Chapter 11
<Seph’s POV>
“Yes, you! Di ba dapat lagi tayong MAGKASAMA? Kaya tara na!”
Matapos sabihin ito ni Ced ay hinigit na niya papalayo sakin si Ryza. Talagang dinuldulan pa niya sa akin na dapat lagi silang magkasama. Anong meron?
Tinignan ko lang sila habang papalyo na sila sa akin. Ito namang si Ced ay lumingon pa at ngumiti ng nakakaloko. Hindi naman ako galit kasi barkada ko yan, pero nakakainis kasi bigla bigla siyang aakto ng ganun. Totoo nga kaya yung sinabi nina Sioty?
Nagdiretso nalang ako papunta sa canteen. Bawat nakakasalubong ko ay binabati ako at nginingitian ko naman sila. Hindi dapat ako magpaapekto masyado.
“Huy! Anong meron ha?”
Napalingon ako sa direksyon kung saan ko narinig yung boses ni Sioty. Nakita ko na higit higit parin niya si Ryza. Ayaw ba talaga nitong bitawan si Ryza? Haay.
“O Seph! Anjan ka pala! Kanina ka pa jan?” Hindi naman ako nakapagsalita nung tinapik ako ni Sam. Medyo nababadtrip lang ako, kung kelan nagsisimula na ako kay Ryza…
“O? Bat parang ang tahimik mo? Anong problema?”
“Alam niyo nanaman siguro kung bakit e.” Tumingin ako sa direksyon kung nasan sina Cedric at Ryza at lumingon naman dun yung tatlo.
“Aaaah. I can sense something fishy.” Sabi ni Theo na mukhang nagets na niya ang sinabi ko. “Nagseselos ka ano?” Dagdag pa nito.
Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa ba e tama nga naman, nagseselos ako…
“Papabayaan ko nalang muna, wala naman akong karapatang magselos ng ganito. Hindi ko pati magawang magalit kasi kaibigan natin si Ced.” Tutal, hindi pa naman natin alam kung may nararamdaman sila para sa isa’t isa kaya maybe, may panahon pa ako. Think positive nalang Seph.
“Umagang umaga ang bitter!” Napatalon naman kami ng very light. Sino naman yung nagsalitang yun?
“Ano ba Kath! Bigla bigla ka nalang sumusulpot jan e!” Pasigaw na sabi ni Sioty habang nakahawak sa dibdib niya. OA rin neto e no?
“Hahaha. Pake mo ba? May hinahanap ako e.” Palingon lingon naman itong si Kath sa kung saang direksyon.
“Hinahanap? Si Theo hinahanap mo ano? Ayeeee!” Theo? Anong meron sa dalawa? May namimiss na ba ako? Ito namang si Theo namula bigla! Bago ito a?
“Hoy! Anong meron? May na-miss ba ako kaninang umaga?” Kalalaki kong tao ang tsismoso ko. Well, kaibigan ko ang involved kaya ganito talaga ako. Dapat pati lagi akong updated kasi staffer na nga ako. President pa.
“Yung dalawa na-love at first introduction ata.” Nagtawanan naman kami nina Sioty at Sam. Bagong term yun a. Hahaha
“Naman kayo e! Pano niyo nalaman na si Theo hinahanap ko? Kayo ha!” At ito namang si Theo, parang kamatis na sa pula. Hindi ko inaakalang maumula ng ganito ito a. Hahaha. “Huy Theo, joke lang. Ibalik mo na kulay mo sa dati, nakakatakot ka na. Si Ryza ang hinahanap ko.”
Tinuro naman ni Sioty kung nasan siya, at ngayon ay nakaupo katapat si Cedric at mukhang may pinagtatalunan yung dalawa.
“Aba! Nagdedate yung dalawa? Bago yun a?”
“Shh ka lang Kath. May nasasaktan o.” Nginuso naman sako ni Sam. Aish! Baliw din ito e, idamay ba naman ako?
“Ang nagiisang Joseph Samonte? May gusto kay Ryza?” Sabi ni Kath habang nanlalaki ang mata. “Ang lakas talaga ng alindog nung babaeng yun a! Sana may magkagusto narin sakin! Hahaha.”
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)