"Nagkapalit kayo ng katawan?" taas-kilay na tanong ni Freya kina Clark na kasalukuyang abala sa pagbabasa ng mga manga, at kay Kaizer na abala naman sa pagpapak ng mga sugar cubes na nasa isang garapon.
Kasalukuyan silang nasa opisina ni Freya sa Black Magic Shop upang makapag-usap tungkol sa kanilang problema. Sina Clark at Kaizer ay nasa dalawang upuan sa tapat ng mesa ni Freya at ang iba naman ay nasa sofa na nasa gilid ng silid.
Isinara ni Clark ang binabasang manga at tiningnan si Freya. "Oo, kailangan namin ng tulong mo. Gusto na namin bumalik sa tunay naming buhay."
Ngumiti si Freya sa kanila. Maganda parin talaga ito kahit ng tumaba. "Walang problema. Pero magkano ang kaya ninyong ibigay para sa serbisyo ko? Alam niyo naman, dito sa Midgard, pera ang pinakamahalaga."
Napataas ang isang kilay ni Kaizer. "Kambal nga sila ni James," sambit niya. "Mga mukhang pera."
Inirapan siya ni Freya at hindi na pinansin. Hanggang ngayon, hindi parin nawawala ang galit niya kay Loki na nagnakaw ng pinakamamahal niyang kwintas.
"Name your price," malamig na sambit ni Clark.
"13k."
"Deal!" sabay na sambit nina Clark at Kaizer. "Ibibigay ko lahat ng laman ng wallet namin."
Umiling si Kaizer. "Lahat ng laman ng wallet mo lang, iwan mo 'yung singkwenta sa wallet ko para may pamasahe ako pauwi."
"Freya," tawag ni James sa kakambal. "Dito ba binili ng isang lalaking nagngangalang Josh Marty ang isang kapa na may kakayahang gawing invicible ang nagsusuot?" tanong niya.
Saglit na napa-isip si Freya. "Hmmm...walang Josh Marty ang pumupunta dito, pero may lalaking bumili dito ng cape of invicibility. Ang pangalan daw niya ay Arnold Statham."
"Di ba mga action stars 'yun?" taas-kilay na tanong ni Hunter sa kanila.
"Sino dun?" tanong naman ni Christian na yakap-yakap ang natutulog na guinea pig. "Si Arnold o si Statham?"
"Both," malamig na tugon ni James. Palibhasa ay alam niyang walang hilig si Christian sa action movies kaya hindi ito pamilyar sa mga kilalang action stars. Ngunit kung Pokémon ang pag-uusapan ay makikilala nito ang lahat ng characters.
Napadako ang mga mata ni Freya kay Raven na tahimik na nakaupo sa kaliwang gilid ng sofa. "Ikaw?" turo niya kay Raven. "Ikaw si Hel hindi ba?"
Hindi na nagsalita pa si Raven. Idinaan niya na lamang ang pagtugon sa pagtungo ng marahan. Ganoon siya kapag hindi komportable sa kausap.
"Akala ko nung una, isa ka sa mga Valkyrie ko. Buti nalang may hawak kang karit nang makita kita. Dahil 'dun nalaman kong ikaw si Hel. Na'san na kaya ang mga Valkyrie ko?"
"Magkano down-payment?" pag-iiba ni Clark sa usapan.
Nginitian siya ni Freya. "Seven or eight thousand. Your choice."
"Nine thousand, pero pwede i-perform mo na ang operation? Ayoko na magstay sa apartment ni Kaizer kasama 'yung mga bwisit niyang housemates," reklamo ni Clark na nasa isip ang mga gabing hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong hilik at kalokohan nila Leonard at Dash.
"Hoy! Mga anak ko ang iniinsulto mo at tinawag mong bwisit," reklamo naman ni Kaizer kay Clark.
"Okay," tumayo si Freya at tiningnan ang dalawa. "We'll start the operation right away. Take off your clothes."
"W-what?!" sabay na tanong nila Clark at Kaizer. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat at pagtataka.
"Do we really need to take off our clothes?!" tanong ni Clark.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasyThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.