Chapter 6
<Ryza’s POV>
Nakauwi naman ako ng ligtas at hindi naliligaw sa bahay naming, medyo madilim na akong nakadating sa bahay kaya sermon ang inabot ko kay mama. Inexplain ko naman sakanya ang ginawa ko kaya huminahon narin siya.
“Hala, tara na at kakain na tayo.” Handan a ang hapag-kainan pagkapasok ko sa kusina. Tahimik ako buong meal kaya na sobrang pinagtaka ni mama.
“May problema ka ba anak? Dapat ngayon ay nagkwekwento ka na ng nangyari sa araw mo a…”
Tumingin lang ako nun kay mama at umiling. At syempre, hindi parin siya matinag. Hindi napapaniwala ng simpleng pag-iling. Haay. Para tuloy nabasa na niya iniisip ko. Eto nanaman tayo…
“Sa pagkakaalam ko naman ay wala kang boyfriend ano? Edi ibig sabihiin, sumayaw ka ngayon?”
Napatingin lang ako kay mama at nanlaki ang mata. Agad naman akong tumungo kasi ang galing galing niyang manghula. Ganun ba pag graduate ka ng psychology?
“Edi sumayaw ka nga..” Palakpakan tayo para sa mama ko! Mind reader ata talaga ito e.
“Alam mo, hindi naman pwepwedeng habang buhay kang ganyan. Alam kong mahal mo ang pagsasayaw, bakit kailangan pang itigil? Hindi naman natin ginusto ang nangyari sa papa mo e. Sumayaw ka man o hindi, hindi parin siya babalik. Alam ko, masakit, hindi lang naman ikaw ang nawalan e. Pero ano sa tingin mo ang iisipin niya pag nagmumukmok ka ng ganyan at hindi sumasayaw?”
Unti unti namang nag-sink in sa utak ko lahat ng sinabi ni mama. Alam ko, tama siya, pero hindi ko pa kaya e. Hindi pa ako nakaka-move on sa mga nangyayari.
Malapit na tumulo luha ko ng bigla akong niyakap ni mama. “Gawin mo nalang ang kung anong magpapasaya sayo anak, hwag mo pipigilan yan.”
Tumango nalang ako at niyakap ko rin si mama. After ng emote-serye naming ni mama ay kumalas na siya sa pagkakayakap at ngumiti sakin sabay pisil sa pisngi ko. Tama bang panggigilan ako? “At dahil ako ang nagluto at naghanda ng hapag-kainan, ikaw ang maghuhugas ng mga ito, okay? Akyat na ako anak!”
Ang galing nga naman talaga ni mama. Nakatakas sa mga hugasin. Tss. Hindi naman mahuhugasan ng mga pinggan ang sarili nila, kaya no choice ako. Haaay…
Matapos kong magdayag, tinapos ko na agad ang mga ritual ko bago matulog at humiga narin. Nakatunganga lang ako sa kisame ng biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext.
Huy Ryza…
From: +63923…….
29/11/2011 10:14:28 PM
“Unknown number? Sino naman kaya ito?”
At dahil one month pa naman ang unli ko, nireplyan ko kaagad yung nagtext.
To: +63923…….
Kahuy. Sino ito?
Wala pang isang minuto ay nagvibrate na ulit yung cellphone ko, pero this time, wild na ang pag-vibrate. Ibig sabihin, may tumatawag. Nakita ko na yung number na nagtext kanina, at dahil curious ako, sinagot ko ito agad.
“Hello?”
“Ryza?”
“Ako nga. Sino ito?”
“Si Seph ito…”
Nang malaman ko kung sino yung tumatawag, napatalon ako paupo sa kama ko. It’s not like everyday may tatawag sayong papable di ba? Hahahaha
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)