Chapter 20
<Ryza’s POV>
“Ito naman o, masyadong seryoso.. Uy! Tara sa bahay, tulungan mo ko sa remix natin!”
Remix? Hmm. Game ako dun! Gawa lang pala nun e. Pati curious ako kung anu ano sasayawin namin ^__^
Pero sa totoo lanmg, mas curious ako kung ano ang itsura ng bahay nina Cedric.. Balita ko kasi bigaten yung mga yun. Bigaten din kasi yung village nila e! Remember? Yung.. Nevermind! Kaasar lang yung araw na yun -___-
Pero parang ang weird weird niya ngayon, tatahimik, iingay. Nakikiride na nga lang ako e. Baka may mali lang sigurong nakain yun kanina. O well :)
Eto kami ngayon, nag-aantay ng jeep sa may kanto ng school. At nung may dumating na, sumakay na kami.
Ayaw ko pa nga nung una kasi walang pasahero. Takot ako pag ganun e. Malay mo, kikidnappin na pala kayo nung driver di ba? You can never be too safe.
Sinabi ko nga yun kay Cedric, pero pinisil lang yung cheeks ko at tumawa =__=
Aray pati yun ha. Ansakit, physically and emotionally.
Okay, ang arte mo na Ryza. Hahaha
“Ano ka ba. Nandito lang ako at hinding hindi kita papabayaan. Papakalbo ako pag hindi ko ito natupad”
Yan ang sabi niya.
Nag-smile nalang ako sakanya at siya din naman nag-smile din.
Ang gwapo niya talaga pag na-smile sya, hindi katulad nung mga unang kilala ko sakanya, lagi nalang gusot ang mukha! Haha
At yun mga sinabi niya, ewan ko.. Para kasing ang sarap sa tenga. Yung tipong alam mo na may magproprotekta sayo. At talagang mag pakalbo-kalbo epek pa siya huh? xD
After mga 20 minutes, nakarating na kami sa bahay nila. At nakatingin lang ako dun..
“O? Tara na. Pasok ka na.”
Amazing lang. Ang cute ng bahay nila. Ang laki pati compared dun sa amin.
“May balak ka bang pumasok?”
Tapos may mini garden sila sa unahan. Ang cute! Ang daming makukkulay na bulaklak! Lagyan ko kaya ng mini garden yung unahan ng bahay namin? Nah! Walang space e =___=
“Huy Ryza! Pasok na sabi e!”
Ipatanggal ko kaya yung path way sa harap ng bahay namin? Hmm. Siguro naman pwede yun? Tapos manghihingi ako ng mga tanim kina Seph! Tama! Ganun nga. Wuahaha. Pero baka ipa-barangay kami pag tinanggal ko ang path way di ba? -___-
“Papasok ka ba o bubuhatin kita?”
Halaa! Malaking problema yun pag napa-barangay kami. Nangyari na kasi yun dati. Disturbing the peace daw. Hindi naman namin kasalanan na kailangan na naming magpractice kaya inabot kami ng 1am tapos malakas pa yung sounds e. Hindi naman namin kasi napansin. Haay. Buhay pa si papa nun, siya pa yung nakiusap na pagbigyan kami at din a mauulit.
Namimiss ko na papa ko TTT^TTT
“Ikaw bahala…”
“Waaa! Ano—Hoy! IBABA MO AKO CEDRIIIIC!”
Arg. I hate him -___-++
Hindi ako sako para buhat-buhatin lang!
“Bakit ba kasi masyado kang spaced out jan? Kanina pa kita kinakausap a!” Sabi niya habang buhat buhat parin ako. Nakakaasar. Ang lakas naman nito -__-^
“Spaced out ka jan? Ano ba. Ibaba mo na ako! Nakakahiya sa mga nadaan o!”
At dahil nga nasa likod niya yung mukha ko, napapansin ko yung mga tao na nadaan sa bahay nina Cedric.

BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)