CHAPTER 12: THE SUPERSTARS

437 27 0
                                    

Nagsisigawan ang mga estudyanteng hindi makapaghintay sa pagsisimula ng Money in the Bank. Mas tumitindi ang kanilang sigawan nang magbukas ang mga spotlight sa covered court ng McClendon Academy at tumutok ang mga ito sa isang briefcase na nakasabit sa gitna na arena. Sa gilid naman ng mga arena, nakakalat mga metal na hagdanan upang magamit ng mga kalahok upang maakyat ang briefcase.

Tumugtog ang isang madramang musika na walang liriko. Kasunod noon ay ang boses ni Kaizer na tila voiceover sa isang drama na dahilan ng pagtahimik ng mga tao. Ito ang indikasyon na simula na ng palabas.

"Have you ever asked yourself, 'what could I wish to have my dreams come true? My health? My livelihood? My entire future?'

Today, for these superstars, the opportunity of a lifetime is within their reach. It will evade them, it will entice them and it will slip out of their grasp.

When the carnage has ended, one superstar will have risen high above the rest. His championship dream seized, his career redefined as MONEY IN THE BANK!!!"

Lalong lumakas ang sigawan at tilian ng mga tao. Nagbukas ang mga ilaw at nagsimula nang magsimula ang tatlong host na nasa gilid ng arena.

"Isang madramang panimula iyon!" sigaw ni Christian na isa sa mga host.

"Actually speech talaga 'yun sa WWE. The only way to win is to climb the ladder, take possession of the Money in the Bank briefcase, inside is a guaranteed prize money worth twenty-five thousand pesos," sambit naman ni Clark na isa din sa mga host.

"Pero ano pa ba ang hinihintay natin? Simulan na natin!" sigaw ni Kaizer na isa ring host.

Sumang-ayon ang mga tao sa pamamagitan ng pagsigaw.

Biglang tumugtog ang isang rock song kasabay ng pagputok ng mga artificial fireworks.

'I'm a goofy goober, rock!
We are goofy goobers, rock!
Goofy-goofy-goofy goobers, rock!'

"From the College of Information Technology! weighing 350 pounds! Dash Harper aka Wolf!" pagpapakilala ni Kaizer sa unang kalahok.

Nagtilian ang mga tao nang lumabas si Dash na nakabrief at boots lamang. Bakas sa kanya ang confidence.

"Kinanta 'yun ni Spongebob sa first Spongbob Squarepants movie!" masayang sigaw ni Christian. Sa unang pagkakataon ay may alam siyang bagay sa wrestling.

"Oh well, just another trivia," sabat ni Kaizer. "I persuaded Dash to join this match. Sayang ang laki ng katawan kung 'di magagamit."

'So scream if you wanna, shout if you need
Just let it go (take it out on me)
Fight if you need to, smash if it helps you
Get control (take it out on me)
So scream if you wanna, shout if you need
Just let it go (take it out on me)
Fight if you need to, smash if it helps you
Get control'

Sa sunod na tugtog ay walang lumabas na kalahok. Nagsigawan ang mga tao at tinawag na duwag ang may-ari ng theme song na iyon.

Tininingnan ni Clark ang folder na hawak niya kung nasaan nakasulat ang mga records ng mga kalahok. "That song is Take it out on Me, chosen by...James Ahlstrom!"

"James?!" sabay na sigaw nila Christian at Kaizer dahil sa gulat at pagtataka.

Maging si Ellery na kumakain ng fish cracker sa isang sulok at wala naman talagang interes sa wrestling ay agad napatayo nang marinig ang pangalan ni James.

Namatay ang lahat ng ilaw maliban sa isa sa mga spotlight na unti-unting umusog sa isa sa mga pinto ng gym. Mula doon, ay nakatayo si James na nakasuot ng kasuwal na damit. Simpleng polo na may itim na sando sa loob at maong na pantalon.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon