Chapter 14 - The Date

125 4 3
                                    

Eto na ang update. SA WAKAS. Sorry kung natagalan masyado. Busy? Err. Nablanko lang talaga ako these past few days. Pati inuna ko muna ang TBC, nahuhuli na e. Hahaha.

Anyway.. Enjoy nalang dito sa update na ito. Medyo pinahaba ko para pambawi :)

----------------------------------------------------------------------------------

Chapter 14

<Ryza’s POV>

Dumating na ang kinatatakutan ko…

Dismissal na! Waaa (>o<)

Nakakaasar. Nakakabadtrip. Nakakaasar.

Tinignan ko yung lalaking katabi ko.. Aba?! Bat biglang nawala? Huhu. Kailangan ko pa naman ng hihigit sa akin ngayon ^-_-

Tumayo na ako, baka sakaling makatakas ako. Ako nalang ang magplaplano ng solo para dun sa bwisit na photojourn na yan. Kaya ko na to =_=

Eto ako ngayon sa may pinto ng room. Inintay ko muna mawalan ng tao at dahan dahan akong sumisilip sa labas.

Kaliwa.

Kanan.

Kaliwa.

Kanan.

“Whew!” Wala nang tao!

Tumayo na ako ng maayos at didiretso na ako papalabas.

*BOOG*

“A-aray!” Arg. Ulo ko. Bakit naumpog nanaman ako sa..

“Seph?”

“Ah! Ryza! Sorry nabunggo kita!”

“*Gulp* Ah, i-ikaw pala. Bakit ka n-nandito?” Akala ko pa naman makakatakas na ako e. Di ko keri to. Kasi naman.. Si Seph makakasama ko. Eeeee. Okay lang naman kasi talaga sakin pero sobrang nahihiya ako sakanya. Para bang ako yung nilalang na walang karapatang kasama ito. Lupa ako, langit siya. Weh?

“May pupuntahan tayo. Tara na! n__n”

Hinigit naman na niya ako palabas ng gate. Hindi na ako makaangal.. Bakit? Ang gwapo niya kasi mag-smile e ^____^

Pero bakit ganun? Hindi kami dumeretso sa sakayan ng jeep? Tricycle? Pedicab? o___O

“S-seph? San tayo pupunta?”

“Sa parking lot.”

Parking lot? Bakit dun? Don’t tell me..

“Andito na tayo.” Sabay abot sa akin ng helmet. “Buti may dala akong extra, sakay na.”

“Jan? Jan a-ako sasakay?”

“Uh, yeah. Are you scared?”

“…” Sorry. Natatakot talaga ako sa motor. Pag kasi naiisip ko na sasakay ako jan, maaaksidente ako -___-

Pero ang cool niya! Siya na! Him already! Siya na talaga ang may motor. Sumakay na pati siya. Woo ang hot tignan o! ^___^

“C’mon. You trust me, right? I won’t let anything happen to you. Okay?” Waaaa. Bakit ba ganito ka ka-sweet Seph? Pero naiilang ako. Tantsa ko na 6 inches ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. At.. At.. Feel ko namumula na ako o///o

Narinig ko naman siyang tumawa. Gawd! Siguro napansin niya na namumula ako -___-“

“Ang cuuute mo talaga! Sakay na nga!” At pinisil pa niya pisngi ko. Raaawr! Hindi ko ramdam yung sakit kasi sobrang kinikilig ako! >/////////< ^_____^

Sumakay narin naman ako. Kesa naman maglakad ako at siya ay nakasakay dito. Here goes nothing…

VROOM! VROOM! *SKREEEETCH*

Dance to the beat of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon