Prologue

567 6 5
                                    

Prologue

“Let our hearts beat as one as the music is playing. Dance with me, let’s dance forever. Dive into the rhythm you hear. Let us fall in love and dance through its unending melody…”

Sa isang park ng ibang bayan, naglalakad ang magkakatropang sina Joseph, Theodore, Sioty, Samuel at ang nauuna sa paglalakad na si Cedric na halatang naiirita sa mga babae na nalapit sakanya at nagpapapansin samantalang ang mga kasama niya ay nasisiyahan sa pag-eentertain ng mga ito.

“Oy Ced! Bat ang supla-suplado mo? Ang dami-daming chika-babes o!” Masayang sabi ng chinitong si Sioty. Hindi nalang ito pinansin ni Cedric dahil natural nanaman talagang mahilig sa babae ang mga kabarkada niya. Sa totoo nyan e magaganda nga naman ang lumalapit sakanila pero ayaw niya sa mga babaeng makulit at papansin. Sa pagkaka-obserba niya kasi ay halos lahat ng babae ay ganun…

Napadpad ang tropa nila sa parke dahil naisipan nilang magfood trip doon dahil alam nilang mura at masasarap ang pagkain sa mga stall dun nang bigla silang makakinig ng malakas na tugtog at palakpakan ng mga tao…

“Dre! Tara dun o, mukhang may katuwaan.” Akit ni Theo sa kanyang mga kaibigan. Agad namang pumunta ang lima sa pinanggagalingan ng mga cheer at tugtog.

Sumingit sila sa mga nakapalibot na tao na makitang may isang grupo na sumasayaw..

Strum me like a guitar,

Blow up my amplifier

When you hear some feedback,

Keep going take it higher

Nakisali sa hiyawan ang apat dahil magagaling nga naman ang nagpeperform sa harapan nila maliban kay Cedric na natulala sa nakikita niya.

Crank it up, give it to me c’mon

Crank it up, give it to me c’mon

I’m gonna feedback, feedback, oh!

Feedback, feedback, oh!

Nakita niya ang isang babae na puro lalaki ang kasama sa pagsasayaw. Na-amaze siya sa nakikita niya kasi ang galing galing nitong sumayaw. Kitang kita mo na mahal na mahal niya ang ginagawa niya at sa sobrang galing nito ay talagang stand out siya sa mga sumasayaw at nagmimistulang back-up dancer niya lang ang mga kasamang lalaki.

Strum me like a guitar,

Blow out my amplifier

When you hear some feedback,

Keep going take it higher

Ang ganda niya, ang galing. Bawat galaw niya bumibilis ang tibok ng puso ni Cedric. Halos wala siyang nakikinig na hiyawan kundi ang tugtog at wala siyang ibang nakikita kundi ang babaeng yun, pawisan man siya e kita mo parin ang kagandahang taglay niya…

Crank it up, give it to me c’mon

Crank it up, give it to me c’mon

I’m gonna feedback, feedback, oh!

Feedback, feedback, oh!

Feed-feed back, back

Feed-feed back, back, oh!

Back, back, back, feedback, feedback, feedback

At doon natapos ang pagperform ng grupo at nag-bow na silang lahat. Matapos nito ay nag-alisan na sila pati na rin ang mga tao, pero naiwan doong tulala ni Cedric ng biglang…

*PAK*

“Aray ko!” Masungit na sinigaw ni Cedric habang nakahawak sa likod ng ulo niya at naka-kunot ang noo. “Kailangan ba talaga mambabatok?”

“Pano naman kase e wala na ngang tao jan, tulala ka parin!” Katwiran sakanya ni Sam habang ang tatlo pa nilang kasama ay natatawa nalang. “Don’t tell me na-love at first sight ka dun sa babaeng nasayaw kanina?” Dagdag pa nito ng may halong pang-aasar.

“A-ano bang sinasabi mo jan?! Hindi no! Naboringan lang ako!” Depensa naman ni Cedric na halata mo’ng in denial. “Tara na nga!”

“Sus. Kung naboringan ka edi dapat kanina ka pa umalis. Don’t tell me natutulog ka jan ng mulat? Hahaha!” At sabay sabay lahat silang nagtawanan habang naglalakad pabalik sa mga stall para ituloy ang food trip nila.

“Mga baliw kayo…” Wala nang nasabing iba si Cedric. Pero sa loob looban niya ay nakaramdam talaga siya ng kakaiba para sa nakita niyang babae kanina. Sa katunayan ay dancer din si Cedric at madami nang napanuod na performance pero kakaiba talaga yung sa kanina… He felt his heart dance to the beat of that girl earlier…

----

Hello! Ayun. Baguhan lang ako dito sa Wattpad.. Kaya pagbigyan niyo na ako. Try reading this story, try ko ding hindi kayo i-disappoint :) Give e a chance to prove myself. Thanks! Comment kayo or kahit na ano kung ano opinions niyo.. 

- lalalarizaa :)

Dance to the beat of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon