"Magmula ngayon, nasa iyong mga kamay ang pinakamalakas na sandata sa siyam na mundo. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang kaligtasan ng buong Asgard," seryosong sambit ni Odin na diretso ang tingin kay Thor.
Napuno ng palakpakan at hiyawan ang bulwagan ng Asgard para sa bago nilang tagapagtanggol. Alam ng lahat na karapat-dapat si Thor na humawak sa Mjollnir, dahil siya ang pinakamalakas na diyos sa Asgard.
Pinagmasdan ni Thor ang hawak niyang ginintuang martilyo, ang Mjollnir.
"Mula ngayon, ipinapangako ko ang kaligtasan ng Asgard at ng lahat ng kapwa ko diyos," pangako niya sa harap ng mga kapwa niya diyos na sinagot lamang siya ng maingay na sigawan at hiyawan.
-*-*-
"Kung bibigyan mo ako ng ikalawang pagkakataon, Mjollnir," bulong ni Hunter habang nakatingin sa Mjollnir na nasa sahig.
Naramdaman niya ang pagvibrate ng Mjollnir na tila sumasagot sa kanyang bulong.
"H-Hindi ko ginagamit ang Mjollnir upang patunayan na ako ang pinakamalakas na Aesir. Kailangan ko ang Mjollnir upang mapanatili ang kaligtasan ng Asgard! Pakiusap, bumalik ka na sa akin...-" iniunat ni Hunter ang kanyang kanang braso na tila inaabot ang Mjollnir kahit malayo ito.
Naramdaman niya na mas lumalakas pa ang pagvibrate ng Mjollnir.
"-...MJOLLNIR!" sigaw ni Hunter kasabay ng mas malakas pang pagkulog at pagkidlat ay ang paglipad ng ginintuang martilyo sa kamay niya.
Itinigil ni Clark ang ginagawang pananakal kay Ashton sa pamamagitan ng kadena nang masaksihan ang pagbabalik ng Mjollnir sa mga kamay ng diyos ng kulog.
"HINDI!" sigaw ni Ashton.
Hinarap ni Hunter si Ashton na nanlulumo. "Ano'ng parusa ang masakit pero hindi nakakamatay?" tanong niya kay Clark ngunit na kay Ashton ang atensyon.
"Electrocution."
Itinaas ni Hunter ang Mjollnir upang tumawag ng kidlat. Tinamaan ng sunod-sunod na kidlat ang bubong ng lugar, ngunit ang punteriya lamang ay si Ashton.
Napasigaw si Ashton sa tindi at lakas ng boltahe ng kuryente na dumadaloy sa buong katawan niya.
"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang gusgusing batang lalaki na may dalang maruming backpack. Hinihingal pa ito at nakahawak sa kanyang mga tuhod.
Napatigil si Thor sa kanyang pagpaparusa kay Vidar nang maramdaman ang pagdating ng pamilyar na aura. Maging ang pagkulog at pagkidlat ay tumigil na.
Tiningnan nila mabuti ang bata. Sa tantiya nila ay nasa edad 6-7 lamang ito. Katamtaman ang pangangatawan, mataba ang mga pisngi, at madungis.
Natahimik silang dalawa habang nakatingin sa bata na may malaking mga mata na kulay abo.
"Mga anak ko!" masayang sigaw ng bata na nakabukas ang mga braso na tila gustong yumakap.
"T-Teka! Huwag mong sabihin na ikaw si...-" hindi makapaniwalang sigaw ni Hunter na nakaturo sa bata.
"Odin, hindi ka na nakikilala ng mga anak mo," natatawang sinabi ng boses na nagmumula sa backpack.
"O-Odin?" sigaw ni Freya na hindi rin makapaniwala.
"Tama! Ako nga thi Od...-"
Hindi na natapos ng bata ang kanyang nais abihin dahil bigla na lamang tumumba si Clark dahil sa pagod. May malay pa siya ngunit nakatulala at hirap na sa paghinga.
"-...in. Hay naku," napailing si Odin at lumapit kay Clark na halos maligo na sa sariling dugo. Gumamit siya ng salamangka upang pagalingin ang mga sugat nito. "Bali ang limang buto niya tha tadyang, bali win ang kanang bwaso niya at thugat tha tagiliwan. Kawawang bata. Medyo matatagalan paggaling niya."
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasyThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.