Chapter 1 - First Impression? Fail.

248 5 1
                                    

Chapter 1

After 2 years…

<Ryza’s POV>

“O anak, ingat ka sa pagpasok ha? Be nice and befriend anyone. Hwag kang mahihiya sa mga kaklase mo at mag-aral kang mabuti...”

Ito ang bilin sa akin ni mama ng itigil niya ang kotse sa isang school na hindi pa saakin pamilyar kasi bago lang ako dito. “Opo ma, ingat din po kayo.” Sabay kiss sa pisngi niya at tuluyan na akong bumaba. Nakakaramdam na ako ng sobrang kaba habang papalapit ng papalapit ako sa main gates ng school. So far, so good. Wala pa namang nangyayaring masama sa akin.

Dumeretso muna ako sa principal’s office kasi hindi ko alam kung saaan ako pupunta. Nakakaasar nga e, fourth year na nga ako ililipat pa ako ni mama. Naglipat na rin kasi kami ng bahay simula ng mawala si papa. Haay, ang lungkot ko na naman tuloy L

Kumatok ako ng dalawang beses bago ako pumasok sa office ng kusang bumukas ang pinto at may lumabas na lalaki…

BOOM!

“Aray!” Napa-step back ako nang mauntog ako sa may chest nung lalaking lumabas. Napasigaw nalang ako dahil nabigla ako at ang sakit ng pagkakauntog ko.

“Don’t block the way. Tss!” Pagsususngit na sinabi ng lalaki at nagdire-diretso na sa paglalakad sa hallway.

“Hmp, ano kayang problema nun? Sakit sa ulo e. Nakoooo.” Hinimas-himas ko ang ulo ko habang papasok na sa principal’s office. “Ahm, good morning po.”

“Good morning. You’re Ryza Marie Quinto, am I right?” Bungad ng assistant ng principal sa kanya. “The principal is waiting for you. You may come in to her office.”

Nagpasalamat ako at dumeretso sa tinuturo niyang room. Kinakabahan parin ako, ano ba yan. Palunok-lunok nalang ako habang papasok sa office…

“Good morning ma’am. I’m Ryza Marie Quinto…” Kabado ko’ng sinabi sa babaeng nakaupo sa isang malaking upuan. Sa katunayan, hindi mo siya mahahalatang principal kasi mukha pa itong bata. Sa pagkakaalam ko kasi kalimitan sa mga principal ay matatanda na. E siya mukhang thirty plus lang.

“I’ve been expecting you. Please, sit down.” Umupo naman ako sa tinuro niyang upuan habang nakayuko at talagang nahihiya.

“Let’s see…” Sabi ng principal habang tinitignan niya ang mga papeles na mukhang files ko or something. Andun din yung finill-upan ko na something sa guidance office nung nag-enroll ako dito. Late kasi akong nag-enroll kaya hindi ko pa alam kung anong schedule at kung saang klase ako… “You have good grades Ms. Ryza. We don’t usually assign transferees to Section A but I think you are the exemption, seeing that you have a good performance report and consistent high grades.” Sabi ng principal na nakatingin sa akin, ako ay emotionless lang. Lahat naman saan niya ako ilagay e okay lang. Wala rin lang naman akong kilala kahit isa dito e… -_-

“And I see here that you have a special skill in writing and dancing, right? So I recommend you to consider joining either the school paper or the dance troupe. You could choose both if you’d like, but we have some problems in this school’s dance troupe because the board is proposing to remove this club. They haven’t won any competitions these past years and the board thinks that it’s a waste of time to fund them...” Ay kawawa naman pala ang dance troupe dito, pero hindi ko nanaman balak sumayaw uli e. Masakit lang…

“Anyway, here is your schedule. You are now assigned to Section A. Just stay here and I’ll page the section’s president.” Tumayo naman yung principal at kinausap yung assistant niya sa labas.

“Paging Ms. Katherine Rodriguez, please proceed to the principal’s office. Ms. Katherine Rodriguez, please proceed to the principal’s office.”

Dance to the beat of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon