CHAPTER 16: 50 SHADES OF HEIMDALL

417 25 0
                                    

Nagising si Clark na nakakaramdam ng matinding sakit sa kanyang ulo. Lalo na sa itaas ng kanyang kanang noo. Kinapa niya iyon at nalamang may nakabalot pala na benda doon.

"Good morning," malamig na bati ni James na hindi niya alam na nasa gilid lamang ng kanyang kama at nakatayo habang nakapamulsa sa suot nitong jeans.

"A-ano'ng...-?"

"Nangyari?" pagtutuloy ni James. "Nawawala ka kagabi kaya pinahanap ka ni Frigga. Tumawag si Raven na nakakita sa'yo na wala kang malay at may sugat sa ulo."

"Wala akong...-"

"Naaalala?" pagtutuloy muli ni James. "Theory ni Kaizer, nagsleepwalk ka. Nagsleepwalk ng naka-OOTD pero naiwan dito ang wallet at phone mo."

"Bakit hindi...-"

"Bakit hindi mo alam ang mga nangyayari?" pagtutuloy niya muli sa pangungusap ni Clark. "Hindi rin namin alam, pero may theory ako. Under control ka."

"Hindi 'yun ang gusto kong sabihin!" inis ngunit mahinang sambit ni Clark dahil wala siya sa kondisyon upang makipagtalo. "Bakit hindi mo 'ko pinapatapos magsalita?"

Hindi na sumagot si James upang mabigyan naman ng pagkakataon na magsalita si Clark, ngunit wala na itong sinabi. Kaya pagkakataon niya na muli na magsalita, lalo pa't marami siyang gustong maipaliwanag.

"Let me tell you a secret," panimula ni James bago marating ang tunay na pakay ng kanilang usapan. "Si Raven ang pumukpok sa'yo."

Marahang bumangon si Clark at sumandal sa headboard ng kanyang kama. Kumikirot ang ulo niya sa kada galaw niya ngunit binalewala niya iyon dahil gusto niyang maintindihan ang ibig sabihin ni James. "Bakit niya gagawin 'yun?"

"Kasi kagabi nang makita ka niya, hindi ka nagpakilala bilang si Heimdall o Clark. Sinabi mo sa kanya na ikaw si Rig," paliwanag ni James. "Sa ngayon, ako palang ang pinagsasabihan niya. So please be honest, kilala mo ba si Rig?" prangkahan niyang tanong.

"I do not know him. But his name rings a bell," wala sa sariling paglalahad ni Clark. "Marami akong naririnig na balita na isa siyang Vanir na gumagala sa Midgard, pero buong buhay ko na nanonood ako sa siyam na mundo, hindi ko pa siya nakikita."

"Hindi mo talaga makikita ang nilalang na nagtatago sa loob mo," sabat ng isang malamig na boses ng isang babae.

Kapwa nagulat sina Clark at James sa biglaang pagdating ni Raven na hindi man lamang nila napansin.

"Sa'n ka galing?!" tanong ni James na nakasandal sa pader.

Itinuro ni Raven ang bukas na bintana at nginitian ng matamis ang dalawa.

Inalalayan ni Raven si Clark na humiga. "Magpahinga ka muna. Sorry ulit," nakangiting paghingi niya ng tawad kay Clark na pinukpok niya. Hinawakan niya ang parte ng benda nito na may bahid ng dugo at may ibinulong na spell.

-*-*-

Nagtipon-tipon sina Frigga, Christian, Hunter, Kaizer at James sa silid ni Clark habang natutulog ito upang pakinggan ang sinasabing hypothesis ni Raven kung sino ba talaga si Rig.

"Sa mga Midgardians, tinatawag nila iyang Dissociative Identity Disorder, o Multiple Personality Disorder. Isang dissociative disorder kung saan sa isang katawan ng tao ay may dalawa o higit pang katauhan," paliwanag ni Raven na isang psychology student.

"So...-" pagtataka ni Hunter na hindi maintindihan ang nais iparating ni Raven.

"So, I therefore conclude that Heimdall and Rig are two separate person that are living in only one physical body. Tuwing tulog ang isa ay lalabas naman ang isa," pagtutuloy ni Raven sa sinasabi ni Hunter.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon