Chapter 2
<Ryza’s POV>
Mabilis lumipas ang first week ng school. Nagsimula nang magturo ang mga teacher naming kaya medyo medyo nagiging busy na kami.
“Yessss! Thank God it’s Friday!” Sigaw ni Kath habang nag-uunat sa loob ng classroom. Friday na kasi at labasan narin. Kaming dalawa lang ang natira sa classroom dahil iniintay naming dumating yung magpinsan. “Saan mo gustong pumunta ngayon, Ry?” Tanong naman nito matapos ang unat session niya.
“Hmm. San ba maganda? Bagong lipat rin lang kasi ako dito kaya hindi ko alam ang mga lugar e.”
“Ay! Oo nga pala. Baliw ko naman at saiyo ko pa natanong yun. Hmm. Mag-mall nalang tayo?” At dahil hindi pa ako nakakapunta sa mall dito sa lugar na ito ay pumayag na ako. Di nagtagal ay dumating na ang magpinsan at pumayag din na mag-mall.
- Mall -
“Anong masasabi mo sa mall dito, Ryza?” Tanong sakin ni Nikki. Sa totoo lang, ang ganda dito. Ang laki kasi ng pinagkaiba ng mall dito kesa mall dun sa amin. Di hamak na mas malaki. Ewan ko nga ba kung mall ang matatawag ko dun. Pano ba naman e hanggang second floor na nga lang, may escalator nga pataas pero wala ng escalator pababa! Ang weird ano? Para tuloy ang poor poor nung pinanggalingan ko..
“Ang ganda dito! At ang laki pa. Ito talaga ang mall! Hahaha” Yun nalang ang sinagot ko kasi amazing nga naman.
Nagwindow shopping kaming apat, labas pasok sa iba’t ibang boutique. Pumasok pa nga kami sa arcade e, ang daming estudyante doon kasi Friday nga naman at Malaya silang gumala at magpagabi, wala namang pasok bukas e.
“Uy, hindi ba kayo napapagod?” Tanong ko sakanilang apat. “Mamahinga naman tayo! Saan ba pwede?”
“Dun tayo o!” Tinignan ko ang tinuro ni Kath at nakita ko ang food court na malapit sa event center. Ang dami nga namang bakanteng upuan kaya dun muna kami nag-stay.
“Girls, tignan nyo o. May dance showdown daw ngayon?” Tinignan ako ang tinuturong stage ni Mel at nakitang may nakalagay nga dun na dance showdown, 6pm ang start. “Quarter to 6 na pati! Manuod tayo dali!” Sumangayon kaming lahat, total, kita naman ang stage sa pwesto naming kaya humarap nalang kami doon.
“Oo nga pala, ang dance troupe natin ay kasali jan. Show lang naman yan at may talent fee kaya pumayag ang ibang members ng dance troupe.” Sabi ni Kath habang nakatingin lang kami doon sa host na nasa stage. Medyo nagsisimula na kasi kaya lahat ng mata naming ay doon naka-glue.
“Eh?” Sabi ko na may halong curiosity. Gusto ko kasi matignan sumayaw ang dance troupe ng school e.
Inannounce na ng host ang unang school na magpapakitang gilas ng sayaw nila. Hindi naman sila bulok, tama lang. Nagcrucrumping sila dun e, at out of your mind ang song. Hindi ako ganung nagalingan kasi hindi naman talaga ganyan ang crumping, dapat dun ay naglalabas ka talaga ng galit mo. For me kasi, hindi dapat scripted yan, dapat parang kung anong gustong iagalaw ng katawan mo na resulta ng galit mo ay siyang ipinapakita mo. Ewan ko ba kung ba’t ganyan ang ginagawa nila ngayon…
Natapos na ang unang grupo na sumayaw nang bigla namang sinabi ng host ang name ng school naming.
“Wooo! Wooo!”Sigaw ng tatlog habang naka-glue parin ang mukha ko doon sa stage, ang tagal namang lumabas ng dance troupe o…
“Hoy Ry! Ba’t hindi ka samin sumali sa pag-cheer? “ Tanong sakin ni Kath ng mapansin na tahimik lang ako’ng nakatingin doon. “Ah, e, wooo?” Sabi ko. Para tuloy akong tungaw. Totoo naman di ba? Hahaha. “Ikaw na talaga ang pinaka-energetic na nilalang sa mundo! Hahaha” Tinawanan ako ng saglit ni Kath at binalik na ang attention sa stage, naglalabasan na kasi yung school mates naming sa stage e.
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomansaWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)