Chapter 9
<Ryza’s POV>
Umagang umaga nakakatuwa ang bungad sa akin. Dahil maganda ang tulog ko kagabi, maganda rin ang gising ko. Agad ko pinatay yung alarm clock ko na nanggising ng 5:30 a.m. kung saan nakakakinig na ako ng mga tugtog na galing sa labas.
Yep, nandito talga sila at hindi ako nananaginip kagabi, ang aking mga personal maid! Yipee!
Pagkalabas ko ng kwarto, isa-isa nila akong binate ng good morning. Ang aagap ata gumnising ng mga ito a? Hindi ata nahirapan sa pagtulog kahit na hindi masyadong malambot doon sa sala. Dapat pala sa guest room ko nalang sila pinatulog, di bale, mamayang gabi nalang.
Sinabi ko naman na maliligo muna ako at umoo naman sila. Bawat isa ay busy sa kanya-kanyang gawain. Pagkatapos ko kasing maligo, nakita ko sina JD, Vlad at Ric na iniimpis ang hinigaan nila at naglilinis. Ito namang si Ching ay nakita ko kakapasok lang ng bahay, dala dala yung news paper at mukhang bumili ng aalmusalin ngayon umaga. At yung tatlo namang natitira na sina Alex, Jer at DJ ang nagtutulong-tulong sa pagluluto ng aalmusalin.
Lahat sila with matching pa-sway sway pa. Ang tugtog kasi mga pang party song kaya nakakatuwa, ang tataas ng energy ngayon umaga grabe! Napapasway sway din tuloy ako.
Sabay sabay naman kaming lahat nagkain, siksikan kami ng very light sa dining table. Buti na nga lang at may extra chairs kaming nakatago kung hindi, naku, saying ang mini-reunion namin, di ba?
“Guys, oo nga pala, nahirapan ba kayong matulog kagabi?” Tanong ko sa lahat. Nakakaawa naman kasi para silang tignan sa sala e.
“Naku, hindi naman a. Kahit saan naman kami matulog ay okay lang, dib a? Hwag lang talaga doon sa labas at malamok doon!” Sabat ni Alex habang nasandok pa ng kanin. “Masisira ata ang aking fair skin!”
Binatukan naman siya ni JD kasi para nanaman daw siyang bakla. Wala talagang kupas tong mga ito e!
“Siguro naman kakasya kayo doon sa guest room kasi kama lang naman ang nandun kaya malawak. Tatlo pa ang kasya dun. Three days pa naman kayo dito kaya mag-take turns nalang kayo kung sino doon at sino sa sahig.”
Umapprove naman ang lahat. Dahil 6:30 palang naman at 8 pa ang oras ng time ko, inayos ko muna ng solo yung guest room habang sila ay isa-isang naliligo. Ng quarter to 8 na, lahat kami ay tapos na sa mga gawain at ako ay papasok na sa school.
“RM! Hatid ka na namin!” Akit ni Jeremy. “Mageexercise kasi kami sa park e. Alam nanaman namin ang daan papunta doon kasi nagstroll muna kaming lahat bago pumunta dito kagabi.”
At dahil mapipilit ang mga ito, wala akong choice kundi ang pumayag. Grabe, kanina personal maids ko silang lahat, ito ngang si Ric pinagplantsa pa ako e! Tapos ngayon, aba, body guards and dale!
Sa dami nilang lahat, pinagtitinginan ako ng mga tao sa labas ng gate kasi inihahatid ako ng ganitong kadaming lalake. Yung iba pa nga ay tumatalon sa kilig kasi, well, gwapo nga rin silang lahat.
Pero dahil suplado effect sila, wala silang pinansin kahit na isa sakanila. Nagpaalam nanaman sila at sinabi na ang ganda daw ng pinapsukan ko ngayon.
“Kung gusto nyo lumipat din kayo dito?” Di ba maganda yun? Haha. Pero baka tumira lang yang mga yan sa amin kaya parang ayaw ko din. Gulo yun! Hahaha
Sinabi naman nila na hindi na kasi mamimiss sila ng fans nila sa school. Ako daw kasi sobrang miss na nila, pano pa daw pag nalahat? Ang naisip ko lang naman ay.. May fans pala ako? Wala naman siguro, di naman ako kagalingan e.
Tuluyan na silang umalis at pumasok nanaman na ako sa loob ng bigla kong nakita si Kath.
“Uy bruha! Sino yung mga yun????” Eto si Kath, isa ring nagtatatalon. Anong meron?
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)