Tahimik na naghihintay sina Hunter, Rosilie at James sa student council office. Kasama nila ang babae na nakilala nilang si Raven.
Naghanda si Raven ng tsaa para sa kanila. Pampakalma raw pagkatapos ng naganap na kaguluhan.
Walang nagsasalita ngunit hindi ibig sabihin ay tahimik ang paligid dahil sa maingay na hilik ni James na kasalukuyang natutulog sa sofa.
Humigop si Rosilie sa hawak na tasa na may tsaa. "Ang tamis at ang bango, Miss Raven, ano'ng klaseng tsaa ito?" pagsisimula niya ng usapan.
Nginitian siya ni Raven. "Ginger-chamomile tea, paborito ni Clark."
Ngumiti rin si Rosilie at nakaramdam ng kaunting hiya nang maalalang napagkamalan niyang white lady si Raven. Maganda si Raven. Kakaiba nga lang ang kulay ng mga mata nito. Ngunit natural lamang iyon sa mga albino. Albino nga ba ito?
"Tsaa ang paborito niya?" pagtataka ni Hunter na inaamoy ang tsaa bago humigop. Aminado siya, masarap nga ito at mabango.
"Oo. Lactose intolerant kasi siya," tugon ni Raven.
Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok doon ang taong pinag-uusapan nila ng nakangisi. Isang ngisi ng tagumpay.
Magulo ang buhok ni Clark at tadtad ng bandaid ang mukha. Dumiretso siya sa kanyang swivel chair at inalis ang suot na blazer na parte ng uniform. Inilapag niya iyon sa lamesa.
Binigyan siya ni Raven ng isang tasa na may mainit na tsaa. "Thanks," nakangiti niyang pasasalamat. Napadako ang tingin niya kina Hunter at Rosilie na nakatingin din sa kanya at may mga hawak di na tasa na naglalaman ng tsaa. "Ano nga palang ginagawa niyo dito?"
Tinaasan siya ng kilay ni Hunter. "Sinabihan mo kami na maghintay dito."
Napakurap si Clark at ngumiti na parang batang inosente. "Oo nga pala, Mr. Brimstone, officially enrolled ka na. Kumuha ka nalang ng copy ng class schedule kay Miss Martinez."
Napangiti naman si Hunter. Mabuti na lamang at makakaligtas siya sa galit ng kanyang Auntie Cherry at sa bala ng riffle nito. Oo, may itinatagong riffle ang Auntie niya.
Niluwagan ni Clark ang suot na necktie bago uminom ng tsaa. Pagkatapos ay itinuon niya ang tingin kay Rosilie. "Miss Valdez, sa'yo pa rin ang scholarship mo, and yung request mo na Paranormal Mystery Solvers Club, binibigyan na ng approval ng principal. Ang magiging clubroom niyo ay yung Laufejarson's Lair. Enjoy!"
Nagningning ang mga mata ni Rosilie sa tuwa. "To-totoo po, Master Clark?"
Ngumisi si Clark at nangalumbaba. "Clark na lang. Kayo na ang bahala kung ano ang mga aayusin sa clubroom niyo. Sige na, makakaalis na kayo."
Tumayo sila at inilapag ang mga tasa na nangangalahati pa lamang ang laman sa tray na nasa center table.
"Thank you po!" masayang pasasalamat ni Rosilie na nagbow pa.
"Salamat," sambit din ni Hunter na tinanguan si Clark.
Tumango din naman si Clark pabalik.
Napatingin si Rosilie kay James na tulog parin. Gigisingin niya sana ngunit pinigilan siya ni Clark.
"Hayaan mo muna siya, may dapat kaming pag-usapan."
-*-*-
"Kasunduan?" pagtataka ni Raven. "Ano'ng kasunduan ang pinagawa sa inyo ni Frigga?"
"Walang maaaring mamatay o pumatay ng kapwa diyos o diyosa hangga't nandito tayo sa Midgard," paliwanag ni Clark na nakasubsob ang mukha sa lamesa at ginamit na unan ang mga braso. Sang-ayon naman siya sa kasunduan.
Iniangat ni Clark ang kanyang ulo na nakasubsob nang marinig ang paghikab ni James. Gising na ito sa wakas.
Nag-iinat si James nang batuhin siya ni Clark ng isang highlighter pen. Tinamaan siya sa noo. "Bakit?" iritadong tanong niya kay Clark na nakatitig sa kanya ng masama. Sino ba naman ang hindi maiinis kung pagkagising mo ay may magbabato ng kung ano sa ulo mo?
