"Clark!" gulat na sambit ni Kaizer nang makita ang presidente ng student council na nakatayo habang nakasandal sa pintuan ng kanilang clubroom habang nakakrus ang mga braso sa kanyang dibdib.
"Yow!" kalmadong bati ni Clark na sumaludo pa kay Kaizer. Nakapaskil sa kanyang mukha ang isang ngisi na mapang-asar.
Nataranta ang mga estudyanteng nagsusugal na naging dahilan ng kaguluhan sa loob ng silid.
Isang estudyante ang tumulak kay Rosilie na naging dahilan ng muntikan niyang pagkatumba ngunit mabilis siyang sinalo ni Hunter bago pa man siya matumba.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Paano mo...-?"
"A little black bird told me," nakangising sagot ni Clark na dahilan upang makita ang kanyang kaliwang pangil, "and a little help from surveillance."
May mga estudyanteng sinubukang dumaan sa bintana ngunit may mga security guard at ilang faculty member ang nag-a-abang sa kanila sa labas.
"Trapped tayo!" sigaw ng isang estudyante.
Nagpalitan ng matatalim na pagtitig sa isa't-isa sina Clark at Kaizer.
Galit na lumapit si Leonard kay James at kinuwelyuhan ito. "Akala ko walang surveillance? Sinungaling!" halata ang galit at pagkainis sa kanya. Madiin ang pagkakahawak niya sa kwelyo ng polo ni James.
Nakangisi lamang ni James na mukhang natutuwa na asarin si Leonard.
"Tapusin na natin ito!" sigaw ni Kaizer na nawala ang pagiging kalmado at nagsimulang atakihin si Clark.
-*-*-
Isang maputlang kamay ang tumapik sa kanang balikat ni Rosilie. Isang babae na may mahabang buhok at pulang mga mata. Napatili pa nga si Rosilie dahil inakalang white lady ang babae.
Napa-atras ang babae sa lakas ng tili ni Rosilie. "Relax, tulad niyo, damay lang din ako."
Maingay ang paligid dahil sa mga hindi mapakaling mga estudyante.
Nagpatuloy ang hindi pagkakasunduan nila James at Leonard ngunit idinaan nila ito sa paraang hindi makakasakit. Bunong-braso.
Samantalang sina Clark at Kaizer ay idinaan sa literal na wrestling ang labanan.
-*-*-
Nagulat ang lahat nang marinig ang maingay na tunog ng isang bintanang nabasag at sa isang iglap nasa labas na sina Clark at Kaizer.
Nakahiga si Clark sa lupa habang si Kaizer ay nasa ibabaw niya at kinukwelyuhan siya. Ginamit niya ang kaliwang kamay upang itulak palayo ang mukha ni Kaizer mula sa kanya.
Mula sa faculty members, isang babae ang naglakas-loob upang lumapit at pigilan ng pagbubuno ng dalawang lalaki.
"Ahem!"
Napatigil sina Clark at Kaizer nang makita ang babaeng pumigil sa kanila.
"P-principal Frigga!" natatarantang sambit ni Clark na itinulak si Kaizer.
Sabay na tumayo ang dalawa at inayos ang mga sarili.
-*-*-
Nagpapalitan ng matatalas na tingin sina Clark at Kaizer habang nasa loob ng principal's office.
Kapwa masakit ang katawan at puno ng pasa. Katatapos lamang silang gamutin ng school nurse.
"So, would you mind explaining what happened a while ago?"
Naputol ang matalim na pagtititigan ng dalawa nang marinig ang tinig ng babaeng principal.
"This trickster built an illegal gambling club within our school. He uses the Art-Lovers Club as a cover," seryosong sambit ni Clark na hindi inaalis ang tingin kay Kaizer.
"Yeah, I admit," sagot ni Kaizer na itinaas ang dalawang kamay upang iparating na sumusuko na siya. "I'm guilty about that accusation but I did that to get Thor's attention with a little help from Freyr."
"As far as I know, Thor's arrival is just an accident. Stop making any nonsense reasons," sabat ni Clark na inirapan pa si Kaizer.
