Matapos ang ilang araw ay bumalik din ang lahat sa normal.
"Sa wakas, tapos na!" masayang sambit ni Rosilie nang matapos ang mga disenyo sa loob ng kanilang clubroom.
"Yung pinto nalang ang problema," komento ni Hunter na nakaupo sa isang monoblock chair sa tabi ng basag na bintana habang pinupunasan ang kanyang espadang kahoy. "Ang pangit talaga ng kulay."
"Gusto niyong papinturahan na?"
Napadako ang kanilang mga atensyon sa taong nakatayo sa tabi ng pintuan. Nakangiti ito sa kanila.
"P-president!"
"Yow, Superman!" bati ni Hunter na nagawa pang kawayan si Clark. "Nakalabas ka na pala sa hospital."
Kumaway pabalik si Clark. Maayos na ang itsura nito. Wala na ang benda na nakabalot sa ulo nito.
Nagtaka naman si Rosilie sa kinikilos ng dalawa. Noong isang araw lamang ay mainit ang dugo ni Hunter kay Clark, ngunit ngayon naman ay mukhang itong mga magkaibigan na matagal nang magkakilala. Siguro nga ganoon lamang talaga ang mga lalaki.
Pumasok si Clark sa clubroom at pinagmasdan ang basag na bintana na nabasag nila ni Kaizer nang nakaraang linggo. "Kailangan na din ipaayos ito."
"Wa-wala pa po kaming budget," sabi ni Rosilie na medyo nahihiya pa kay Clark.
"Saglit." Kinuha ni Clark mula sa bulsa ng kanyang itim na hooded jacket ang kanyang iPhone at may idinial. Iniloudspeaker niya ang isinasagawang tawag. "Hoy, Laufejarson!"
'Ano?' reklamo ng kausap.
"Si Loki? I mean, Kaizer?" nagtatakang tanong ni Hunter.
Natatawang tumango si Clark kay Hunter. "Punishment niya 'to, kaya dapat sulitin."
"Pilyo ka din pala," nakangising komento ni Hunter.
'Hoy! Dally!'
"Pwede bang pumunta ka dito sa former Laufejarson's Lair. Oh, and bring some acrylic paints and brushes. May ipapagawa kami, kailangan namin ng artist."
'Artist? Ha! Ngayon mo lang ba natanggap na mas artistic ako kaysa sa iyo?'
"Yeah, fine, whatever!" di na naghintay si Clark ng mga sasabihin ni Kaizer. Agad niyang tinapos ang tawag at ibinalik ang iPhone sa kanyang bulsa.
"Binigyan ng punishment si Kaizer. Pwede natin siya utusan anytime," paliwanag ni Clark na may masamang ngiti.
Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay ay dumating si Kaizer na may bitbit na mga pintura habang nakangiti pa. Magaling na rin ang nabali nitong braso matapos mahulog sa puno ng acacia.
Ngumisi si Clark. Lantad ang matutulis nitong mga pangil. "Sige, magsimula ka nang magpintura ng pinto," utos ni Clark.
"Ano?" reklamo ni Kaizer na nawala ang malaking ngiti. "Akala ko ba trabaho ng artist ang ipagagawa niyo sa akin?"
-*-*-
Nagmemerienda sina Hunter, Rosilie at Clark habang nagtatawanan. Samantalang si Kaizer ay nagmamaktol dahil hindi man lamang siya niyayang kumain. Natatakam pa naman siya sa pizza na kinakain nila.
"Saan mo nakuha 'yang wooden sword?" tanong ni Rosilie kay Hunter.
"Regalo ng long-lost friends ko," sagot ni Hunter at tumingin kay Clark.
"Siguro dahil trouble-maker daw siya kaya kailangan niya ng something na panself-defense," kibit-balikat na sagot ni Clark.
"Ay, may kwento pala ako," sambit ni Rosilie na nakangiti.
"Ano?" tanong ni Hunter.
"May admirer ako kaso hindi ko nakilala," kwento ni Rosilie habang kumukuha ng isang slice sa binili nilang pizza. Batid ang panghihinayang sa kanyang tinig. "Dapat kasi magkikita kami sa Sandstone Park kaso pinigilan ako ni James at nagkaro'n ng thunderstorm sa buong city."
