Ilang araw nang nawawala si Freya. Nag-aalala ang lahat para sa kanya, lalo na ang kanyang kapatid na si Freyr.
Sa paghahanap ay naisipan ni Freyr na humingi ng tulong kay Odin, ang pinakamataas na diyos ng Asgard. Ngunit pagpunta niya sa trono nito na tinatawag na Hlidskialf ay wala ang kanyang pakay. Tanging ang dalawang lobong tagapagbantay ni Odin ang naroroon.
Dahil masama ang pagtitig ng dalawang lobo sa kanya ay kinausap niya ang mga ito gamit ang isang lengguwahe na tanging mga diyos lamang ang nakakaintindi.
"Watashi wa ditechi pera junapin ang aketching sisteraka," sambit ni Freyr na nangangahulugang 'nandito ako upang hanapin ang aking kapatid.'
Tumabi naman ang mga lobo upang bigyan siya ng daan.
Umupo si Freyr sa trono ni Odin. Malambot ang trono at natuwa pa siya na naglulundag doon na tila isang bata. Dahil doon ay bahagya niyang nalinutan ang pag-aalala kay Freya. Ngunit ang mas naka-agaw sa kanyang atensyon ay ang kakayahan ng trono na kanyang inuupuan. Mula doon ay natatanaw niya ang lahat ng mundo. Napatigil siya sa paglundag at itinuon ang kanyang atensyon sa paghahanap kay Freya. Ngunit imbes na si Freya ang kanyang makita, isang babaeng Jotun na nag-iigib sa isang ilog ang kanyang nakita.
Hindi niya maiwasang hindi titigan ang babae dahil sa taglay nitong kagandahan.
-*-*-
"Gusto ko malaman kung sino siya! Sino siya!" pagwawala ni Freyr na tila isang bata.
"Anak, utang na loob, kumalma ka lamang," pakiusap ni Njord sa kanyang anak na nagdadabog sa kama.
"Master," sabat ng isa sa kanilang alagad na nagngangalang Skirnir. "Ang inyo po 'atang tinutukoy ay si Gerda na anak ni Gymir na isang Jotun."
Agad nagsalubong ang mga kilay ni Njord nang malamang isang Jotun ang iniibig ng kanyang anak. Ang mga Jotun o mga higante pa naman ay ang mga mortal na kalaban nilang mga diyos. "Freyr, sa dinami-rami ng ibang babae sa siyam na mundo, bakit sa isang Jotun ka pa umibig?"
"Mahal ko siya! Kung hindi ko siya mapapakasalan, hindi ako hihinga! Bahala kayo!" Sineryoso nga niya ang kanyang banta at hindi huminga.
"Oo na, oo na! Sige na, papupuntahin natin si Skirnir sa Jotunheim upang kausapin si Gerda na magpakasal sa iyo."
Ngumiti si Freyr na huminga na sa wakas. "T-talaga po!" Humiga siya sa kanyang malabot na higaan at nagpagulong-gulong sa malambot na kutson ng higaan. "Hindi na ako makapaghintay."
"Skirnir! Puntahan mo na ang Gerda na iyon!" nag-aalalang sigaw ni Njord sa kanilang alagad.
"S-sige po! Pero alam niyo naman po siguro na delikado sa Jotunheim, at isa lamang akong hamak na alagad ng mga Vanir at hindi isang mandirigma...-"
"Ano pa ba ang kailangan mo?!"
"S-sandata po?"
"Maraming tayong sandata! Kumuha ka nalang doon sa lalagyanan!"
Sa kabila ng mga sigawan at sagutan ni Skirnir at Njord ay nanatiling walang pakialam si Freyr na paikot-ikot parin sa higaan na daig pa ang nasisiraan ng bait.
"Ang Sumerbrandr!" sambit ni Skirnir.
"Sumerbrandr?" pagkaklaro ni Freyr sa kanyang narinig. "Tinutukoy mo ba ang aking espada, ha Skirnir?"
Napalunok si Skirnir bago mabagal na tumango. "K-kung papahintulutan ninyo, Master Freyr ay hihiramin ko na din ang inyong kabayo."
"Aba'y sumosobra ka na, Skirnir," saway ni Njord sa alagad.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasíaThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.