"Gumamit ng concealing spell si Loki para itago ang gambling room nila. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ni Clark. Walang emosyon ang mukha ngunit bahagyang bumaba ang boses niya. Indikasyon na seryoso siya.
"Binayaran niya ako ng doble sa singil ko," simpleng sagot ni James na hihikab-hikab pa. "Ikaw," lumaban ng titigan si James. Ang asul na mata nito laban sa gintong mata ni Clark, "paano mo nahanap ang lugar na ginamitan ng concealing spell?"
"Freyr," nanatiling seryoso ang mukha ni Clark ngunit bumalik na ang boses nito sa normal. "As I said back then," tiningnan niya si Raven na nakaupo sa isang monoblock chair sa tabi niya, "a little surveillance spell na naka-attached kay Thor. Kaya kahit ginamitan ng concealing spell ang lugar na 'yun, natrace ko," nakangisi niyang sambit. Tiningnan niya rin si Raven at binigyan niya ng matamis na ngiti. "And a little raven helped me."
Namula si Raven at iniwas ang tingin kay Clark.
Napangiti si Clark nang makita ang pamumula ng mukha ni Raven at pinisil ang kanang pisngi nito.
Biglang bumukas pabalibag ang pinto at pumasok si Kaizer na may hawak na mop at timba na wala pang tubig.
"Lumayo ka sa kanya!" sigaw ni Kaizer nang maabutan na pinipisil ni Clark ang pisngi ni Raven. Ibinato niya palayo ang timba at itinutok ang hawak na mop sa direksyon ni Clark na kasalukuyang nakangisi.
"Lumayo ka sa anak ko!" sigaw pa ni Kaizer. "Lumayo ka kay Hel! Ngayon din, Heimdall!"
Tumayo si Clark at niyaya si Raven na tumayo din.
Lalong namula si Raven nang makitang hawak ni Clark ang kaliwang kamay niya. Marahan siyang hinila nito palapit at inakbayan.
Humikab si James. Sawa na siya sa romance. Gusto niya ng mas intense. Nabitin siya sa naganap na gulo kanina.
"Force me to stay away from her," panghahamon ni Clark na dahilan ng pamumula din ng mukha ni Kaizer, dahil sa galit.
Nanlaki ang mga mata ni James sa excitement. Nawala ang nararamdaman niyang antok.
"Heimdall!" sinugod si Kaizer gamit ang mop ngunit nadapa ito. Subsob ang mukha sa sahig. Mabuti na lamang at may carpet na nakalatag kaya hindi masyadong matindi ang pagkabagok niya.
Napatawa ng malakas si James sa kapalpakan ni Kaizer. "Take two! Action!" sigaw niya na nagfeeling director.
"Heimdall!" sinugod muli ni Kaizer si Clark gamit ang mop ngunit mabilis kumilos si Clark, itinago niya si Raven sa likuran niya at kinuha ang pinakamalapit na bagay na una niyang nahawakan upang gamiting sandata. Isang monoblock chair.
Nasalag ni Clark ang atake gamit ang monoblock chair bilang pananggalang.
"Tama na!" saway ni Raven sa dalawa. "Hindi ba dapat nag-iisip nalang kayo ng plano para maibalik ang mga alaala ni Thor?" puno ng awtoridad ang boses ni Raven. Sa mga pagkakataong ganito , alam niya na siya lamang ang makakapigil sa dalawa. "Heimdall at Loki! Utang na loob, umayos nga kayo!"
Ibinaba ng dalawa ang mga hawak at humarap sa kanya.
"Hindi ko parin matanggap na pinagkanulo ako ng sarili kong anak," sambit ni Kaizer na nangungunsensya habang nakatingin kay Raven.
Mukhang epektibo ang mga sinabi ni Kaizer at nag-iba ang ekspresyon ng mga mata ni Raven. Lungkot. Naramdaman niya na lamang na may umakbay sa kanya. Amoy ng pamilyar na pabango. Amoy ng paboritong pabango na gamit ni Clark. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Nakakaramdam siya ng kaligtasan at kapayapaan sa tabi ng diyos ng liwanag.
"Tama si Hel, kailangan natin magseryoso. Hindi natin pwedeng atakihin ang isa't-isa sa tuwing magkikita tayo. Nangako tayo sa harap ni Frigga."
Tumango naman si Kaizer. Naiintindihan niya ang mga nangyayari. "Oo. Palagay ko kailangan na nga muna nating tigilan ang walang hanggang digmaan sa pagitan natin, Heimdall."
Ngumisi si Clark at inilahad ang kanang kamay kay Kaizer upang makipagkamay. Tinanggap naman iyon ni Kaizer.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasíaThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.