Principal's office...
"Sinira mo ang usapan!" gigil na sambit ni Kaizer habang dinuduro si Clark na nakaupo sa sofa kaharap niya. Hindi kalayuan sa kanila ay si Frigga na nakaupo sa isang pa pang sofa. "Akala ko ba, may usapan tayo na walang basta-basta aatake sa isa't-isa. Na iiwas tayo sa gulo?!"
Nasa loob din ng silid si James na witness sa naganap na biglaang pag-atake ng inaakala ng lahat na si Loki. Nakaupo siya sa ibabaw ng lamesa ni Frigga habang si Gullinbursti ay natutulog sa kanyang kandungan. Napahikab na lamang siya habang pinapanood ang panenermon ni Frigga sa dalawa.
Nanatiling tahimik si Clark ngunit hindi inaalis ang matatalas na titig kay Kaizer.
Napatunayan ni Kaizer na hindi kailangan ni Clark ng nakakatakot na kulay ng mga mata upang tumitig ng masama. Natural na talaga ang nakakatakot nitong pagtitig. Kaya nakipagtitigan din siya ng matalim dito. Sana ay lamang siya sa titigan dahil nasa kanya ang mga nakakatakot na mata na maihahalintulad sa isang lobong hayok na makahuli ng biktima.
"Enough!" pag-awat ni Frigga sa pagtititigan ng dalawa. "Ano ba ang problema ninyong dalawa?"
Napayuko na lamang si Clark at niluwagan ang suot na necktie at itinaas ang mga manggas ng suot na blazer hanggang sa umabot ito sa kanyang siko.
Bahagyang naningkit ang mga mata ni James nang masaksihan ang ginagawa ni Kaizer. Sa tabi niya ay nakatayo habang tahimik na nagmamasid din si Maple, ang guidance counselor, o ang diyosa ng kasalukuyan na si Urda.
"Sorry...I was just...stressed this past few days," paghingi ni Clark ng tawad kay Frigga.
"Kaya ang pambubugbog sa akin ang ginawa mong stress-reliever?" nakahalukipkip na reklamo ni Kaizer na nakanguso pa.
"Freyr, napapansin mo ba?" bulong ni Maple kay James.
Ngayon, napagtanto na ni James na may mali nga talaga sa dalawang ito. Ayaw ni Loki na nagugulo ang kanyang suot, bakit niya guguluhin ang ayos ng suot na necktie at itataas ang suot na manggas? At hindi ugali magpabebe sa kilos si Heimdall at isa siyang seryosong nilalang, bakit siya...sila nagkakaganito ngayon?
"Oo. May hindi talaga tama," tugon ni James.
Napahawak sa baba si Maple. Mukhang may iniisip na konklusyon. Hindi lamang sigurado, dahil alam ng lahat na may pagkamali-mali siya. "Palagay mo...lasing si Heimdall? Alam mo naman ang mga nangyayari noon tuwing nalalasing siya."
"Hindi," pailing-iling na tugon muli ni James. "Dahil kung lasing man siya, malamang hindi niya alam na gumagawa na siya ng mga wild na bagay."
-*-*-
Paglabas nila sa opisina ni Frigga ay agad hinabol ni James at Maple ang dalawa.
Agad niyang tinapik ni James ang balikat ni Kaizer ngunit laking gulat niya nang gamitan siya nito ng isang judo-flip.
Bumagsak siya sa sahig at namilipit habang si Gullinbursti ay napatalsik sa isang trashbin. Ngunit mas nangibabaw sa kanya ang pagtataka nang masaksihan ang ginawa ni Kaizer. Alam niyang hindi isa sa mga mandirigmang diyos si Loki kaya hindi niya basta-basta magagawa ang bagay na iyon.
"Hahaha!!! Lampa ka Freyr!" sambit ni Clark na humahagalpak sa katatawa. Namumula na ang kanyang buong mukha dahil sa kakulangan ng hangin.
"Sorry," paumanhin ni Kaizer na inalalayang makatayo si James. "Nabigla ako."
Itinuro ni Maple ang dalawa. "Alam ko, may hindi tama sa ikinikilos ninyong dalawa. Umamin na kayo."
Nagtinginan sina Clark at Kaizer na tila nag-uusap sa isipan. Nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)
FantasíaThe sun turns black, earth sinks in the sea, The hot stars fall from the sky, And fire leaps high about heaven itself, -a prophecy in the ELDER EDDA Credits to silenthein for the wonderful cover.