"Get Thor's attention? Why would you do that?" tanong ng principal kay Kaizer.
Ngumisi si Kaizer at tiningnan ang ekspresyon ng mukha ni Clark. Blangko. "Heimdall and I made a little bet a year ago. Remember when you asked for our help to look for our fellow Asgardians?"
"What's in the bet. Explain. Heimdall, Loki."
Alam nilang seryoso na ang usapan. Tinawag na sila ni Frigga sa mga tunay nilang pangalan.
"Frigga, we made a bet that whoever will find most of the Asgardians will win in the bet," paliwanag ni Clark.
"I don't know why we're speaking in English but right now, I realized that English sounds formal when used in debates."
Inirapan ito ni Clark at tumingin sa principal. "But Frigga, we have a slight problem. Thor can't remember anything."
Huminga ng malalim si Principal Frigga. "Kayo na ang bahala upang maibalik ang kanyang mga alaala."
"Gusto mo ulit makipusta?" panghahamon ni Kaizer.
Ngumisi si Clark at nakipagtitugan. "Nanalo ako sa unang pustahan, walang problema ang pangalawa."
"Madaya ka! Gumamit ka ng surveillance spell noon kaya madali mo natrace kung nasa'n ang iba!"
"Sige, this time, bawal gumamit ng spells o runes. We'll do it the simplest way we can!"
"Deal!"
"No!" pagpigil ni Frigga sa nabubuo na namang tensyon sa pagitan ng dalawa. "Heimdall and Loki, gusto kong magtulungan kayo upang maibalik ang mga alaala ni Thor."
"What?" sabay na reklamo nila Clark at Kaizer. Parehong salubong ang mga kilay at masama ang mga tingin kay Frigga.
"Bago ang lahat, magbitiw kayo ng kasunduan."
Sabay na nagtinginan ang dalawa. Nagtataka kung ano'ng kasunduan ang gagawin.
"Inialay ni Odin ang kanyang buhay sa puno ng Yggdrasil upang iligtas itong Midgard. Mangako kayo na hangga't nandito tayo ay walang magaganap na labanan na maaaring humantong sa kamatayan. Nangako ako na sabay-sabay tayong babalik sa Asgard."
Naiintindihan nila Clark at Kaizer ang nais iparating ni Frigga. Ayon sa propesiya, magwawakas ang kanilang mga buhay sa kamay ng isa't-isa. Hangga't maaari, kailangang iwasan ang seryosong pagtatalo sa pagitan nila.
Tiningnan ni Clark si Kaizer. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkadismaya ngunit kailangan niyang sumunod. "Ako si Heimdall, ang diyos ng liwanag, nangangako sa ngalan ng Asgard, at Bifröst na hindi magsasagawa ng kahit anong bagay na maaaring ikapahamak ng kapwa ko Asgardian."
"Ako, si Loki, ang diyos ng apoy. Nangangakong hindi gagawa ng gulo na maaring humantong sa paglalaban namin ni Heimdall, sa ngalan ng siyam na mundo."
Nakaramdam ang dalawa ng enerhiya na dumaloy sa kanilang mga katawan. Tanda na naisara na ang kanilang mga pangako.
"Let's get back to our main agenda," seryoso ang pagkakasabi ni Frigga na nagdulot ng kaba sa dalawa. Tumingin siya kay Clark na seryosong nakikinig. "Heimdall, or I should get used to call you Clark Sentinel. I won't punish you dahil alam ko na hindi ka naman kikilos nang walang dahilan. But next time, wag ka na ulit gagawa ng eskandalo. Get it?"
Tumango si Clark at hindi na sumagot.
Itinuon naman ni Frigga ang tingin kay Kaizer na nakasimangot dahil hindi mapaparusahan ang karibal. "Loki or should I say Kaizer Malfoy, you will perform public service for our school for one whole month."
Hindi mapigilang hindi ngumisi ni Clark. Nanalo siya.
Tinitigan siya ng masama ni Kaizer na naiinis sa kanyang pangil na nakalantad na tila nang-aasar.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasíaThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.