerienda o kumain sa labas. Kahit sabihin mong treat mo, siya parin magbabayad," dagdag payo nito.
"Si-sige," namumulang sambit ni Raven.
-*-*-
"Treat mo?" tanong ni Clark na nakacrossed-arms habang nakaupo sa kanyang poboritong swivel chair sa kanyang opisina. Walang ekspresyon ang kanyang mukha, iyon ang natural niyang ekspresyon.
"Oo, pasasalamat ko nalang sa pambubugbog mo at pagkick-out sa stalker ko," nakayukong sambit ni Raven habang nilalaro ang kanyang mga daliri sa kamay at hindi makatingin kay Clark ng diretso.
"Tara na, gutom na 'ko," sagot ni Clark habang inaayos ang kanyang maluwag na necktie.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni Raven na may ngiti. Sinusubukan niyang alisin ang nararamdamang hiya kay Clark.
"Oo, pwede ba?" tumayo si Clark at lumapit kay Raven.
"Nasanay ka talaga na ako ang nag-aayos ng necktie mo?" tanong ni Raven habang inaayos ang asul na necktie sa kwelyo ni Clark.
"Oo," nakangising sagot ni Clark.
Biglang bumukas ang pinto. Hindi man lang kumatok ang mga pumasok.
"Wow. Iyan ba ang nagkakahiyaan?" sarkastikong tanong ni Hunter na kasama si Rosilie.
"Sweet!" komento ni Rosilie.
Nang matapos si Raven ay agad isinuot ni Clark ang kanyang blazer at itinaas ang mga manggas nito hanggang siko.
"A-anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Clark na ipinagpapatuloy ang pag-aayos ang kanyang manggas.
"May bagong bukas daw kasing mini-restaurant sa bayan, gusto sana namin itry yung opening promo nila na eat all you can. Sama kayo?" mahabang paliwanag ni Hunter na mukhang excited.
Nagtinginan muna sina Raven at Clark. Nagpapakiramdaman kung papayag ba ang isa't-isa.
"Gusto mo ba?" tanong ni Clark.
"O-okay lang," sagot ni Raven.
-*-*-
"La Fang Restobar?" taas-kilay na tanong ni Clark habang nakatingala at binabasa ang nakapaskil na karatula sa itaas ng two-storey building.
"Ang unique ng name 'no?" sambit ni Rosilie na natatawa nang mabasa ang karatula.
"Tara na!" excited na sambit ni Hunter na nagmadaling pumasok sa pinto.
Marami rin ang mga tao pagpasok nila sa pintuan. Karamihan ay teenagers. Malinis ang lugar, hindi tulad sa mga malalaswang bar. Isa itong lugar na para sa mga teenagers.
Pagpasok nila sa loob ay mukhang may nagaganap na kaguluhan. Dahil may nagtipon-tipon ang mga tao sa isang lugar at mukhang may pinanonood na live show. Nagtatawanan pa ang mga ito at nagchi-cheer.
Dahil nga usisero si Hunter ay walang pagdadalawang-isip siyang lumapit sa tumpok ng mga tao upang maki-usyoso.
Napa-iling na lamang si Clark ngunit si Rosilie ay sumunod kay Hunter.
Nagulat si Raven nang marinig ang isang sigaw ng isang taong nasaktan, kasunod ng isang suntok. Agad niyang hinila ang manggas ni Clark.
"Clark, may nag-aaway doon," nag-aalala niyang sambit.
Agad sumenyas si Hunter kina Clark at Raven na lumapit at tingnan ang nagaganap.
Napansin ni Clark na seryoso si Hunter. Mukhang kailangan nga nila na makita ang nagaganap.
Nanlaki ang mga mata ni Raven sa gulat nang masaksihan ang nagaganap. Isang lalaki ang binubugbog ng tatlong mga lalaki. Dumudugo ang gilid ng labi nito at hindi na magawang makatayo ng diretso. Hawak ng dalawa ang magkabilang braso nito bilang suporta habang ang isa naman ay kumuha ng isang upuan at inihandang ihampas sa lalaking bugbog-sarado.
Nagsisigawan ang mga tao. Ang iba ay nagchi-cheer ng "ihampas mo na!" ngunit ang iba ay tumitili ng "huwag!"
Bago pa man maituloy ng lalaki ang paghampas sa kawawang lalaki ay agad pinigilan ni Clark ang lalaki at sinuntok sa mukha. Habang si Hunter ay inasikaso ang dalawang lalaki na may hawak sa lalaking halos wala nang malay.
Nanginginig na lumapit si Raven sa lalaking nakabulagta. Hindi dahil naaawa siya sa kawawang kalagayan nito, ngunit dahil sa pamilyar ito. Hinihiling niya na sana nga ay hindi ito ang matagal na nilang hinahanap ni Frigga.
Paglapit niya dito ay agad tumulo ang kanyang mga luha. Dahan-dahang bumukas ang mga mata ng lalaki at tiningnan siya. Isang munting ngiti ang dahan-dahang gumuhit sa duguang labi ng lalaki habang ibinubulong ang isang pangalan.
"Hel...-"
"Balder!" tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Raven.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasyThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.