"Ano'ng ginawa ni James para mapasunod ka na huwag pumunta?" tanong ulit ni Hunter na nag-aalala ngunit pinipilit niyang huwag ipahalata.
"Kami nalang daw ang magdate. Nilibre niya lang naman ako ng fishball sa kanto tapos pinauwi na 'ko at may bagyo raw! Wala pa siyang sinabing mga pick-up line. Hindi naman date yun!" naiinis na sinabi ni Rosilie.
Nagkatinginan naman sina Clark at Hunter sa sinabi niya at sabay silang ngumisi.
"Hehe, hayaan mo na yun," sambit ni Hunter na hindi alam ang dapat sabihin.
"Oo, tama siya. Marami pang iba diyan," dagdag ni Clark.
Ngumuso si Rosilie at nagcross-arms. "Iyon ang first time ko makatanggap ng gifts. First time ko magkaro'n ng admirer," malungkot niyang sambit.
"Talaga? Nagdududa ako," sabat ni Kaizer sa usapan nila. Itinigil niya ang pagpipintura at lumapit kay Rosilie.
"Walang breaktime sa punishment, rapscallion," saway ni Clark kay Kaizer nang itigil nito ang ginagawang trabaho.
"Lupet nito!" komento ni Kaizer na may kasamang irap kay Clark. Sinadya niyang idako ang kanyang atensyon sa nag-iisang piraso ng pizza.
Nakita ni Kaizer ang pag-angat ng kanang kamay ni Hunter palapit sa pizza. Mabilis niyang pinalo ang kamay nito upang hindi nito makuha ang pizza. Mabilis niya iyong kinuha upang hindi na magalaw ng iba.
"Bakit? Nagcontribute kami diyan, wala kang parte diyan!" reklamo ni Hunter nang kunin ni Kaizer ang huling piraso ng pizza.
"Gutom na ako! Lagi nalang bang sa'yo ang mga pagkain! Kain ka ng kain, wala namang napupunta sa utak mo!" pang-iinsulto ni Kaizer kay Hunter habang nginunguya ang niya ang kinuhang piraso ng pizza. May mga butil pa nga na tumatalsik mula sa bibig niya.
Napangiwi si Rosilie at Clark nang makita ang mga tumatalsik na piraso ng pagkain mula sa bibig ni Kaizer.
"Rapscallion na nga, gross pa," pikit-matang sambit ni Clark.
"Ano yung rapscallion?" inosenteng tanong ni Hunter habang inaangat ang kanyang kahoy na espada upang ipansindak kay Kaizer.
"Mischievous, trickster, evil, odious, kahit ano for short, Kaizer."
Napa-atras ng bahagya si Kaizer at inubos ng mabilis ang kinakain bago tumakbo pabalik sa pinipinturahang pinto.
Habang nagpipintura si Kaizer sa likuran ng pinto ay bigla itong bumukas kaya nauntog dito ang kanyang mukha. Sariwa pa ang pintura sa pintuan kaya nakulayan din ng asul ang kanyang mukha, at bumakat ang kanyang mukha sa pinto.
Isang pamilyar na babae ang pumasok sa kanilang clubroom. Mahaba ang maalong buhok nito na kulay abo at pula ang mga mata.
"Paranormal Mystery Solvers Club?" tanong nito.
"Raven?" pagtataka ni Clark nang makita ang babae.
"Miss Raven? Ano po'ng kailangan niyo?" magalang na tanong ni Rosilie.
Namutla si Raven nang makita si Clark na nagtataka rin sa biglaang pagdating niya. "W -wala. Hindi bale nalang pala," mabilis niyang sagot na nagmamadaling lumabas.
"Raven, umupo ka," utos ni Clark.
Walang nagawa si Raven kundi sumunod kahit kinakabahan.
"Ano 'ng problema?" tanong ni Clark.
"Paranomal problems lang ba ang sinosolve niyo? Kasi may idudulog sana akong problema kaso hindi siya paranormal."
"Tutulong parin kami!" sabat ni Hunter.
Tumango naman si Rosilie bilang pagsang-ayon. "Ano po ba 'yun, Miss Raven?"
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasyThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.